Monday, July 20, 2009

gg

buti dito sa qatar, hindi masyadong nakaka-dagdag sa pagka-homesick pagdating sa pagkain. pagkaing pinoy pa rin kasi ang ihinahain sa amin. dahil sa majority ng empleyado dito sa kumpanya ay pinoy kaya meron talagang allotted na mess hall para sa mga pinoy (meron din sa mga puti at itik).

impak, ang sarap ng almusal ko kanina. crispy daing na galunggong with sinangag. binababad ko muna sa suka bago ko isubo, pati ulo hindi ko na pinatawad sa lutong. kung hindi nga lang ako natatakot na sumabit sa lalamunan ko baka kinain ko na rin pati buntot. tumingin din ako sa salamin pagkatapos dahil baka mukha na pala akong bangkay sa putla ng labi ko dahil sa suka. deym! naglalaway na naman ako.



buong araw nga kanina, kada buka ng bibig ko ay yung daing na galunggong na yun ang laman pa rin ng isip ko. bakit? hindi kasi tumalab ang toothpaste sa tapang ng amoy ng galunggong. buong araw tuloy akong conscious sa pagsasalita at tikom ang bibig.


ang larawan ay hiniram dito.

14 comments:

gillboard said...

sarap ng galunggong... parang nagutom nanaman ako...

rolly said...

samahan mo pa ng itlog at mainit na kape, perfect breakfast ko na yan!

RJ said...

@gillboard, perfect lalo kapag umuulan tulad diyan sa pinas.

@tito rolly, dabest lalo kung sukang paombong na ma sibuyas, bawang at sili. slurrrp! hehehe.

RJ said...

Hahah! Kahit na nangangamoy ang buong bahay kapag nagluluto ako nito, ayos lang. Masarap kasi lalo na kapag maanghang ang suka. o",)

Traveliztera said...

wow... allergic nga lang ako jan =( gusto ko makatikim

p0kw4ng said...

huwaw ang sarap sarap...

habang nagbabasa ako tulo laway din ako..ahahaha

RJ said...

@doc RJ, nababanguhan din ako. yun nga lang kapag may kausap ka at amoy sa bibig mo diyahe. hehehe.

@steph, allergic ka? naku pagkamalas nga naman ng pagkakataon.

@pokwang, amoy pa lang ulam na. kuha ka na lang ng suka tapos amuyin mo na lang rin pwede na. hehehe.

Anonymous said...

nakakapaglaway na post, di pa naman ako nakapagmerienda ngaun. :)~

RJ said...

kuri, actually gusto ko na ngang tanggalin ang picture eh. nauumay na ko. hahaha! =D

bachoinkchoink said...

Wow! Mahal namiss ko tuloy ang araw araw nating agahan sa jollyjeep ni Pogi. Sinangag na kaning buhaghag, itlog at daing na isda plus 3-in-1 coffee. Masayang masaya na ang umaga natin!

bahaw said...

may ka blogs pala ako dito sa QATAR, madalas kasi ako kape lang kasi late na magising

Reesie said...

nako ang sarap naman! madami akong danggit galing sa amin sa cebu. one year supply kamo. sana walang humalungkat sa freezer ko.. puro daing ang andon. haha

RJ said...

makati days, mylab. nakaka-miss. hehehe.

@bahay, uy pare kumusta? ngayon lang din may natisod dito galing qatar. hehehe salamat sa pagdaan. =D

RJ said...

@reesie, danggit sa cebu ang pinakadabest. tamang alat at walang lansa. kapag may pumupunta ng cebu lagi din ako nagpapabili.