Sunday, July 6, 2008

extreme makeover

karamihan ng mga babaeng kakilala ko, gusto nilang itsura ng mga partner nila ay yung mga maaliwalas tignan ang pagmumuka. clean cut dapat, walang bigote at balbas. pero depende rin siyempre, meron din naman itong binabagayan at kung nabuhay ka noong 70s or 80s, gwaping ka kapag meron kang facial hairs.

hindi bagay sakin ang magkaroon ng bigote at balbas. pangit kasi ang tubo ng mga buhok, hiwa-hiwalay at hindi makapal kaya mukha tuloy dugyot tignan. kapag nakakalimot akong mag-ahit, ako na mismo ang nagkukusa dahil nangangati ako at naaalibadbaran.

ayaw ni misis ko ng nagpapaka-bigotilyo ako at nagpapalago ng balbas, mukha daw sanggano o holdaper. sabagay, sa mga pelikulang pinoy nga, ang mga kontrabida at mga goons eh mga balbas sarado talaga at mga mukhang kurimaw.

pero ngayong nandito ako sa qatar at wala naman masyadong social life dahil busy sa trabaho, minsan masarap magpaka-rugged looking. kahit hindi bagay sakin, hinahayaan ko lang tumubo ang kung ano anong buhok sa mukha ko. lalo pa’t sobrang busy, kasama mo pa puro lalaki sa trabaho, meron pang mga indiano at mga pakistani na pare-pareho ang mga pagmumukha kaya okey lang magpakadugyot. walang pakialamanan ba.

wala rin naman si bachoinkchoink sa tabi ko sa gabi dito kaya walang nagrereklamo ng ‘nakakakiliti’ (ngiting aso).

pero gaya ng sinabi ko, hindi ko rin matiis pahabain at patagalin. heto ang step by step sikreto naming mga gago:


huminga ng malalim.


maghilamos at maglagay ng shaving cream kung meron, para smooth at masarap ang feeling. kung wala pwede rin ang sabon (wag mo lang kukunin ang sabon sa lapag kapag sa common shower room ka naliligo).


tumingala at ahitin ang mga buhok sa leeg. magdasal na rin na sana walang kalawang ang blade mo at wag kang masugatan, baka sumirit bigla ang dugo. brutal.


itagilid ang ulo at isunod ang bigote. hindi kasama sa inaahit ang kilay.


magbanlaw at titigan ang ‘new you’. totoy na totoy no? totoy mola.

45 comments:

rolly said...

mukhang pareho tayo ng problema sa bigote. Hindi rin ako makapagpatubo nyan kasi ang pangit ng tubo. Wala sa gitna. Balbas ko, ganon din. Kung papahabain ko ng husto bigote ko, parang yung kay limahong. Wag na lang.

gagitos said...

hehe..ayoko rin ng bigote..ewan.. mas cute maging boy next door weh... ^^

gagitos said...

wei to ^^ hehe

The Gasoline Dude said...

Haha pati ba naman pag-aahit, ni-blog mo na din??? Idol talaga kita, Insan! Woot! = P

Lyzius said...

potah ka talaga girl...di ko maimagine ang pag effort mong makunan ang mga larawang nailahad sa taas... at mukhang nangayayat ka ata jan...nasobrahan ata sa pagtitikol...nakakapayat daw yun...tsk!

ayzprincess said...

two things! :D

1) di talaga bagay sayo ang may bigote... :P

2) parang pumayat ka?? :D

pensucks said...

meron ako unting bigote,hehe.napadaan.

UtakMunggo said...

ahaha
natawa ako dun sa (ngiting aso) part. hmm at bakit kaya nakikiliti?
(orbit ang kilay)

oo yan nga ang nakikita kong ginagawa ni sarge ebri ader dey.

mas kyut naman talaga kayong mga boys kapag walang buhok. pero ang pinaka badtrip sa lahat ay yung mahabang buhok na galing sa ilong. anubayun?

Panaderos said...

Sa akin naman, balbas sarado pag lumabas. Ang kaso nga lang pareho tayo ng problema. Pagkaraan ng dalawa o tatlong araw ay medyo nangangati na ako at napipilitan tuloy akong ahitin siya. Shaving cream din ang ginagamit ko para mas madali.

Sayang nga rin dahil medyo nakakakiliti "daw". Hehehe (Ngiting aso na din. :D )

madbong said...

bro, parang namayat ka (o siguro yung angulo lang ng camera shot. di ba delikado jan yung walang bigote or balbas? hehe

Dakilang Islander said...

hahah kung ano nalang pinag tripan mo dyan ah...teka ba't ka nag-ahit baka ma rape ka dyan...heheh

RJ said...

tito rolly,

tawa ako ng tawa sa limahong mo, naririnig kong sinasabi ng iba yan pero hindi ko kilala. ngayon niresearch ko pa talaga. hehehe.

minsan kasi parang nakakainggit yung mga balbas sarado ano?

RJ said...

gagitos,

oo nga mas ayos talaga ang walang bigote para sa kin, pero nakakasawa kapag nagtingin ka sa mga lumang pictures parang walang nagbabago sa itsura mo. masarap din yung meron kang makikita na nagkabigote ka pala nung bata bata ka pa. hehehe

RJ said...

insan GD,

pati pagtitikol gustu mo kwento ko din? hahahaha! =D

RJ said...

lyzius,

alam mo bang nabasa basa ang camera ko non kasi basa ang kamay ko pag niseset ko. hehehe.

pumayat ako dahil siguro walang foods in between meals ako dito, saka regularly na ko nakakapag gym at basketball kaya ganun. pero hindi ko dinedeny ang pagt****ol ha. =D

RJ said...

ayz,

i agree, hindi nga bagay. hehehe.

RJ said...

pensucks,

siguro kung yung bigote mo ay yung balahibong pusa pa lang eh okey yon, kaso sakin matigas na ang tubo eh. hehehe.

RJ said...

utakmunggo,

tutsang ang tawag dun, my dear friend. hehehe sarap nga hilahin ang mga may ganun, minsan may nagta'tarsan' pang kulangot.

tungkol sa kiliti, ang magandang tanong don ay kung saan nakikiliti. hehehe.

RJ said...

panaderos,

inggit ako sa tubo ng balbas mo pards, parang astig kung paminsan. hehehe siguro laging 'in-demand' ng mga bebot yang balbasin mong pisngi at baba. hahahaha! =D

RJ said...

madbong,

hindi naman siguro delikado, lagi lang akong may baon na tinidor sa bulsa. hahaha! =D

RJ said...

islander,

ang gusto ko lang eh yung mga tuldok tuldok na buhok na matigas lang. kapag bagong bagong ahit kasi ay para akong dalagang pilipina dito, dahil alam mo naman ang mga indyano at mga pakistani, mukhang mga terrorista ang balbas. hehehe. =D

bishi said...

kuya..ampanget.ampanget mo. hehe joklang

watusiboy said...

naks, swabe. hehe.
ako ang gusto ko yung "bagong-tubong-bigote" look.

neens said...

Aww ang cute ni tatang RJ. Talagang step by step demonstration ah!

jeck said...

ako, trip na trip kong magpatubo ng balbas at bigote. para magmukha naman akong lalake. haha. ngayon nga medyo madami na akong balbas, mga siyam na hibla. ampanget din ng tubo, hiwa-hiwalay. pero feel ko pa rin para hindi ako mapagkamalang tibo. niyahaha.

pumayat ka ba? hindi naman a. gusto mo ng copy ng fhm 100 sexiest? hahahaha

RJ said...

bishi,

sus! alam ko namang napaka-palabiro mo eh. hehehe. =D

RJ said...

watusiboy,

natumbok mo tol, yun ang gusto ko din. yung mga tuldok na itim pa lang. hehehe. =D

RJ said...

neens,

epekto lang iyan ng walang magawa na sa buhay buhay. hehehe. =D

RJ said...

jeck,

langya ka, tawa ako ng tawa sa comment mo. kahit naman magbigote ka, pwede ka pa rin mapagkamalang tibo parang si sharon cuneta sa movie nila ni herbert bautista, yung jack n jill. hahahha! =D

bishi said...

naalala ko dati inaasar ka namin lagi na pinaglihi sa puwit ng kaldero tsaka sa tinta ng pusit! hehehe nognog!

RJ said...

shattap! =D

Mari said...

parang pumayat ka yata dyan sa qatar (comparing how-to-shave-pics with rj-and-wifey pic).

chroneicon said...

pumayat ka pare! grabe sa exercise? baka malaki na ang biceps mo sa kanang braso[ngiting aso].

neens said...

LOL! Natawa ako sa comment ni Bishi and Chrone! hahahaha

RJ said...

mari,

feeling ko rin nga medyo pumayat ako. yata lang ha. iconfirm ko, magtimbang ako sa clinic mamaya. hehehe di ako masyado makakain dahil sa lecheng singaw na to, mukha kong tanga pag kumakain, parang naluluha luha pa. hahaha! =D

RJ said...

chrone,

pantay lang ito pare, two hander yata ito. hahaha! =D

RJ said...

neens,

nagpapatawa lang iyang kapatid ko na iyan. comedy yan eh. hehehe.

damdam said...

i like guys na may facial hair.. parang lalaking lalaki ang dating. yung friend ko pag isang araw lang di mag ahit stuble look agad(ayun nahumaling ako at ama na sya ng anak ko). pero tama ka pre! may binabagayan nga.. pero ayus sa efort! tindeh mo pati pag aahit na blog mo..

RJ said...

hello damdam!

natatawa ko sayo, special pala sayo ang mga may balbas hahahah! pero kung ako lang eh kamuka ni david cook, nako baket pa ko mag-aahit?! heheh. =D

GODDESS said...

ay, kapogi naman nireng pinsan ko!! pa-kiss nga! ahahahahaa!!!!

RJ said...

goddess,

hey where have you been? hehehe

Leyn ♥ said...

natawa naman ako ng malakas sa entry na to.

sikret kung bakit.

hahaha.

RJ said...

leyn,

ayus na sana, kaso nambitin ka naman. habambuhay ko na tuloy iisipin yun. =D

Mahiwagang Sibuyas said...

hahahahaha tangenang yan, kahit ako natuwa dito. makatawag pansin tong pakingshyet entry na to. nde ko alam kung dahil sa piktyurs mo o kung dahil lang tlga sa piktyurs mo.

panalo ka! :D

apiiiiir!*

RJ said...

hello sibuyas!

salamat sa pagdaan at natuwa ka, pero bakit nga ba nakakatawa ang picture eh seryoso naman akong nag-aahit nyan? =D