Thursday, October 2, 2008

caregiver

kung hindi nangyari ang mga ayaw nating mangyari, sa bulacan sana muna titira ang aking magandang asawa at aming mga anak. iyon ang plano. sa katunayan, under construction ngayon ang extension ng bahay para sa aking magiina. mahirap pa kasing bumukod agad kami kung lalagi pa naman ako sa abroad at iiwan ko si bachoinkchoink sa pagpapalaki sa dalawa. kaya napagdesisyunan namin na doon muna kami sa kanila para may kasama siya sa pagpapalaki sa dalawa habang sanggol pa sa tulong ng kanyang pamilya.

pero we were caught unguarded. walang nag-akala na mauuwi sa ganon ang story.

kaya mula nung dumating ako dito sa pilipinas almost three weeks ago, doon sa bahay nila bachoinkchoink sa bulacan muna kami nakatira. doon, ako ang kaniyang alalay/nurse/caregiver/driver/runner/katsismisan. doon ko binubuhos ang aking tender loving care para gumaling agad ang kanyang sugat, physically and emotionally.

ngayon ako bumabawi sa kanya dahil nung naglilihi siya, wala siyang mapaginitan at mapahirapan sa paghahanap ng mga gusto nyang kainin gaya ng mga napapanood sa pelikula.

twice a day kung linisin ko ang sugat nya sa puson. ako ang naglilinis at nagpipiga ng sugat para kumatas ang nana, nagpapahid ng ointment at nagpapalit ng gauze pad. ako ang nagbabangon sa kaniya tuwing maiihi siya sa madaling araw, at naglilinis ng arinola sa umaga. etsetera etsetera.

lahat nang iyan ay masaya kong ginagawa, bawat task ay isang masarap na kiss ang aking gantimpala. para akong dolphin sa isang dolphin show na nag-aabang ng reward na isda pagkatapos ng isang trick.

14 comments:

UtakMunggo said...

very good!

excellent sana kaya lang hindi ka pala marunong magtaas ng toilet seat kapag najijinggle ka.

pero mas okay na yung very good kaysa sa "needs improvement" ni sarge ngayon. wahehe..

48 years ba ulit ang kasunod na post nito? hehe.. jowk. enjoy ka lang diyan sa pinas parekoy, alagaan mong mabuti si mrs. ganda para aside sa kiss eh mabigyan ka pa niya ng gold medal (parang olympics?).

RJ said...

marekoy, nung time lang naman na iyon ko nalimutan magtaas ng toilet seat, nahuli pa. malas lang. hehehe.

back to regular programming na siguro, bigyan lang ako ng internet connection. hehehe. =D

Anonymous said...

yan ang ulirang asawa! talagang mabait kang tao parekoy.

babalik ka pa ba sa midol east?

ayzprincess said...

nakakatuwa ka naman rj.. at mabuti naman e naeenjoy mo ang time mo with choinkchoink..

sobrang blessed kayo to have each other..

stay happy!!

Anonymous said...

gaya ng sabi ko sa iyo sa chat...pag ako talaga nag ka jowa, ipapaseminar ko talaga sa iyo!

bow ako sa love nyong dalawa sa isat isa.. rare na yan nowadays..

be happy lagi!!!

Anonymous said...

that's so sweet of you kuya adyey! hehe enjoy every moment... pag ako'y may pamilya kelangan kasing cool niyo kame! hehe

The Gasoline Dude™ said...

Isa kang ulirang asawa, Insan. Sana magtuluy-tuloy na ang paggaling ni Bachoinkchoink.

RJ said...

@madbong: kasamaan o kabutihang palad eh babalik pa ako. bilang na naman nga ang mga araw ko.

@ayz: ito naman talaga ang purpose ko kaya ako umuwi, to be with my wife lalo ngayon panahon na ganito.

@damdam: seminar pang caregiver? marunong na akong magpalit ng lampin ng adult. hehehe.

@piapot: kapag nasa bakasyon ka lang sa pinas galing work abroad, iyan ang unang papasok sa isip mo. enjoying every moment. kung pwede lang walang tulugan para sulit na sulit. hehehe.

@insan GD: so far so good. medyo magaling na rin ng kaunti at matakaw na ulit. hehehe

Panaderos said...

Very loving and supportive husband ka nga, Pards. Sana ay mabilis ang maging recovery ni Misis. Ingat kayo palagi.

RJ said...

panaderos, salamat pards. sana nga eh bago ako umalis eh magaling na talaga siya para magawa na namin ang matagal na naming hindi nagagawa....


ang mamasyal. hehehe.

onatdonuts said...

napakabuti mong asawa...idol na kita sa pgiging isang padre de pamilya. hahaha sana ganyan din ako pag nag-aswa na ako hahaha

isang alertong pagbibigay pugay ang para sa iyo. ;-)

RJ said...

onats,

hindi naman, ginagawa ko lang naman talaga ang nararapat. hehehe. magasawa ka na rin. =

Anonymous said...

my prayers are with both of you... sana okay na siya... sana may mas maganda pang bagay ang dumating sa buhay niyo... yang ganyang trulab na yan eh express delivery from heaven kaya rest assured na may dadating pa galing kay papa GOD!!!... really hoping for the best... cheers;p glesy the great

RJ said...

thanks glesy. dont worry were ok. alam naming the best is yet to come. hehehe. =D