Tuesday, April 7, 2009

on wasabi and nasabi

isa sa paboritong bahog sahog ng mga japanese sa pagkain ay ang kanilang wasabi. lalo kapag isinasama ito sa toyo para sa sawsawan ng sushi o maki. pero ako, ayoko ng wasabi. hindi kasi ako mahilig sa maanghang. naalala ko rin nung sinabi ko sa amo kong hapon na hindi ako kumakain ng wasabi, para daw akong baby. hehehe.

naaalala ko rin kasi yung napanood ko sa jackasss na sinisinghot yung wasabi. adik.

pero alam nyo rin ba yung “nasabi”? eto yun:

1. noon: kapag naka-graduate ako at nagtrabaho, iti-treat ko ang mga magulang at kapatid ko kung saan-saan at ako ang magbabayad ng bills sa bahay.

ngayon: hindi ko nagawa. cannot be. php8000 a month ang una kong sinusweldo. minus daily expenses, php3000 lang ang natitira sakin. eh pano pa yung pang-girlfriend.

2. noon: nung nagtrabaho ako, isang kumpanya lang ang paglilingkuran ko hanggang tumanda.

ngayon: sa five year working experience ko, apat na ang nagiging kumpanyang napasukan ko. hindi ito maiiwasan. lalo pa’t kung aburido ka sa napasukan mo at merong nasisipat na greener pasture over the horizon. pero pangarap ko pa ring mapasama sa kumpanyang worth staying for.

3. noon: hinding-hindi ako mag-aabroad. ayoko maging ofw.

ngayon: lahat ng kumpanyang pinasukan ko ay required akong lumabas ng pilipinas. ayos din naman, maliit ang sweldo ng mga engineers sa pilipinas.

4. noon: hangga’t maaari, hindi ako pupunta ng middle east para magtrabaho.

ngayon: no choice, nandito ang greener pasture. hindi maiiwasan lalo pa’t global recession, kakaunti ang choices for a place to work.

5. noon: lalong hinding-hindi ako pupunta sa africa para magtrabaho din.

ngayon: ika nga nila, we can never really can tell (bwahaha). niluluto na. tanginang greener pasture yan.


isa lang ang ibig sabihin non, ang dami ko na palang nakain na nasabi. nagiging favorite ko na nga siya. kayo nakakain na ba kayo ng nasabi? try nyo.

24 comments:

BlogusVox said...

Ang nakaka-inam sa wasabi ay delayed ang reaction. Unang tikim ko nito, hindi man lang ako sinabihan. Naparami ang subo, ayun, tulo ang sipon! : )

Ako, marami naring nakaing "nasabi". Katulad ng uuwi na ako pag nakabili na ng computer. 20 taon na ang nakalipas, nandito pa rin ako. Isa pa, sabi ko noon, mabait ang pipiliin kong asawa para hindi ako apihin... (sweethart baka mabasa mo ito, joke lang, para tumawa si arjey).

gillboard said...

naku, parang ganyan din ang nangyayari sakin... pag sinabi ko kayang ayaw kong magkakaroon ng magandang syota... di kaya mangyayari yun... hehehe

The Gasoline Dude said...

Nasabi ko na din dati na hinding-hindi ako magiging OFW. Pero asan ako ngayon? Waaahhh!

Kelan nga ulit uwi mo ng Pinas?

azul said...

ayoko din ng wasabi..okei lang yung anghang nia pero yung lasa ayuku..parang mapakla na di mo maintindihan.pagbumubili ako ng maki pinapatanggal ko yung wasabi..

natry ko na din yung nasabi..noon sabi ko magreresign na ako.ngayon magdadalawang taon na ko dito,amft!

Anonymous said...

so next destination ay africa? konti na lang maiikot mo na ,rj! europe saka states na lang!

madbong said...

meron din akong nasabi noon na nakain ko. nung nasa up pa ako panay protesta namin na "down with imf, down with world bank!" pero naging world bank grant coordinator ako dun sa isang job ko.

RJ said...

@blogusvox, hindi ko lang talaga gusto ang maanghang. plain toyo lang ayos na sa sushi at maki, sabay inom ng ice cold na asahi beer.

napatawa mo ko don pards. hahaha!

@gillboard, ingat ka din baka magdilang anghel ka naman. hahaha!

@insan gasul, ayos pa rin ang singapore, hindi mo gaano ramdam ang pagiging ofw. para ka lang nasa pilipinas. hehehe.

i'll be back april 23rd. salubungin nyo ko. hahaha joke lang.

@azul, pareho tayo. binubulatlat ko rin ang maki para tanggalin ang wasabi sa loob. hehehe.

@mari, hinding-hindi rin ako pupunta ng europe at amerika. hinding-hindi. hahaha!

ano nga palang bago mong address? hindi ko pa naupdate ang blogroll ko. hehehe.

@madbong, aktibista ka pala dati. ok lang yon. sarap nga ng nasabi eh. hehehe.

lyzius said...

hmm guilty din ako sa pagkain ng nasabi...

pero sana this time ito ang kainin ko:

hinding hindi ako mag aasawa ulit ng mayaman na mabait na gwapo at tanggap ang pagkatao ko...

ampft!

uuwi ka pala? di tayo mag aabot... may 5 pa dating ko pinas...

muntik na rin ako mapunta sa africa... sa libya naman...

mumu said...

ako marami-rami nyan lololz. the reason why is we can never really tell what's gonna happen from time to time unless marunong tayo mag predict ng tama, ika nga eh, maraming pwedeng magbago sa loob ng ilang minuto lols.

Anonymous said...

G
LA片-史上最強最新線上A片收看頻道,成人影音光碟。 ... A片-AV女優 警告啟事: ... 絕瀏覽,且願接受本站內影音內容及各項條款。 ... 提供A片線上高畫質直播,成人影音光碟VCD DVD,(AV女優,辣妹自拍,熟女,偷拍等.)以 ...

a片

av片

A片-史上最強最新線上A片收看頻道,成人影音光碟。 ... A片-AV女優 警告啟事: ... 絕瀏覽,且願接受本站內影音內容及各項條款。 ... 提供A片線上高畫質直播,成人影音光碟VCD DVD,(AV女優,辣妹自拍,熟女,偷拍等.)以 ...

av女優

洪爺

A片-史上最強最新線上A片收看頻道,成人影音光碟。 ... A片-AV女優 警告啟事: ... 絕瀏覽,且願接受本站內影音內容及各項條款。 ... 提供A片線上高畫質直播,成人影音光碟VCD DVD,(AV女優,辣妹自拍,熟女,偷拍等.)以 ...
a片下載

日本a片

A片-史上最強最新線上A片收看頻道,成人影音光碟。 ... A片-AV女優 警告啟事: ... 絕瀏覽,且願接受本站內影音內容及各項條款。 ... 提供A片線上高畫質直播,成人影音光碟VCD DVD,(AV女優,辣妹自拍,熟女,偷拍等.)以 ...
色情a片

洪爺


k

dfhgdfhdhtfshjfdhfgjj fgfgj fgh h fghgggh hdshdfh






3

h

Jhanz said...

Nice post. :)

Hm. sabi ko dati hindi ako mag boboyfriend hanggat di ako graduate. pero ngayon.. hahaha. :P

Forget it. XD

♥ K.i.i.k.a.Y ♥ said...

oh yah i Love sushi

But i dont Like wasabi ma anghang pa at ang pangit ng lasa hehe

uunGa marami na akong nakain na ♠nasabi♠...isa dito ang sabi ko NA d mOna akO magBf dahil ang hirap pagmasaktan..eh anO ngaUn nagakabf nga at nasaktan ulitz..kainis talaga oh...

things&thongs said...

Nice post. First time ko atang magvisit here pero naaliw talaga ko. Keep it up!

PoPoY said...

nakakain na din ako ng NASABI. yan yung pagkaing, magsisisi ka. hahaha.

nakabisita ulit dito AHOOOOYYY!!!

rolly said...

Unang tikim ko ng wasabi halos mapaiyak ako. Lumalabas ba naman sa ilong ko yung anghang! Pero ngayon, gusto ko na siya.

Speaking of nasabi, hmmm, wala akong matandaan. Ah, masyado akong naging carefree nung bata pa ko at wala akong pakialam kahit sa anong bagay.

rolly said...

Unang tikim ko ng wasabi halos mapaiyak ako. Lumalabas ba naman sa ilong ko yung anghang! Pero ngayon, gusto ko na siya.

Speaking of nasabi, hmmm, wala akong matandaan. Ah, masyado akong naging carefree nung bata pa ko at wala akong pakialam kahit sa anong bagay.

Anonymous said...

X
P
seo

SEO是目前最新興的廣告曝光方法,SEO搜尋行銷提供了專業的關鍵字排名與SEO搜尋引擎最佳化服務,讓你的網站在SEO排名遙遙領先,歡迎洽詢SEO的專家 ... SEO自然排名 規劃架設seo seo網站 專業關鍵字公司1通電話幫您把網站排名到第1頁、 想要讓自己的網站大量曝光嗎? ...

宜蘭民宿

a383



2

p

Anonymous said...

nakarami na rin ako ng kain ng nasabi. pero parang di pa rin ako nagsasawa. goodluck sa pagkain ng nasabi sa future!

UtakMunggo said...

marami rin akong mga nasabi.

lahat naman yata ng tao mahilig sa nasabi eh. haha

pano kelan at saan banda yung african dream mo, parekoy?

bachoinkchoink said...

Naalala ko tuloy ang Tom Yum Soup na inorder natin mahal. Kung ako na mahilig sa maanghang mangiyak ngiyak sa anghang ano ka pa kaya na vigin na virgin sa maaanghang ang panlasa.

Sa nasabi naman sabi mo sakin dati bibilhan mo ako ng honda jazz? San na honda jazz ko? ahihih!

bishi said...

sabi mo rin samin dati bibigyan mo kami ng tig-500 ni bj kada sweldo mo..asan na?

Anonymous said...

J
D
seo
SEO是目前最新興的廣告曝光方法,SEO搜尋行銷提供了專業的關鍵字排名與SEO搜尋引擎最佳化服務,讓你的網站在SEO排名遙遙領先,歡迎洽詢SEO的專家 ... SEO自然排名 規劃架設seo seo網站 專業關鍵字公司1通電話幫您把網站排名到第1頁、 想要讓自己的網站大量曝光嗎? ...


a383
4

f

RJ said...

@lyzius, nawa'y bigyan ka ng mga kakainin sa araw araw. hahaha! oist lapit ka na ring umuwi.

@mumu, si madam auring o jojo acuin kaya? hehehe.

@pouts, lahat naman yata ng babae nagsabi ng ganyan. hehehe. salamat sa pagdaan.

@kiikay, masakit ba talaga ang magka-boyfriend? hindi ko pa kasi nasusubukan. bwahaha.

@thingsandthongs, thank you! balik ka ulit. =D

@popoy, hooy ka rin. hehehe. bakit ka nagsisisi? sinabi mo bang magpapari ka na lang dati dapat? hehehe.

@tito rolly, kaya naman marami tayong mga nasabi eh dala ng kabiglaanan minsan, at panahong very ideal pa tayo sa lahat ng bagay.

@kuri, tama ka. masarap nga. hehehe.

@marekoy, pag sure na sure na, sabihin ko. hehehe. malapit ba kayo sa london, marekoy? dadaan kasi ako dun. =D

@bachoinkchoink, kaya nga very compatible tayo. ikaw ang masculine ako ang feminine. ahahaha.

@bishi, nandiyan sa cabinet. mamiso. hahaha!

glesy the great said...

teka yung wasabi naging nasabi na..

anyway, kung before and after lang naman ang pag-uusapan.. marami ako nyan sa alkansya ng nakaraan ko... ganun talaga habang tumatagal nag-iiba ng pasya... kaya walang duda, matigas talaga ang ulo ko...

at sa lagay mo naman.. at least ikaw may greener pasture na para sayo.. eh ako ngayon puro panahon ng tagtuyot ata... tsk.. cheers na lang tol;p-glesy the great