akala namin, best in uniform at best muse lang ang mapapanalunan namin dito sa sinalihan naming basketball tournament sa doha. meron pa pala.
biruin mo nga naman, mula nung talo namin noong opening, we are on a two game winning streak. 2-1 na ang standing namin. and we did it on a spectacular fashion dahil parehong tambakan ang kalaban. although wala ako noong third game dahil meron akong pasok. call of duty.
three point shooting ang assignment ko sa team. ako ang outside threat kapag nagkakarambulan na sila sa loob. magaling daw kasi ako mag-shoot. you know, shoot. nakakatuwa nga dahil tuwing makaka-shoot ng three points, meron pang sound effects na tutugtog na "jumbo hotdog kaya mo ba to? kaya mo ba to?", at sasagot naman ang kasama naming bading ng "kaya ko yan! kaya ko yan!".
pero wala pa rin ako sa galing sa shooting ni chroneicon. talo kasi kami ni lv sa kanya noong nagpustahan kami last year.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
10 comments:
magaling ka pala sa shooting at para kang si Atoy Co nung kasikatan pa ng Crispa Toyota rivalry ha. Mailaban ka nga ng pustahan at nang magkapera naman ako. haha
naks... player!!! congrats!!!
Hindi kaya nanalo kayo dahil wala ka? Biro lang! : D
kunyari sinubukan kong intindihin yung "spectacular fashion" link pero hindi ko rin naintindihan.
yahoo!!! in high spirits ang lolo kong magaling magshoot. ahaha naiimagine ko yung eksenang may tumutugtog na "kaya mo ba to" sa background tapos may mga bading na sumasagot ng "kaya namin yan". kapag ganyan eh hindi lang manlalaro ang mataas ang adrenaline kundi pati na rin mga spectators.
wow go ardyey! go ardyey!
rj, ikaw ba yun o si johnny bravo.. hehe. congrate :)
Three-point artist ka pala, Pards. Hanep. Ok sa standing! Keep us posted sa record niyo, ok?
nakss
ishoot mo
ishoot mo
ishoot mo na ang ball
at kayo'y magbasketball
hehe3xx
Go Go SA teAM NInYo :)
@tito rolly, tatay ko rin shooter. its in the blood. hehehe.
@gillboard, sana magtuluy-tuloy pa. hehehe.
@blogusvox, nagiisip-isip nga rin ako baka nga ganon. hahaha.
@marekoy, pinakita ko lang yung ibidins ng score na inilabas sa peninsula. hehehe. masarap lang kasi maglaro doon, para kang nasa tv. hehehe.
@PM, ano bang singular ng cheering squad? hehehe.
@watusiboy, ayuun. si johnny bravo nga ang naiisip ko pag nakita ko yang posing ko diyan. hehehe.
@panaderos, sa friday may laro kami ulit. bago umuwi. hehehe.
@kiikay, pwede ka pala maging viva hot babes. kanta ka nga ng "bulaklak". hahaha.
oo brad! malupit tlaga sa shooting si chie, mali ka ng hinamon! hahahahaha! designated tirador sa labas.
Post a Comment