pagkagising sa umaga (4:30am):
1. tanginangyan bakit ba hindi ako natulog ng mas maaga gabi? ang bilis ng oras, parang kakapikit ko pa lang ah.
2. kaya pa bang mag-additional 10 minutes na tulog?
3. maliligo kaya ako? tangina ang lamig eh.
4. ano kayang ginagawa ni bachoinkchoink sa pilipinas (9:30am sa pilipinas)?
5. di nga? kailangan ba talagang maligo?
bago matulog sa gabi (10:30pm):
1. ayoko pang matulog. baka may maganda pang palabas
2. nasa mood ba ako para magsagawa ng paborito kong ritwal?
3. sana kayakap ko si bachoinkchoink.
4. sana magising pa ako bukas, para madagdagan ang iniipon kong 180 days bago magbakasyon ulit.
5. pwede kayang gumising ng 5:00am para hindi muna ako maligo?
* * *
namimiss ko lang ang ginagamit na takure ng mommy para pampainit ng tubig sa timba pampaligo noong elementary pa ko.
19 comments:
pede naman yun.. pede naman hindi maligo..ahihihihihi uu nga eh kahit dito malaming ng madaling araw hu hu hu nakaktamad bumangon at maligo hehehe
Paano naging malamig diyan sa Qatar? Sa aircon?
Ano ba 'yung paborito mong ritwal Insan? Paggagantsilyo ba ito? *LOLz*
gasul, malamig na ngayun sa midol east..
hehehe..
takure, naalala ko ulit ang takure namin nun na sobrang ulingin na sa kakagamit sa lutuang kahoy ang pang gatong...
-lyzius
ay, oo.. naalala ko yang takure.. hehehe!
only in the pilipins!
hhmm... ang paborito mo bang ritwal, eh ---- ang tignan ang picture ni bachoinkchoink bago matulog?? ha? ha? ha?!!
pedeng hindi maligo parekoy. as long as pasado pa sa mtrcb ang amoy ng kili kili mo. hehehehehe
anong peborit ritwal mo? *kunwari di ko nagets*
makikicomment din! nyahahahha!
bakit ang aga naman ng gising mo? nasa barrio ka ba ng qatar dude?
@yanah: kaso sa dami ng alikabok sa katawan ko hindi pwede eh. although lagi ako nagdadalawang isip tuwing umaga dahil malamig. hehehe. =D
@insan gasul:totoo palang lumalamig dito sa midol east kapag disyembre. akala ko kwentong barbero lang. hehehe.
paborito kong ritwal? clue? peyborit mo rin yun. hahaha! =D
@lyzius: iba ang ligayang dulot ng mainit na tubig sa takure bawat ligo sa malamig na umaga. pero pagtapos maligo eh nangangatal na naman ang mga ngipin. hahaha! =D
@goddess: hmmm. malamang may water heater na kayo nong bata pa kayo. rich naman yata kayo eh. hahaha!
paborito kong ritwal? pagpepray? wihihi. =D
@bechay: imperness, sabi ni bachoinkchoink ko ay never pang bumaho ang kili-kili ko. addicting pa nga raw sa pang-amooy nya eh. hehehe.
di ko na sasagutin tanong mo, kunwari lang namang di mo gets eh. pero alam kong alam mo na yon. hehehe. =D
@princesscha: hello! oo maaga talaga ang pasok dito, para makumpleto ang 10 hour work day nang tirik pa ang araw. kaya 530pm lang uwian na namin. =D
bakit hindi ba gabi gabi yang ritual na yan? maligo ka na kasi sa gabi bago mag ritual at deretso na tulog after ng ritual! kung gusto mo naman mag bihis ka na din ng pang work bago matulog para pag bangon sa umaga eh deresto na sa work,hihihi
di ka naman papawisan pag tulog eh!
may ritwal ah. . hehe. .
bakit hindi ikaw mag init jan? di ka ba marunong magpakulo ng tubig? hehe
paminsanminsan mabuti din na hindi maligo. . lalo na sa buhok kasi nag oOily. .pero ikaw mukhang wala kang buhok eh. . lol
kuya pa-x-link! newbie here, nyahahahhahah!
@pokw4ng: hmmm. okey nga iyang idea na yan ano? eh pano kung tamarin pa rin akong maligo sa gabi? ahahaha! sobrang katamaran na yun. sa isip ko lang naman ako natatamad pero hindi pa naman ako nagskip dahil sa katamaran (pwera na lang kung late na sa trabaho. hehehe).
@paperdoll: wala kaming painitan ng tubig eh. kung ano ang lumabas sa shower, yun na. hehehe. yan ang masarap sa walang buhok, di halata kapag hindi naligo. hehehe. =D
@princesscha: tapos na ate. may membership fee dito na SGD200. ahehehe. salamat! =D
lumalamig din pala dyan? haha! dapat nagdala ka ng takure nung nanggaling ka ng pinas saka thermos na rin.
belated ahppy bday pala pards siguro sagitarrius ka. hula ko lang.
mas masarap magsagawa ng ritwal kapag malamig...wag mo na pag isipan..banat agad! haha!
baka nasobrahan ka sa ritwal mo kaya hirap gumising...heheh
winter na rin dito...ang hirap nga maligo...
aist dude, naligaw poh, pwele dagdag kita sa blogroll ko? kaliwaan?
@gasti: oo lumalamig din dito. kaya literal na magiging malamig ang pasko ko dito. buti na lang masinop ako sa aking ritwal. hehe. salamat. =D
@islander: bago matulog, ritwal. pagkagising, ritwal. san ka pa. hahaha!
@yin: hello yin. salamat sa pagdaan. sige, pweleng pwele. =D
ang sweet nito:
3. sana kayakap ko si bachoinkchoink.
ang hirap talaga pag malayo sa minamahal...
at mahirap talaga ang maligo pag maginaw!
natawa ako sa comment ni gasoline dude na paborito mong ritual...
pwede ka rin munang magppawis bago ka maligo para naman dimo mafeel ang kalamigan...
@prinsesa: totoo naman, lagi ako napapa'sana' na kayakap ko nga ang asawa ko sa pagtulog. at sabay din kaming maliligo. yiheee! =D
@mang badoy: nakakatamad din naman magpapawis sa gabing malamig. lahat na lang nakakatamad. tamad lang talaga siguro ako. hehehe. =D
Post a Comment