Wednesday, October 22, 2008

slow down the clock

isa sa pinaka ayaw kong lugar sa pilipinas ay ang second floor ng ninoy aquino international airport. lagi kasing malungkot ang mood tuwing mapupunta kami dito. dito nagaganap ang mga huling babye, iyakan at habilin ng mga aalis para sa mga maiiwan. sumisimbulo ng ilang buwan o taon na naman ang dapat bunuin para makabalik sa comfort zone at makasama ang mga mahal sa buhay. at next week ay pupunta na naman ako sa impaktong lugar na yan.



pero nagpapasalamat na rin ako at binigyan ako ng amo ko ng 2 weeks extension dagdag sa ipinaalam kong 1 month emergency plus rotational leave. sabi nga ng daddy ko, sa tinagal nya sa abroad hindi pa niya natry magbakasyon ng ganon kahaba. sa wari ko naman eh base to base casis lang naman talaga dahil alam naman ng lahat kung ano ang nangyari sa amin. kahit gaano kahaba naman ang bakasyon, talagang mahirap kapag parating na ang bye bye time.

on the positive note, hinahanap hanap na rin ng katawan ko ang trabaho. meron kasi akong parang napagiiwanan na pakiramdam kapag matagal akong nakabakasyon. kailangan ko ng bumalik sa agos ng buhay at kailangan na rin madagdagan ang ipon kung meron para siyempre sa future at sa mga bayarin. kapag nasa bakasyon kasi, puro withdrawals ang makikita sa mga passbook sa banko ng mga ofw.

at kapag naaalala ko ang mga bagay na ganyan, nasusura na naman ako sa gobyerno ng pilipinas. talagang kahit saan mo tignan, talagang sa gobyerno ang sisi. kung bakit kailangan pang lumayo at mapunta sa ibang bansa para lang kumita ng kaunti. and so on and so forth so help me god.

tapos mababalitaan mong 7 million pesos ang baon ng isang general sa russia. tanginangyan.

tama na muna ang drama at pagkamuhi. manonood muna kami ng pba sa araneta.

18 comments:

Unknown said...

Ang solusyon wag ka nang umalis! Ako na lang ang aalis at magtataguyod ng pamilya natin. Sa bahay ka na lang at tatanggap ng buwan buwang remitance. Ano? ano? ano? Watyutink Lintik?

Anonymous said...

totoo yan rj, nakakalungkot mang isipin pero sa nakikita ko...ang Pinoy ay indi para sa Pinas...kundi para sa buong mundo. Nandun ang future natin wala sa sariling lupa at kahit na siguro anung gawin natin,indi na ito magbabago.

bon voyage! :)

RJ said...

@bachoinkchoink kong lab: ibili mo lang ako ng playstation 3 and i will happily oblige. hehehe. labyu. =D

@aling baby: ayoko na rin namang umasang may mababago pa, makukunsumi lang ako. hehehe.

The Gasoline Dude™ said...

Natawa ako sa comment ni Bachoinkchoink. Haha parang Batjay at Jet in the making ang tandem niyo ah! Para ding Leyn at KDR. *LOLz*

PoPoY said...

sabi ng mama ko kapag nakita daw nya kos a lugar na yan, MATATAWA at ngingiti sya kasi aalis na daw ako ng bansa. ewan ko ba. gusto talaga nila akong palayasin.hahaha

malas nila, ndi pa ko handang mangibang bayan.hehehe

ayzprincess said...

ako rin natawa sa comment ni choinkchoink. ahhahaha

oi oi oi.. last weekend mo,sama kayo ni choink samen a!! :D

UtakMunggo said...

feel ko tong post mong ito parekoy. eto't nagsisitayuan ang aking balahibong pusa.

at aba! si labidoods pa pala ang unang nagkumento. ahaha.. ang kulit.

gabayan ka nawa sa iyong paglalakbay and may God watch over your family, especially carol.

onatdonuts said...

nakakainit talaga ng ulo nung isang general na may 7 million na baon sa russia, winawaldas lang ang pera ng mga mamamayan. tapos ngayon may imbestigasyon sa senado, wala namang mangyayari diyan. hay buhay...

ang kailangan nalang natin ay magpatuloy sa buhay...kayod nalang ng kayod hehe

RJ said...

insan GD: likas talagang komedyante yang misis kong yan. ang cute cute. hehehe.

popoy: sabi lang nila yun. tamo pag dumating na yung oras na aalis ka na nga, iiyak ang mommy mo. pustahan.

tamo ang mommy ko. hindi umiyak. =D

ayz: san na naman bang gimik nyo? salamat nga pala sa coke. =D

bechay: salamat marekoy. nakakagalit talaga ng burat este ng kalooban ang grabeng kurakutan. im sure mababaon na naman sa limot yang issue na yan.

onatsdonuts: hindi lang waldas, pagpapakasasa sa perang hindi naman kanila. pakingshet. pag nagpasignature campaign nga si batjay tungkol sa delubyong sinasabi nya eh agad akong pipirma.

Unknown said...

wowowow!! goodlak pre!
ampota! ambilis ah!
parang imihi ka lang sa
Pilipinas tapos tapos na!

galing! hehe

_______________________

nga pla, di ba gusto mong
magpabugaw??? nyahahahaha

o check mo yung side bar
ng blog ko sa ilalim
ng blog followers,
may banner ako dun.. hahaha

paperdoll said...

paalam. . size 7 1/2 o 39. . 7 million:-o? tang inang yan! kalokohan!

Dakilang Islander said...

malapit ka na palang bumalik...taglamig na ata ng time na 'yon dun sa qatar...paano na yan..hahah

the spool artist said...

tumpak ka sa NAIA... there is no airport as depressing as that... actually mas deppressing ang state nya kesa sa mga umiiyak na iiwanan at iiwan...

good luck sa pagbalik mo!

RJ said...

ron: sinabi mo pa. parang nakafast forward ang oras kapag bakasyon. hehehe.

paperdoll: laki ng paa mo ah. parang sa lalaki na yan ah. hahaha. =D

islander: tinatanong pa ba yon? siyempre KAPE lang ang katapat kapag giniginaw. hehehe.

the spool artist: oo nga, kung ikukumpara sa ibang airpot, nakakadepress nga yung sa atin. salamat sa pagbisita pards. =D

Anonymous said...

ahayyy... naaalala ko kung pano ko tinawanan yung tatay na umiiyak tapos, yun pala, nagpipigil na ng luha yung sarili kong tatay! wahahah~!!
-
wei

RJ said...

wei: awkward talaga ang mga goodbye moments sa airport. kaya nga minsan ayoko na ng matagal at lilingon pa pagpasok. nakakaiyak lang.

Anonymous said...

gulat din ako dyan sa 7 milyong pesoses na baon ng pulis na yon. as in ang dami nyang dalang cash at ang milagro nito, parang walang imbestigasyong mangyayari, huh. anyway, kakalungkot ko ang dating ng mga airports ano? pero ako masaya kapag asa frankfurt airport kasi ang tungo parati e bandang asya esp pinas!

RJ said...

oo kengks malungkot, dami din kasing makakapal ang mukha sa diyan sa naia.