Friday, October 3, 2008

children of valentines

last trimester ng taon ang pinakapaborito kong season. madaming reasons para maging favorite ito. christmas, new year, bigayan ng bonus, at ang malamig na simoy ng panahon. ito ang tamang panahon para dumiga at magtapat ng nararamdaman kung gusto mong sagutin ka ng nililigawan mo. mapalalake man o babae, gusto ng kahit sino ng kayakap kapag nagiinit nilalamig. pero ibang topic yan.

pagtapak kasi ng ber months, panahon na ng kabirthdayan ng aming pamilya. september si trishabiik, october si mommy at bunso, ako ang sa november at si daddy ang december. ewan ko kung sinasadya iyan pero hindi ko pa natanong sila mommy at daddy.

at ngayon nga ang 51st birthday ng pinakamamahal kong mommy. hinatid ko sila sa naia 3 at nagpunta silang apat sa bohol para magbakasyon saglit. hindi kami kasama ni bachoinkchoink dahil nasa qatar pa ako supposed to be at 7 months na ang kambal supposed to be. kaya kami ang taong bahay ngayon dito sa valenzuela, parang practice na rin bilang magasawa na may sariling bahay. ang hirap pala magisip ng uulamin sa maghapon, naubos na nga ang mga naisip ko: sardinas, cornedbeef, luncheon meat, hokkaido mackerel, hotdog at itlog na pula with kamatis.

happy birthday mommy! labyu!

* * *

napapansin ko, buwan ng oktubre ang pinakamaraming merong may birthday. kung ikukumpara sa ibang mga buwan, laging angat ang bilang ng mga nagdidiwang sa buwan na to. napapaisip tuloy ako kung kailan ginawa ng kanilang mga magulang ang mga octoberians...

september... august... july... june... may... april... march... february!

talaga palang may epekto ang mga nararamdaman nating lindol tuwing buwan ng mga puso (daw). lalo sa edsa-balintawak at malate, kung saan naulat na mga sentro ng lindol.

24 comments:

rolly said...

happy birthday to your mom. Tama ka, ang hirap magplano ng kakainin sa buong maghapon.

Anonymous said...

happy birthday kay mader...

aba aba aba, solo nyo ang bahay??? hmmmnnn...

so me baby ardyey na ulit na ini-expect sa July 2009...ahihihi

kung wala ka ng putaheng maisip, try mo ito para maiba naman:

sinigang na saridinas na me kangkong...ang sarap pare! try mo lang...

ahihihi

-lyzius

Anonymous said...

namangha ako sa teorya mo. may point ka. marami nga sigurong tao ang nabuo sa mga lugar na nabanggit mo. malaki pala ang effect ng mga motel sa populasyon ng pilipinas. hehe

Anonymous said...

pansin mo rin bang maraming pinanganak ng september? yung mga taong pinanganal daw sa ganitong buwan e ginawa nung december. syempre, malamig at ano pa bang ginagawa pag malamig?

umaatikabong bakbakan. sa iyo ko natutunan yang mga katagang yan. mwahahaha!

UtakMunggo said...

parang hindi halatang lumalangoy sa cooking oil ang alam mong lutuin parekoy?hehehe..

happy birthday ardyey's mom! ngayon po'y alam na naming lahat na valentines day po kayo nabuo. salamat na rin po sa anak nyo para sa theory na yan.

hindi ko gusto ang ber months dito parekoy. unlike diyan sa pinas na good weather most of the time. taglameeeeg na dito at umaariba na ang mga ketong ko sa balat. hehehe

chroneicon said...

happy bday muher ni rj!

Dakilang Islander said...

tagal ko nag-isip kung bakit valentines...heheh yun pala ang time kung kelan kami nabuo...hehh
happy b-day to ur mom!

cheers :)

Panaderos said...

Aside from Valentine's Day, nakakatulong din daw iyong mga tsokolate na nireregalo sa mga babae. Medyo "nakakagana" raw. Hehehe :D

Panaderos said...

Pahabol: Happy Birthday to your dear Mom. May she have many more happy and blessed birthdays to come and enjoy with all of you. :)

onatdonuts said...

Happy birthday sa iyong mahal na ina...

pero alam mo ba tsong, ang sentro talaga ng lindol ay nasa bandang Sta. Mesa hahaha

Vhonne said...

dami talaga may birthday sa october... sa pamilya namin... 3 kami... ako, mother ko.. at lola ko...

kaya siguro magkaka-ugali kaming tatlo...

The Gasoline Dude™ said...

Napag-alaman ko na hindi lamang sa EDSA-Balintawak at Malate ang sentro ng lindol. Sa bahay niyo din. *LOLz*

RJ said...

@tito rolly: hirap pala maging nanay at maiwan sa bahay ano, problema ang kakainin. hassle free kung kakain ka na lang at magrereklamo pag di masarap ang inulam. tsk.

@mareng lyzius: wala munang baby for the meantime, papahinga muna. atat ka naman. hehe. iba ang lovemaking sa babymaking. ahehehe.

mukhang masarap nga iyan, try mo din ang hokkaido na inihalo sa burong mustasa.

@watusiboy: yun nga lang, karamihan sa mga nabubuo sa motel ay mga unwanted pregnancy or forbidden affairs. hindi naman lahat pero karamihan.

RJ said...

@insan jeck: hoy nasaan ka na ba? bakit ka nagtatago na naman? hehehe.

yun nga rin ang point ko na kung manliligaw ka, itapat mo ng malamig na season dahil gusto rin ng nililigawan mo tiyak ang kayakap.

@marekoy: dati rin gusto ko ang isnow, pero nung mapunta ako ng russia at maranasan ko ang isnow, ayoko na. hehehe. pinagpala pa rin talaga ang bansang pilipinas. hehe

@chie: makakarating. hehehe. =D

RJ said...

@islander: tanong mo sa nanay at tatay mo, hulihin mo sila. hehehe. happy birthday ulet! =D

@panaderos: oo nga ano, hindi ko nabanggit ang epekto ng chocolates...

syet... kaya pala ang libog ko.

@onats: oo nga nakalimutan ko rin banggitin, pero excuse naman siguro dahil hindi naman ako "nagawi" doon eh. hahaha. =D

RJ said...

@vhonne: pag magkakababy ka, at least alam mo na ngayon kung kailan mo kailangang maglandi sa mister mo. isabay mo na rin ng october para isang celebration na lang kayong apat. hehehe salamat sa pagbisita.

@insan GD: mali ka pards, sa luneta lang ako gumagawa ng lindol. hak hak. =D

GODDESS said...

cousin! long time no hear tayo, ah?! sobrang busy kasi.

anywayz, mag aral ka magluto ng adobo, madali lang yun. atsaka sinigang. basta alam mo yun, pwede ka na mabuhay. kasi madami ka pwede adobohin at sinigangin (hala! term pa ba yun??). katulad ng adobong baboy, adobong manok, adobong pusit, adobong kangkong, adobong daga???? o di kaya sinigang na baboy, sinigang na baka, sinigang na hipon, sinigang na isda.

teka, nagutom ako. luto ako ng corned beef! hahahhaa!

Anonymous said...

Agree ako sa teorya mo ser! Kahit saan yata ako mapunta e madami ngang celebrants ng October, hehehe! Iba talaga ang araw ng mga puso! Dito sa SG, mahal ang motel kaya hindi ganun kalaki ang populasyon at ang celebrants ng October, hahahaha!

sana'y makadalaw ka sa site ko at sana'y i-add mo ang site ko sa blogroll mo!

goodluck ser!

Anonymous said...

hapi berdey sa nanay mo. masarap kapag solo ninyo ang bahay, pwede kayong magtaguan, hehe

Unknown said...

happy berthdey!
paki-greet
ako kay tita rj!
hehehe

Anonymous said...

Hapi Berday kay mommy mo.

Kamusta bakasyon ?

Galing ng teyorya mo tungkol sa Octoberians...uu nga...LOLs

Mahirap magisip ng mailuluto lalo na pag nauulaw ka na. Gaya ng manok, ayaw na ayaw kong kumain ng manok pag nandyan ako sa pinas, dahil sawang sawa na ako sa manok dito...LOLs

Kaya pag nandyan ako, panay Pork wid matching taba-taba..huwaaawww !! Tsalap !!!
(Ayun ilang araw lang masakit na batok ko...LOLs)

Anonymous said...

ahaha... talagang inalam.. da curiosity wins.. tatay ko rin october....

ayos sa plano ng pagkain ah.. sumusunod sa food pyramid... madali pang mag-grocery, nasa canned section lahat.. ingat lang sa pagkain may masamang dulot yang mga canned foods na yan...

RJ said...

@goddess: oo marunong ako ng adobo at sinigang. naalala ko ang tatay ko na ang tawag sa sinigang ay ang paboritong lutuin ng mga tamad. hehehe. tambak ka lang kasi ng rekado sa kaldero at pakuluan, presto! may sinigang ka na. hehehe.

@echo: motel sa SG ba ika mo? oo nga mahal ang motel diyan. opps, pano ko ba nalaman ang mga ganitong bagay?! erase erase! hahaha! =D

@kengkay: at saka habulan-rape. hehehe natutunan ko kay insang jeck. =D

RJ said...

@ron: nagbabasa yata iyon nang hindi ko lang alam. hehehe. =D

@ah kong: minsan ko na rin sinumpa ang manok nung nasa qatar ako, parang ayoko nang kumain ng manok habambuhay. tama ka, ngayon ko ineenjoy ang baboy. hehehe baboy forever!

@glesy: hindi ko naman sinunod ang sinulat ko, lumabas din kami ng bahay at sa resto kumain . hehehe sushal.