Thursday, November 6, 2008

nakakaiyak


isang linggo pa lang ako dito sa qatar, nagkakaganito na ko
masakit sa dibdib, ang hirap huminga
nahihirapan na ko, hindi ko kayang itago
hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha sa mata ko
hindi ko mapigil ang paglabas ng uhog sa ilong ko



hindi makahinga, naluluha at naiiwang tulala,
ganyan ang pakiramdam ng isang tao...

kung paulit-ulit na hindi natutuloy ang sana'y maluwalhating paghatsing dahil sa sipon na malabnaw. tanginangyan.

14 comments:

Anonymous said...

bakit ikaw rin me link sa blog ko???

wala naman akong makitang link ko sa entry mo???

huhuhuhuhu

-lyzius

RJ said...

ponchong: taglamig na nga rin kasi dito, halos lahat may sipon at parang tatrangkasuhin.

lyzius: marekoy, please repeat. di ko mawari ang iyong hinanakit. uy rhyme!

The Gasoline Dude™ said...

Nyahaha! Wala din akong naintindihan sa sinabi ni Lyzius. Adik ata 'yan. I'm scared! *LOLz*

Akala ko naman kung bakit ka umiiyak 'yun lang pala...

RJ said...

insang GD: nakakaiyak naman kasi talaga ang naunsyaming hatsing. ilang beses pa naman naulit. hehehe.

sabihin mo diyan sa kasama mo umayos ayos ha. hahaha! =D

paperdoll said...

bakit kamukha no obama yang pics?lol

hindi co rin naintindihan amp. . natuwa naman aco sa nagcomment na yan. .

kala co naman nag dadrama kana. . buti nga jan pag taglamig taglamig talaga. . dito taglamig mamayamaya tag araw. . ampf!

UtakMunggo said...

uhugin. nyaaaikee hahaha..!!! sa lahat ng klaseng sipon ang ayaw ko eh yang malabnaw at yung tipong lumolobo. fots yan.

masakit sa mukha kapag hindi nakahatsing. sarap pa man din ng feeling nung todo bigay na hatsing. parang orgasmic ang dating. ahihi

Anonymous said...

yung wordpress ang ayaw umayos..nag ping back na me link daw ako sa site mo, so akala ko ginawan mo ako ng entry na ako ang bida...wala naman pala!

hmp!

-lyzius

Unknown said...

alam ko yan parekoy! takte! hirap di ba?

pero at least.. isipin mo na lang...
kasing gwapo mo ko para kahit papano gumaan loob mo! hahahaha

mapuan e.. gwapo! nakanampucha! haha

Anonymous said...

gusto kong makapagbasa ng emo post na ardyeytology ang istilo tapos yan lang ihahain mo? amfufu ka. haha. ako lumalabas na ang bionic powers ko. dalawang oras lang may uhog tapos mamya wala na. magic.

RJ said...

paperdoll: epekto talaga iyan ng global warming iha kaya uulan ngayon, maya maya aaraw. maswerte pa rin talaga ang pilipinas dahil araw at ulan lang. dito grabe ang init, grabe ang lamig.

bechay: yun nga eh, hindi naman ako nagrereklamo sa paghahatsing. impak, peborit ko nga ang pakiramdam na nahatsing, tama ka, para ka ngang nilabasan sa sarap. =D

lyzius: ano ba kasi yang ping ping na yan, daming ek ek. hindi ko alam yan eh. ping ping lechon sa laloma lang ang alam ko. hek hek. =D

ronturon: nagpopromote ka ba? hahaha! sige lang, go ahead. =D

badoodles: parekoy, muka namang emo ah, tignan mo yung picture. ang reason nga lang ng luha nya eh hindi natuloy ang hatsing nya. hehehe.

Dear Hiraya said...

akala ko seryoso... akala ko talaga sobrang emo na post hahaha.. yun pala..

kung sabagay.. totoo nga naman kasi.. nakakaiyak talaga...

perstaym ko rito hehehe..

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

Anonymous said...

ikaw ay lumipad nanaman pala...

bwisit talga ang sipon.. katulad ngayong mga panahong ito na mahirap iwasan ang malagkit na sitwasyong usong-uso... haha

ingat!

rolly said...

hahaha hahatsing ka lang pala me drama pa.

Eto ang para sayo

Aaaaaa cchhhoooooo

RJ said...

fjordan allego: salamat sa pagdaan pre, balik balik ka lang. walang bayad. hehehe. medyo magaling na sipon ko, barado na lang sa loob. =D

piapot: malamig na kasi kaya halos lahat may sipon. at least nasa uso tayo. hehehe. =D

tito rolly: mukhang pati ikaw may nadali ng sipon ah. hehehe. naluluha kasi ako nung isang araw, kaya naisip kong gawan ng storya. hehehe. =D