Friday, October 10, 2008

i'll eat you dirty

kapag nasa abroad, kahit anong sarap ng pagkain na ihain sa iyo ay hahanap hanapin mo pa rin ang mga pagkaing kinalakihan mo at ang nagpapaalala sayo ng bansang iyong pinanggalingan. kapag meron ngang dumadating galing pilipinas, isang espesyal na pasalubong para sa mga ofw ang makatikim ng bagoong, galunggong, daing, sardinas at iba pa na hindi mahahanap sa abroad.

bawal ang baboy sa qatar (although may nagbebenta rin underground), nakakapaglaway kapag mayroon nagdadala ng adobong baboy, chicharong baboy o kahit ano basta may baboy. namimiss ko rin ang binababoy kapag nasa qatar. hindi katulad dito sa pinas na sagana sa baboy. madaming baboy. tanginang mga baboy. teka, pagkain nga pala ang topic ko...

in a certain amount of time na nasa overseas, pinagkakaitan ka ng pagkakataon na makakain ng mga gusto mong makain na very available sa bansang pinanggalingan. kaya sa tuwing nakabakasyon, i see to it na makakain ng mga pagkaing matagal ko nang hindi natitikman. ang pinya.

at noong isang araw nga, habang sinamahan ko si bachoinkchoink sa bayan para magpagupit, nadaanan namin ang isang umpok ng mga tindero ng fishballs at malaking kwek kwek. streetfoods. pinipigilan at kinokonsensya pa ko ni bachoinkchoink dahil nga dugyot at madudumi ang mga iyon, sagana rin ito sa pagkakaroon ng hepa-A at gastroentiritis. pero nanalo pa rin ang katakawan ko. ang point ko naman, walang ganun sa qatar kaya once or twice a year lang ako makakakain ng ganun, kayang kaya naman siguro itolerate ng tiyan ko ang mga dumi at bacteria non.

sinong makakatanggi sa sarap ng lumalangoy na fishball sa mantika sa bangketa, sabay sawsaw sa masarap na suka na puno ng sibuyas at may sili, o kaya sa matamis na sauce na pambata?

namiss kita, oh fishball ni kuya...


at sinong hindi tatakamin sa sarap ng coating na orange na ibinalot sa itlog ng itik at ibabad ito sa mangkok na may suka rin?

namiss din kita, oh itlog ni manong...


isang patunay iyan na hindi mo kailangan ng maraming pera para lang lumigaya, para sa kin, isa ito sa mga simple pleasures in life.

PS: at kapag nakatiyempo pa ako ng hilaw na mangga at singkamas na nakasakay sa tricycle na de-padyak with masarap na bagoong na binudburan ng asin... yari ka sa kin.

15 comments:

ayzprincess said...

tsarap naman!! gusto nyan!!

ayzprincess said...

gusto ko pala nyan!!!

Anonymous said...

takaw mo insan! hehe

teka, hindi ba sumakit ang tyan mo after mo kumain ng mga yan?

ang alam ko kasi (kunwari madami akong alam. hehe) dapat masanay na yung bituka mo sa mga ganyang pagakain, in other words lagi kang kumakain nyan para gamay na ng sikmura mo yung ganyang klase ng pagkain. eniwey, nagmamarunong lang ako. hehe

oist, bago ka bumalik ng qatar kitakits ulit tayo. kahit kain lang tayo ng kwek kwek o squid balls sa kanto. hehe. inggitin natin si insan Alex. mwehehehe.

UtakMunggo said...

nyeta dyey nananadya ka ba. alam mo namang hayok na hayok na ako sa dirty istrir pud..

habang nagpupunas ako ng laway na tumulo sa sahig, etong ikukumpisal ko sayo:

ako naman nagkakagastro-enteritis kapag aksidenteng nakakain ako ng malinis.

kaya nga helti na helti ako diyan sa bayan kong mahal.

maghahanap na lang ako ng cooking apples at isasawsaw sa walang kwentang cider vinegar.

The Gasoline Dude™ said...

Oo nga, nananadya ka ba? Suntukan na lang o. *LOLz*

Na-miss ko din ang fishball at toknene (kwek-kwek). Pati ang isaw sa labas ng subdivision namin sa Novaliches, footlong sandwich sa Dapitan at melon juice at sago't gulaman sa Asturias. Ahuhu kay lungkot. = C

Unknown said...

Mahal natatandaan mo ba nun himatayin ka sa office dahil sa taas ng lagnat mo dahil sa gastro enteritis? at natatandaan mo din yun hindi ka makalakad sa sakit ng sakong mo dahil sa gout? yun lang no comment. Tanong lang kita kung natatandaan mo.hehehh! Love you so much!

Anonymous said...

at nang-inggit pa talaga, waaa. paborito ko rin yang kwek kwek at fish balls, at alam mo yung samurai balls? sarap din nun. i feel your hunger, brother, haha

RJ said...

@ayz: masarap talaga, sinabi mo pa. hehehe.

@insan jeck: hindi naman sumakit ang tiyan ko, batang kalye din ako akala mo ba. sanay to sa mga dugyot. hehehe.

oo nga sana makapagkita ulit tayo.

@marekoy: alam kong walang ganito sa ingglatera kaya iinggitin na lang kita. muwahahaha! tawang romy diaz.

weather weather lang, kapag ikaw naman ang nagbakasyon eh ako naman ang inggitin mo. hehehe.

@insan GD: impernes, madami ding street foods na mabibili diyan sa singapore. pero iba pa rin ang timpla ng sauce at suka dito ni manong. hehehe.

RJ said...

@mahal kong bachoinkchoink: wow first time mong magcomment dito ah. hindi ka na lurker. hehehe. oo naaalala ko lahat iyon at ikaw ang aking saklay nung pilay ang paa ko dahil sa gout. at ikaw ang nasa tabi ko nung ako ay hinimatay. ahehehe.

labyu. tsup. =D

RJ said...

kengkay, samurai (with) balls? parang kadiri ata yun. hahaha! joke lang. hindi ko pa natitikman yun. saan ba meron non?

Maru said...

hindi pa talaga ako nakatikim ng kwek-kwek at wala akong idea kung ano ang lasa nyan.

sus! oo na! loser ako!

Anonymous said...

grabee..namiss ko rin yan!!

kahit siguro chan ko itotolerate kahit saglit ang mga bacteria nun, minsan lang naman eh, maiintindihan naman siguro yun ng sistema ko tulad ng sa'yo hehehe..

Unknown said...

sa pinanggalingan ko din bawal ang baboy dahil ayaw ng mga bwakanang pesteng arabong mga yan! pero syempre.. kapag gusto may paraan ang mga PINOYZ! pinoy tayo e! hahahaha

daming nakaka-miss no? tsaka pre gaano mo namiss yung pinya? hahahaha.. malamang isa yun sa mga unang nilantikan mo! hahaha.. peace bro.

teka, napansin ko hindi pa ko nakakakain ng kikiam at tokneneng tsaka fishbol simula ng dumating ako a.. makapunta na nga ngayon sa may kanto.. hehe.. cge.. kain lang ako!

rolly said...

kwek kwek? Konting hinay at ang taas ng collateral nyan tsong!

RJ said...

@maru: hmmm.... ibang kwek kwek kasi siguro ang peborit mo. yung hindi orange. hehehe biro lang. try mo, masarap naman. =D

@aling baby: paminsan minsan eh okay lang siguro. kakamiss ano? pati nga pala yung piniritong leeg ng manok habang naghihintay ng jeep. hahaha.

@ron: kumusta naman ang food tripping mo? isasama ko na nga rin pala ang isaw sa listahan ko bago umalis. hehehe.

@tito rolly: dont worry in moderation lang naman ang kain ko. for the sake na matikman lang. hehehe.