kakasabi ko pa lang na there's a 90% possibility na hindi na ako babalik sa work ko sa qatar. well, tinamaan ko ang 10%. babalik pa ako ng qatar next month, nakakatawa nga lang ang nangyari.
nakatanggap kasi ako ng job offer to work sa algeria. natapos na ang panel interview over the phone at tawaran portion, naisend na sa akin ang draft ng contract at naikwento na sa akin ang mga dapat kong i-expect tungkol sa buhay buhay doon.
medical na lang pagdating sa pilipinas ang kulang. impak, nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko sa trabaho at nagpa-pansit para sa kaunting salu-salo. binitbit ko nang lahat ng gamit ko palabas ng qatar. pagkatapos kong magcheckin sa airport at habang naghihintay na lang ng boarding time, nagcheck ako ng email at ito ang bumungad:
biglang nabulilyaso ang lakad ko. may bago kasing regulation ang labor ministry ng algeria, just 4 days ago na hindi na sila nag-iissue ng work permits sa mga expats 28 years old below. wala na kong magagawa don, talagang 1982 lang ako ipinanganak. at hindi rin naman ako nagmamadaling tumanda kaya no regrets.
mabuti na lang, hindi pa ako nagresign sa current job ko at meron pa akong babalikang trabaho. dapat laging may contingency plan, kung hindi eh naging forever ang duration ng vacation leave ko. mahirap pa naman at global recession ngayon.
kaya babalik pa ako ng qatar, para maningil ng ipinang-pansit. tngngyn.
Monday, April 27, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
15 comments:
pareng RJ! patikimin mo naman ako ng pansit mo. haha! yunng pansit malabon ah! yung madami hipon...
magkababata talaga tayo..yaan mo na yung sa algeria. atleast may work ka pa rin. hirap na mabakante ngyon
hahaha sobrang nakarelate ako dito..ako aman kala ko makakalipat na ko ng bahay.tapos last minute nagbago isip namin ng pinsan ko.ayun di natuloy.buti di pa ko nagimpake.
nakakamiss magblog hop..ahahay
Nyahaha! Natawa ako kahit dapat hindi. Pwede na pala ako sa Algeria. *LOLz*
at least less risky yung sa qatar... tsaka parang di naman ata maganda sa algeria...
di bale tol, at least may trabahao pa din. dito sa nz ang dami na ding nang kumpanyang nagsasara kaya nakakatakot. ang dami ko pating kilalang pinoy na work visa lang na hinde na nirenew ng gobierno dito.
sa dat means na lahat ng tao sa algeria ay matatanda..ahe he he..pasalamat ka nalang at may trabaho kapa rin...weee!!!
saglit, ibig sabihin ba ay nasa pinas ka na?
yaan mo na yang sa algeria. yan ang senyales na binibigay sayo para wag muna umalis dyan sa current work mo. kainggit ka naman. bakasyon. haay. miss ko na yang bakasyon na yan.
naku mukhang yang paniningil ng pagpapansit na yan eh mauuwi sa welkam bak parti,hihihi
nyahaha. something is keeping you from leaving qatar. mabuti na lang at nag-check ka ng email kung hindi, naku lagot. lols! padaan dito
nakabalik ka na pala ng pinas! (i smell romance) ahaha
buti na lang di ka pa nagresign sa job mo or else patay kang bata ka...
pero kung iisipin para nahulog sa wala yung mga chechebureche ano? hehe
never mind. God always has a better plan.
@pareng gasti, tama ka. hirap mabakante ngayon. daming nagbabawas at nadidissolve na companies. paborito ko rin ang pansit malabon. yung meron pang chicharon at pusit.
@azul, salamat at nakarelate ka. nakakabato lang na nagsesenti ka na sa last moments mo doon yun pala eh dun ka pa rin mapupunta. hehehe.
@insan Gasul, ok lang matawa. kahit ako nga natatawa na lang. pwede ka na sa algeria dre, kailangan mo nga lang mag-orange suit. hehehe.
@gillboard, wala naman talagang maganda sa algeria. mas mabilis lang sana ang rotation kaya ko siya kinonsider.
@madbong, same sa canada, singapore and dubai. buti sa qatar hindi pa gaanong ramdam. pagtagal tagal pa siguro.
@maldito, bahala sila don. tatanda rin ako. i'll grow up someday they'll see. parang kanta lang. hehehe.
@antuken, tama ang hinala mo. 1 week na ko sa pinas. ang bilis!
@pokwang, hindi ko naisip yun ah. malamang ganun nga ang mangyari. hehehe.
@marlon, salamat sa pagbisita pre. siguro kapag natuloy ako ng algeria eh... wala lang. wala lang ako maisip. hehehe.
@marekoy, romance to the next level ito marekoy. hehehe. akala ko nga makakapasyal ako diyan sa london dahil sa gatwick airport ang stopover sana sa algeria. dun lang naman talaga ako excited eh. hehehe
oo tama ka, nabalewala ang mga chechebureche ko doon bago ako umalis. nakakatawa na lang. hehehe. =D
pinas kn pala. musta ang rambulan nyo ni tabachoinkchoink?hehe.
congrats nga pala parekoy, buti di ka nawalan ng trabaho. maganda ba sa algeria? ibig sabihin pede ako dun. matanda lang naman ako sayo ng isang taon eh.
kuri, rambulan? one round nga lang knock out na ko. di na umabot ng second round. hehehe.
kung mahilig ka sa buhangin, paraiso ng buhangin ang pupuntahan ko sana sa algeria. hehehe.
Ayun! Babalik ka pa pala ulit sa Qatar. U Good.
Tama, dapat palagi tayong handa.
Algeria? As in sa may Africa?
Post a Comment