Monday, November 17, 2008

please release it, let it go

hindi ko namamalayan, almost 8 months na rin pala ako nagba-blog. so far so good. meron akong online diary na nailalabas ko kung ano ang nararamdaman ko. kapag nagba-backread nga ako sa mga sinulat ko, natatawa pa rin ako at parang hindi ako ang nagsulat. madali mong maalala ang mga bagay bagay na nakalipas dahil meron kang journal na naisusulat. nag-eenjoy at nalilibang din akong maka-kwentuhan tungkol sa kung anu-ano ang mga kaibigan na nakilala ko dito, nakita at nakakulitan ko na nga rin ng personal ang iba. pakalat-kalat din sa iba't ibang sulok ng mundo ang ilan.

nagsimula sa ilang taong pagiging lurker sa kwentong tambay ni batjay, nagkaroon ako ng idea na bakit hindi ko rin isulat ang aking journey. nainggit ako dahil kahit ilang taon na ang nakalipas, nababalik-balikan ko pa rin ang mga kalokohan nya kahit noong magsisimula pa lang siyang tumambay sa singapore.

napunta din ako ng singapore at bago umalis, nakapagsimula akong mag-blog. parang sinundan ko nga ang yapak ni batjay dahil pareho kaming kyut na mahilig magjakol damer at mapuan. yun nga lang, andito ako sa qatar. ang tanong na lang ay kung kailan din kaya kami mapapadpad ni bachoinkchoink sa states? hehehe.

years from now, lagi ko pa rin maaalala ang mga moments na nakalipas dahil sa pagbo-blog. babalik balikan ko lang ang mga naisulat kong mga anik-anik dito at presto, parang akong ibinalik sa panahong isinulat ko ang mga entry na yon.


"ang pag-ebak at pagbo-blog ay parehong paraan ng paglalabas ng saloobin..." - rj tejada

23 comments:

p0kw4ng said...

wow nivea lotion mo? ano tatak ng timba-turned-lamesita nyo? at huhulaan ko yang inuupuan mo..tabo yan ano? makikitawa lang ako ha!

The Gasoline Dude said...

Huwaw Insan at talagang nag self timer, sepia mode pictorial ka pa talaga ha. Pang-ilang take 'yan? *LOLz*

Hindi kaya itinae tayong dalawa ni Batjay? Taga-Novaliches din kasi si Batjay, at labs na labs din niya Nanay niya. At 'yun nga, galing Singapore din. Kapag nag-volt in tayong pareho, makakabuo na tayo ng isa pang Batjay. *LOLz*

bloom said...

hahaha! balita ko, BALITA KO AH! balita ko, magooverhaul ang internet. magkakaron sila ng massive reformat. sabi ni bro ko yon. hehe. at nabasa ko na rin sa yahoo one time. pero hindi pa naman sure. :D haha. wish wish wag mangyari, dahil malulungkot din ako pag nagkataon.

reyna elena said...

HAHAHAHAHA! sori! hahaha di ko pa binabasa entry mo napahagalpak na ako sa litrato mo hahahaha

Anonymous said...

para rin akong tanga sa pagtawa sa self effort photome mo...

tanginang yan!

makapag blog lang! bwahahahahaha


-lyzius

UtakMunggo said...

aba, nag-ahit ka ba ng legs parekoy? parang chicks, ah. hehehe

sakto yung mga pinagdadaldal mo sa post na to. nababalik-balikan natin yung mga semplang at kung anik anik na nangyari sa buhay natin sa pagba-backread.

balikan natin yung pic mo. hehe.. noong di pa sira lappie ko sa banyo rin ako naglalabas ng sama ng loob. hahahaha (hindi kaya God given talent yan ng bawat blagista?)

kengkay said...

panalo ang pectyur!

Dakilang Islander said...

hahah..di ko kinaya ang piktyur..lunch ko pa naman...balikan ko na lang mamaya!

AZRAEL said...

at tulad ng pag-ebak at pag-blog.. iba iba ang lumalabas pre..

minsan malambot na entry, minsan naman sobrang tigas at punung-puno ng emosyon na nakakasakit ng pwet, este ng ulo at damdamin.

a.r.d.y.e.y. said...

@pokwang: anong meron sa nivea? hehehe. hindi ko alam kung anong tatak ng timba ko, nabili ko lang kasi yun sa tinderong indyano dito. tungkol sa inuupuan ko, merong tao sa likod nakatukod sa pwet ko. hehehe. salamat sa pagdaan. =D

dumaan ako sa site mo, pokweng na pokweng! hahaha! astig! =D

@insan GD: imferness, one take lang yan parekoy. isang sipat ko lang sakto agad ang angle, takbo agad sa banyo nang nakahubo. hehehe.

pareho din ni batjay, labs na labs ko rin ang misis ko. =D

@bloom: san mo nabalitaan? kapag nabasa ko sa TORO o kaya sa TUMBOK (meron ba nun?) na tabloid eh maniniwala na ko. baka parang Y2K lang yan. =D

@reyna elena: wow at napadaan ang reyna. karangalan ko pong mapatawa ko kayo. unti unti na po akong nagbibilad ng aking katawan. balik ikaw, baka sa susunod meron akong ipakitang bago. ahahaha!

@lyzius: quick post lang yan marekoy, bigla na lang may umilaw na bumbilya sa noo ko. kailan ba ko nagsulat ng pinagisipan? wala pa yata. hehehe. =D

@betchay: natitibo ka ba sa legs ko, marekoy? hahaha!

sa pagebak talaga lumalabas minsan ang ideas. panahon kasi yun ng katahimikan at pagiisa. pinagiisipan ko na nga kung baka magpakita na rin ako ng ano eh. nyahaha nakakatakot! =D

@kengkay: ni-copy paste mo ba mareng kengks? ahahaha! =D

@islander: opps! time is up! balik na! hehehe.

@azrael: tama rin ang example mo pards. madami talagang pagkakaparehas ang pag-ebak at pag-blog.

kapag kasing bagsik mo ang eebak, madaming nakakapansin. mababagsik kasi ang mga entry mo eh. hehehe. =D

taps said...

waw pornstar! hehehe

dun sa isang bahay namin, nagpalagay ako ng telepono sa loob ng CR, pero nawalang silbi na dahil may cellphone na.

Ang uso na pala ngayon laptop na sa loob ng kubets.

wakanasusha said...

iba ka ser rj! hanggang sa pag-poo poo kasama ang pagba-blog mo! hahaha! panalo talaga!

damer din ako, anong batch ka? pero singapore muna ako tumungo, pero since idol ko din si batjay, baka sumunod din ako sa Tate, bwahahaha! gaya-gaya wakanasusha!

tip sa gout (ako din meron e) allupurinol ang maintenance, tapos pag hindi kaya ang sakit pag umatake uli, matinding pain reliever.

chroneicon said...

damer ka nga pala. malamang puro ka pamboboso sa kabilang school :D

paperdoll said...

wow! 8months na. . ang sarap nga namang sariwain ng mga nakalipas na bwan na kung anoano ang mga pinagsusulat mo dito sa blog mo. . ngayon para makapagconcentrate ka ng mabuti ay sinama mo na rin pati ang sa banyo. . ang iniisip co lang sana nagpakita ka pa ng more skin. . tama ba? more skin? ung kasi ang sinasabi ng mga kachat cong alien eh. . show some skin. . hmmmm. . .

a.r.d.y.e.y. said...

@taps: noong nagoopisina pa ako sa pinas, ginagawa ko pa ngang tulugan ang kubeta habang jumejebs. nagigising na lang ako kapag namamanhid na ang pareho kong hita. =D

@wakanasusha: damer ka rin ba? ayos! batch 99 ako sir. san ka ba ngayon nakadestino?

salamat sa tip sa gout. lagi ngang umaatake. nagdidiet na nga rin ako. pinipili na ang kakainin. hehehe.

@chie: namboboso sa OLGA?! isang malaking HINDI... hindi sasablay! ahahah! =D

@paperdoll: sa hirap ng buhay ngayon, dapat tayong maging praktikal. kung tama ang presyo eh bakit hindi. nyahahaha! =D

repah said...

hahaha.. ang lupit... pasok ka sa model ng laptop.." use it anywher.." adiktus ka rin pla magblog.. khit sa c.r keri pa rin.. congratumalations.. happy 8th monthsary sa blog mo.. awww!

Mari said...

nyahahahaha! nakakatawa ka talaga. hanggang kubets, blog pa din. :)

madbong said...

hardcore yung pic sa banyo ahehe

gagitos said...

tae..natawa naman ako sa pic.. hindi maiwanan yung taptap eh noh??? hahah~!!!
-
wei

watusiboy said...

hmmm.. dyan pala nabubuo ang mga blog entries mo. haha.

a.r.d.y.e.y. said...

repah: di mo lang naitatanong, pangarap kong maging product endorser. kahit chocnut lang okey na. hehehe. salamat sa pagdaan. =D

mari: di lang blog, naka-webcam pa yan. huwahaha! =D

madbong: rated 13 pa nga lang iyan eh. abangan mo yung pang-adults. hehehe.

gagitos: ikinararangal kong mapatawa kita. hehehe. =D

watusiboy: now you know. hehehe. =D

glesy the great said...

wow legs *sabay sipol*.... ahaha... so katas pala ng pag-ebs mo ang mga entry mo dito... ahaha natawa naman ako dito.. cheers-glesy the great

nagbabasa din ako ng kwentong tambay ni batjay!!! dear gentle reader.. ring a bell?

a.r.d.y.e.y. said...

@glesy: imaginin mo na lang na tuwing magpopost ako eh ganyan ang scenario. para kahali-halina ang pagbabasa mo. hehehe. toilet humor. =D