hindi rin naman ito katulad ng sala o kusina, dahil madaming tao ang makakakita kung malinis o madumi ang iyong bahay. maraming paroo't parito kaya para safe din ang iyong bahay lalo sa sunog, dapat i-maintain ang good housekeeping. pero sa kama sa kwarto, wala naman ibang papasok kundi ikaw. wala rin naman ibang mahihiga kundi ikaw din. mas masasarapan pa nga ako matulog kapag magulo ang kama.
hindi ko naman binibigyan ng dahilan ang pagiging tamad ko kung minsan, pero nakakatamad naman talaga gawin ang isang bagay na hindi mo nalalaman ang dahilan kung bakit mo siya kailangan gawin.
bigla ko tuloy naalala si kuya sa pinoy big brother (na ubod ng bagal magsalita, lalo kapag nagpapalusot) na nagsabi ng ganito:
"hindi ba't... mas masaya... kapag... ginagawa natin... ang isang bagay... na... hindi natin nalalaman... ang dahilan..."
mali si kuya. kaya nga tayo ginaganahan ay dahil alam natin ang dahilan at pinaglalaanan ng ating ginagawa. pero alam ko namang nagpapalusot lang itong si kuya kapag napipikon na ang mga pinagtitripan nya sa bahay nya kaya pinapatawad ko na siya.
iyan ang nasa isip ko kanina. kanina lang, mga 15 minutes ago.
sa tingin ko okey lang naman kung hindi ako nagliligpit ng hinigaan ko noon dahil binata pa ako at ako pa lang naman mag-isa sa kwartong natutulog. pero hindi na ngayon (okey, hindi pa ngayon dahil nasa abroad nga ako at paguwi pa sa pilipinas ako magkakaron ng kasama matulog).
ngayong may asawa na ko, dapat bigyan din ng respeto si bachoinkchoink kaya dapat panatiliing maayos at nakaligpit ang kama pagkatapos gamitin sa
kaya mula ngayon, hindi na ko kailangang sabihan sa umaga ni bachoinkchoink ng...
"hoy lumarga ka na naman magligpit ka muna ng higaan mo hoy!"
26 comments:
syet, oo nga baket kelangan pang ayusin ang kama pagkagising sa umaga?
teka-iisipin kong mabuti ang sagot dian. tangena, teka ang hirap ng tanong. ayan na, dinudugo nnmn ilong ko pakshyet.. tsk. my gally gas, mag iinternalize muna ako. pang miss yunibers pageant yung tanong eh. :D
dyey,
ano yung naka strike na "mixed martial arts"?
hehe
..utang na insides wag mo nang ipagtanggol ang katamaran mo parekoy. apir tayo diyan. hehe
AMEN!! Mabuti kang asawa talaga!!
masarap tignan pag maayos na nakatupi ang mga bed sheets! :D
mahiwagang sibuyas,
iba ang pakiramdam pag nakikita mong maayos at masinop ang paligid. makakapagisip ka ng mas mabuti. pero okay lang iyan, hindi sapat na dahilan para sa akin para magligpit. ahehehe! =D
UM,
ayos, pareho ba tayo ng kalagayan? hahaha naghahanap ako ng mga kakampi eh.
ang mixed martial arts eh yung mga activities na pwedeng maging resulta ay impaktita at bruhilda.
neens,
nako sana mapanindiganan ko. hahaha! wish ko lang.
leyn,
oo nga, masarap tignan para kang bagong pasok sa motel o hotel. hehehe. pero kakatamad talaga ligpitin lalo groggy pa at nagmamadali lagi kapag umaga. sayang ang energy. =D
hehe... sa akin mas okey pa ring matulog pag maayos ang higaan. hehe
Ako din, hindi ako mahilig mag-ayos ng kama ko. Kaya lagi akong napapagalitan ng nanay ko. Ang kwarto ko daw ang pinakamagulo.
Haaayyy namimiss ko na ang kwarto ko sa Pinas...
hanggang ngayon ganyan pa rin ako...every weekend lang nag-ayos ng kama...heheh tagal ko kasing gumising kaya laging nagmamadali wala ng time magligpit...or dahil tamad lang talaga...pwede na rin
tamad din akong magligpit ng pinaghigaan. sa kalagitnaan kasi ng araw, humihiga ulit ako kaya nagugulo ulit. anong sense di ba?
natawa ako sa mixed martial arts. haha. ginagawa ko rin yan e. tapos sa parang UFC ang labanan. lols
pareho tayo, ayoko din magligpit ng higaan kaya lagi ako napapagalitan ng nanay ko at ng kapatid ko. tama ka. ano ba ang logic kung guguluhin din naman sa gabi. hay naku naman.
kung ako sau matulog ka nalang sa sala..obligado ka pang ligpitin hinigaan mo ksi nga sala un..haha!! based on my experrience lng!!
Hoy.bat indi ka nagpaparamdam!!!sana dinuraan mo ako para naman amlaman ko nandyan pala ako sa blogroll mo!!ha ha ha....
nakakahiya..o siya na nga..add na din kita..aha ha ha....utang na loob..lols..
ako din..indi marunong magligpit ng higaan....
ako din naman mag isa...at sino naman ang makakakita nun?wala naman...tama ka..
at talagang powerfull ka kay Kuya no? kasi ikaw...
Pinapatawad mo pa siya..
lols
may kilala akong ganyan na ganyan din di marunong magligpit ng higaan kaya lagi tuloy kaming nag aaway! haha
mga 5 mins lang nman kasi ung gagawin di pa magawa...
oist ang sweet mo namang asawa...
swerte naman ni bachoinkchoink mo...
pensucks,
punta ka naman samin, pakidamay mo na ng pagliligpit. hehehe. =P
insan GD,
pareho tayo, kwarto ko rin ang pinakamagulo (at inaagiw). magpinsan nga talaga tayo. hehehe. =D
islander,
ganyan din ako sa pinas noon, dahil sobrang aga gumigising, wala pa sa wisyo para magligpit ng higaan. o di naman kaya natataranta na sa pagmamadali. hehehe.
insan jeck,
tama, walang sense kung walang ibang gagamit at gagamitin mo rin maya maya. kaya nga may nakapaskil na 'beware of dog' sa labas ng pinto ko para walang maglakas ng loob sumilip dahil magulo. hehehe.
prinsesamusang,
ayos pala at nai-post ko ito, at least naglabasan ang mga kakampi kong kampon din. hahaha! apir tayo jen! =D
noodlesfactory,
isa sa mga dahilan kung bakit masarap matulog sa sala/sofa ay dahil walang bedsheet na magugulo at hindi ako nagkukumot sa sala. konting pagpag lang ayos na. hahaha! buhay tamad talaga. =D
maldito,
kumusta pare? salamat sa pagdaan. hindi naman ako nakikipag-xlinks, basta nagustuhan ko add na agad yun. wala ng cheche. hehehe. hindi pa nga ata ako nakapagcomment sa iyo. dyahe. hehe =D
naalala ko lang kasi ang quote na iyon kay kuya, nakukunsume ako. hahaha! =D
prinsesa,
mukhang naaamoy ko kung sino yung lagi mong inaaway ah. hahaha! okay lang iyan, boys wil be boys ika nga. salamat sa pagdaan! =D
swerte din kasi ako sa kanya, ibinabalik ko lang. =D
tama! although ako din, di ko ugali ang magligpit ng kama. ewan kung bakit. maghuhugas na lang ako ng pinggan kesa magligpit ng higaan. hehehe!
nakapagupdate na nga pala ako. =)
goddess,
at least ngayon, narealize ko ng i am not that bad. hahaha! dami ko nang kakampi. =D
Post a Comment