Tuesday, July 7, 2009

the five man

ngayon ay ang aking 5th year working anniversary. naalala ko pa noong july 2004, nakaka-one week pa lang ako sa opisina nang magbigay ng mga sweldo. nahihiya pa nga akong kunin yon dahil puro tambay at orientation pa lang ang ginawa ko tapos bibigyan na agad ako ng dalawang libo at dalawang daan. narealize ko lang na ngayon, kahit hindi ka kumilos ng isang lingo eh hindi ka papayag na hindi ka masuwelduhan.

excited akong umuwi ng bahay para iabot sa mommy ang unang katas ng pinagpa-aral nya sakin. ayaw pa nga nyang kunin dahil baka wala naman akong panggastos. masarap ang feeling ng unang beses ng pagbibigay sa magulang. alam kong ginapang nila ng daddy ang pinagpa-aral nila sa aming magkakapatid. maliit man ang una kong naibigay sa kanila, iba pa rin ang feeling kapag ibinigay mo ito ng buong-buo with puso.

kinabukasan bago umalis ng bahay papasok sa opisina, humalik muna ako sa mommy sabay humingi ng allowance na tatlong libo at dalawang daan.

15 comments:

RJ said...

o",) Ayos!

The Gasoline Dude™ said...

Siguro Insan pinapatungan mo din ng limang libo ang tuition fee mo, ano? LOL

gillboard said...

sana umabot ako dito sa pinagtatrabahuan ko ng 5 taon din. Happy anniversary!!!

BlogusVox said...

Ganun din ako nung araw, humihingi pa rin sa ermat kahit may trabaho na. Alam naman nilang maliit ang kita ko dahil trainee lang.

Nung college, ang laki ng kick-back ko dahil half-scholar ako pero hindi alam ng mga magulang ko. : )

Panaderos said...

Congrats, Pards sa 5th Anniversary mo sa pagtrabaho. I wish you success and luck always. :)

Anonymous said...

hindi pa ko umaabot ng 2 taon sa bawat trabahong pinasukan ko. pang-anim ko ng trabaho ngaun :(
congrats sau pare!talagang pinagpapala ang mattyaga at mabubuti! :)

Traveliztera said...

wow congrats!

good luck a... wag kalimutan allowance ;P

Maru said...

Hindi naman pala ako masyadong bobo sa matematiks dahil napansin ko agad na abonado pa si mader sa hiningi mong alawans.

OT: inggit ako sa wedding pic nyo ni bachoinchoink sa sidebar mo. pwede din kaya ako magpa wedding pic na walang groom?

RJ said...

@doc RJ, ayos sa alright.

@insan gasul, hindi ko nagawa yon. scholar kasi ako eh. hehe

RJ said...

@gillboard, pinakamatagal ko pa lang sa pinapasukan is 2.5 years.

@blogusvox, sa dami ng binagsak ko nung college, hindi ko na nakuhang mangikbak. hehehe. =D

@panaderos, salamat pard. =D

RJ said...

@kuri, halos pareho lang naman tayo. pang-apat ko naman ito. hehehe.

@steph, ako naman ang magbibigay ngayon ng allowance. hehehe.

@maru, at least naranasan ni mommy mabigyan ng pera kahit overnight lang. hehehe.

OT: mukhang magandang negosyo yan ah, groom in the picture for rent. hehehe. salamat. =D

madbong said...

ayus ang allowance, ang laki ng interest mula sa ibinigay hahaha. musta ka na tol?

Anonymous said...

ahahahaha!!abunado pa nanay mo! congrats!! 5th anniversary mo na ^^
-
wei

rolly said...

galeng! Namuhunan ng konti tas dun din ang bagsak. Ganyan din ako nung umpisa. Me tatay pa kong hinihingan bukod sa nanay. hehehe

RJ said...

@madbong, ayos lang naman dito sa qatar pards. ikaw? kumusta ka na sa new zealand?

@gagitos, oo nga abunado pa siya. hehehe. salamat. =D

@tito rolly, ako rin sa umpisa lang naman. nung nakasweldo na ko ng buo eh hindi na naulit yun. hehehe.