Friday, August 21, 2009

solomon's key

naiwala ko na naman ang susi ng kwarto ko sa ikalawang beses ngayong linggo na 'to. una ay noong nakaraang araw lang. bigla na lang nawala sa bulsa ko, nahulog siguro noong tuma-tumbling ako sa trabaho. at kanina yung pangalawa, naiwan ko sa tray noong nagbreakfast ako. hindi naman napansin nung nagliligpit. buti na lang madaling makakuha ng duplicate dito, may bayad nga lang na QR10 (Php130) per lost key.

hindi lang yan, naiwala ko rin months ago ang susi ng opisina namin sa site. at ang mahusay pa nito, wala pala itong duplicate key. kaya sinira na lang ang pinto para lang may makapasok at pinalitan na lang ng padlock, yung parang sa mga gate ng mga bahay. at least, sikat ako.

pero ang hindi ko talaga malilimutan ay noong naiwan ko ang susi sa loob ng nai-lock ng kotse. kakain kasi kaming magkakapatid sa wendy's sa may MCU, monumento. nilock ko nang manual pagkalabas namin ng kotse, huli na ng maalala kong nakakabit pa pala ang susi sa loob. pinagpawisan ako ng malamig. naisip ko na sana meron akong kakilalang carnapper para sa kanya ko papabuksan yung sasakyan. no choice kundi pinapunta ko ang daddy dala ang duplicate ng susi ng sasakyan. at humanda sa umaatikabong sermon. buti na lang, cool ang pamilya ko. at pinagtatawanan na lang namin ang nangyari na yon.

moral lesson of the story? wala. burara pa rin ako sa susi hanggang ngayon. buti pa nga siguro para hindi na nawawala, lagyan ko ng keychain at gawing hikaw sa aking "you-know-what".

17 comments:

bishi said...

hahaha! meron pa! eh yung susi ng L300 na nalaglag mo sa rumaragasang tubig-baha? wahaha

tsenn` said...

baka naman po hindi ka burara, madalas lang makaiwan kung saan saan ng gamit. hehe :)

padaan po kuya ^_^

Traveliztera said...

hahahhaa ansakit. dapat meron kang master key e noh hahahhaa...

p0kw4ng said...

buti na lang at hindi de susi ang brief mo kung hindi eh...fucktay!

BlogusVox said...

Yung kwan mo! Kung hindi nakakabit, siguro mawawala rin. Hindi lang siguro sermon ang aabutin mo sa mrs mo!

antuken said...

ako ang malimit mangyari yung susi ko sa locker dito sa office nakakalimutan ko. either at home or inside the locker. kaya malimit yung master key ng plant ginagamit (read: bolt cutter, hahaha)to open it. naka-lang padlock na rin ako noh. solution ko, yung lahat ng susi ko pinagsama-sama ko na. so may kabigatan sya. if my pockets feel empty or light, ibig sabihin walang susi. aware na ako agad. hehe.

Bachoinkchoink said...

Pag nagkabahay na tayo hinding hindi kita pahahawakin ng susi, aantayin mo akong makauwi, pag wala ako makitulog ka na lang sa kapitbahay!

RJ said...

@bishi: isa pa pala yon. kinapa ko agad yung kanal na malakas ang agos eh. hahaha. kakatawa na lang. =D

@tsenn: hindi ba parang contradicting yung statement mo? hahaha. salamat sa pagdaan. =D

RJ said...

@steph: dapat meron akong lock pick. para kahit anong lock pwede kong buksan. hehehe.

@pokwang: kung di susi ang brief ko malamang hindi ko na siya ilo-lock.

RJ said...

@blogusvox: may nakasulat namang "please return to the owner" ito. hehehe.

@antuken: yung sa akin kasi nakahiwalay, yoko nga kasi ng nakalagay sa isang key chain dahil bulky at mabigat. pero ramdam mo nga iyon kung mawala agad.

RJ said...

@bachoinkchoink: kung pagdating ko ng bahay at wala ka pa, be sure na buksan mo na lang ang bintana at doon na lang ako dadaan. hehehe. =D

Traveliztera said...

lock pick talaga hahahahha

Anonymous said...

buti burara kalang at hindi makakalimutin, mahirap pag nagsabay yun.

ganda ng header pre ah.gumagalaw galaw pa.

nga pala, bagay sau may buhok.

gillboard said...

buti pa nga siguro para hindi na nawawala, lagyan ko ng keychain at gawing hikaw sa aking "you-know-what"

-uhm... sa iyong tenga?

ok lang yan, di kaw ang nag-iisang burara sa mundo.

RJ said...

@steph: yung sa mga pelikulang pinoy nga alambre lang diba? hehehe

@kuri: ok lang kahit burara at malilimutin, basta pogi. hehehe biro lang.

@gillboard: you got it, tsong. hehehe.

Anonymous said...

tama lagyan na lang ng tali o kaya gawin mo na lang kwintas ahihihi.


Popoy

RJ said...

pwede rin pala dapat katulad ng keychain ng mga jailguards. yung malalaki na isinasabit sa belt. astig yata yun. hehehe.