Saturday, October 25, 2008

idol

dahil malapit na naman ang opening ng nba season.

disclaimer: ang ilang nilalaman ng post na to ay kabulastugan lamang at hindi dapat seryosohin. anumang pagkakapareho ng mga ito sa tunay na buhay ay pawang nagkataon lamang. bawal ang sensitive.

aba ginoong dwyane wade
napupuno ka ng highlights
kaming taga-hanga mo'y sumasaiyo
ubod kang pinagpala noong 2006
at tiyak na pagpapalain sa susunod pang years

oh dwyane wade, ang 2006 finals mvp
pakinggan mo kaming humahanga
mapanood ka sana namin ng live balang araw
kami'y nababakla natutuwa kapag ika'y naglalaro.


agoy!

* * *

habang naglalakad kami ni bachoinkchoink sa isang mall, nakakita ako ng dvd ng idol kong si dwyane wade. istorya ito ng buhay niya, kung paano siya lumaki sa drug infested neighborhood sa chicago, kung paano siya muntik nang hindi makapasok sa college school dahil bagsak sa entrance exam, kung paano siya nakilala sa basketball nung college hanggang sa mapadpad sa nba at magchampion nung 2006.

wala lang naikwento ko lang.



naalala ko, first time ko pala itong magkaroon ng original na dvd. parang nagiging panata ko na tuloy na sa tuwing bakasyon ko eh meron akong nabibiling memorabilia. ito naman ang mga nabili ko last year, na nagpapailing na lang sa asawa ko.





kaysa naman gumastos ako sa pambababae di ba?

13 comments:

Unknown said...

oi!oi! oi! ibang pagtingin na yan. Nakakaselos na yata! grrrrr....

The Gasoline Dude™ said...

Investment din daw yang mga 'action figures' na 'yan.

DAW.

= P

Anonymous said...

ako fan ni kobe, hahaha, wala lang, naikwento ko lang din! :-)

UtakMunggo said...

aba ginoong ardyey
napupuno ka ng pagnanasa

kay d. wade..

haha.. sus, isang lalake pala ang katapat ni madam carol. tsk..

sarap nyong pagsamahin ni sarge. ako rin napapailing na lang sa mga toys niya. men NEVER grow up. haha

RJ said...

bachoinkchoink: sige, mga seksing action figure na lang ang bibilhin ko. hehehe

insan GD: hindi rin siguro, kapag gipit ka na eh ibebenta mo rin ito ng mura. pero ewan natin. hehehe.

echo: ayos din si kobe, nayayabangan lang ako noon. hehe

bechay: hahaha! at least pareho pala kami ni sarge, at pareho din kayo ng asawa kong maganda na umiiling na lang. hehehe. =D

Anonymous said...

hehe... kalungkot nga lang nangyari sa kanila this last season... pero ang astig nya nung olympics... cheers.. isa rin sa mga idol ko si d wade... kaya lang lintek na sky cable yan wala ng basketball tv.. gusto ko na tuloy lumipat sa destiny.... cheers;p-glesy the great

chroneicon said...

naku bosing, konti na lang at siguradong pantay na kayo ni d.wade... sa kulay!

joke lang!

ikaw ang bagong idol ko :D

Anonymous said...

tama nga naman yun! haha :)

RJ said...

glesy: cheers! d-wade is back! astig nga ang pinakita nya nung olympics. =D

chie: naku lakas mo talagang mambola gurl! hehehe. yun lang kulay nya ang ayoko gayahin. hehehe.

piapot: amen!

Unknown said...

pipintasan ko sana si d.wade kaso idolo mo pala! hahahahaha! asteg pre! idol ko na rin yan! nyahahahaha

pero suns fan ako pre.. dati bulls, tapos naging sixers.. tapos ngayon suns! wadapak! walang katapatan! hahaha.. gusto ko na ngang lumipat sa celtics e.. huwaw!

RJ said...

wag mo pintasan ang idol ko, kaibigan naman kita eh. hehehe.

Anonymous said...

Uy ayos to! Tama pre, mas okay nga yan kesa sa mga Hello Kitty at Winnie the Pooh collections ng mga babae. Wahahaha!

RJ said...

kirk: oo nga, kaysa mga powerpuff girls at barney. hahaha!