Saturday, December 27, 2008

ang tatay kong adik

birthday ngayon ng daddy at 51 years old na siya pero matikas pa rin. paano ba naman kasi, adik na adik sa paglalaro ng tennis. derecho sa court pagkagising ng alas-singko y medya ng umaga. kung saan saan pa ngang subdivision nakakarating para iba-iba ng nakakalaro. kaya tuloy kapag namimili kami sa mall, paborito nyang puntahan ang sports shop at nagtitingin tingin ng mga accesories nya sa paglalaro. natatawa pa nga ako dahil minsan ko siyang naabutan na nanonood ng prince of tennis, cartoon sa QTV channel 11 na tungkol pa rin sa tennis.

buti na nga lang sa sports naadik ang daddy kaya maayos pa ang katawan nya ngayon at walang sakit. laging kasing batak at pinagpapawisan. kaysa nasa bahay lang na nakaupo at painom inom.

pero kahit anong gawin ay mahirap kalaban ang edad. kahit anong gawing pagtatambling ni vicky belo eh pupusta akong hindi nya kayang solusyunan ang mukha ni madam auring. nitong nakaraang buwan kasi eh nagkaroon ng pamamaga ang tuhod ng daddy. nagpa-MRI pero salamat naman at negative daw sa ACL tears, sakit sa joints ng tuhod dahil gasgas na ang cushion. ito pa naman ang kadalasang injury ng mga superstar sa sports, sayang at sikat na sana.

kaya pinaghihinay-hinay na siya sa paglalaro at hindi na todohan tulad ng dati. gusto pa ng isip, nagrereklamo na ang katawan. kumbaga sa sex, malibog pa pero lambot titi na.

sana bago siya magretire sa tennis eh makapagshowdown muna kami. hindi pa kasi ako marunong magtennis saka kapag nasa bakasyon ako pilipinas, hindi ko kayang gumising ng alas-singko y medya.

happy birthday dad!

12 comments:

kengkay said...

uy, hapi berdey kay tatay mo :)

The Gasoline Dude said...

Balita ko matitinik sa chicks ang mga nagtetennis ah. Ganun din ba Tatay mo?

Makapag-aral nga ding mag-tennis. *LOLz*

bachoinkchoink said...

Kadiri ka! yuck ambastos ng bibig! eeeeeeewe....grabe ambastos talaga!

Sino ba yong malibog na lambot tite? Ikaw na naman?

Aheheheh...napabisita lang ang mahal mong bachoinkchoink! Happy Birthday sa mahal nating daddy!

UtakMunggo said...

haberdey kay daddykins mo parekoy. magpapainom ba siya? hehe..

si sarge na-operahan na rin dahil sa ACL. pano kasi basketball here and basketball everywhere in the house kaya ayun nadale ang tuhod. hihihi

magmula nung na-ACL siya naglabasan ang mga nasty fats. nung na-reconstruct na, ayaw namang umalis ng fats. yun. pero basketball everywhere pa din. hihihi

*kasaklap naman ng lambot titi spiel mo.*

Mari said...

happy bday sa dad mo. merry christmas din sa family!

glesy the great said...

happy birthday daddy.. at sports-minded pala si daddy.. sayang sana man lang nakapag-death match kayo.. cheers;p-glesy the great

a.r.d.y.e.y. said...

@kengkay: baka nagbabasa yun dito. mabasa nya greetings mo. hehehe. =D

@insan gasul: no need, alam naman ng lahat na matinik ka na sa chicks eh. hahaha! =D

@bachoinkchoink: example ko lang yun, hindi ko dinedescribe ang sarili ko. hahaha! miss na kita. labyu. =D

@bechay: buti na lang at basketball here lang ang nagagawa ko dito, marekoy. hindi ako nakakapagbasketball everywhere kaya iwas ACL ako dito. hahaha!

@mari: happy holidays to you and to your family, mari! =D

@glesy: hindi pa naman siguro nahuhuli ang lahat at meron pa kaming panahon makapag-showdown. hehehe. =D

Panaderos said...

Happy Birthday sa mahal mong Tatay. Bata pa pala siya (ayon sa edad ko hehehe).

Mapalad siya na maayos na maayos pa rin ang kalusugan niya. Sana palagi niyang ingatan ang kanyang katawan. Happy Birthday uli! :)

rolly said...

KAsing tanda ko pala daddy mo. Akalain mo yun. Puro pogi pinanganak nung 1957 no?

Happy birthday sa daddy mo.

prinsesa000 said...

happy birthday sa daddy mo....
mommy mo ba yung katabi nya sa pic?

p0kw4ng said...

oo alam ko late na tong bati ko..pero late man daw ay late pa din!

hapi burtday sa daddy mo! more (p)tennis to play!

a.r.d.y.e.y. said...

@panaderos: sana nga umabot din ako ng mga edad ninyo ngayon na malakas pa rin. dahil pabata na ng pabata ang mga namamatay. arukupo.

@tito rolly: at dahil kayo ang nagsabi eh sige na nga payag na rin ako, kahit lagi kong kinokontra ang daddy. hahaha! siyempre kanino pa ko magmamana? ;P

@prinsesa: yup, yan ang aking pinakamamahal na mommy. =D

@pokwang: ok lang kahit late ang pagbati, ako batiin mo ha. wachechepacheche! =D