kadalasan, hindi ito naiisip ng mga taong walang nararamdamang sakit sa katawan. lalo ng mga kabataan na nasa rurok ng kanilang kakisigan, invincible ang pakiramdam nila sa kanilang sarili. na hindi sila tatanda. na walang anuman ang makakapagpabagsak sa kanila. na habambuhay silang magiging bata. na hindi sila madadapuan ng kahit na anong sakit. na… nana… nananana… hey jude.
ako, kahit nasa katigasan ng aking pagkalalaki pa lang, naranasan ko na kung paano magsystems down ang aking katawan. tatlong beses na akong hinihimatay. noong elementary, dalawang beses ako tumumba nung nagkaroon ako ng mataas na lagnat. buti na lang, dalawang beses din akong naispatan ng mommy na susuray-suray bago ako bumagsak kaya nya ako nasasalo. parang artista na naghintay muna ng tagasalo bago bumagsak. pero walang halong arte yung sakin.
akala ko hindi na yon mauulit. akala ko dahil matigas na ang
noong july 2006, nagising na lang akong may lbm. hindi pa ako nakapagbreakfast nung pumasok ako sa opisina. nilalagnat at giniginaw na rin ako nung nasa opisina. naninilaw na ang paningin ko at nung magpapaalam na akong maghalfday… (blag)… nagising na lang ako na nakatungo ang mga kaopisina ko sakin. nakahiga na pala ako sa sahig. para daw akong trosong sinibak ng magkakahoy nung tumumba(ibang sibak ang iniisip mo, gago). naalala ko, hindi ako tinulungan agad ng kaibigan ko kasi akala nya umaarte lang ako. joker daw kasi ako. huwag daw akong ganon, umayos daw ako, hindi daw magandang biro yon.
sa mga nangyaring yon, ramdam na ramdam ko na may limitation ang mura at ma-alindog kong katawan. tuloy, nakapagpauso tuloy ng tawag sakin ang maganda kong asawa: santo roberto juanito tumbatito (hmmm... bachoinkchoink ko talaga so kyut kyut, papisil nga sa pisngi. tara, ligo tayo? hehehe).
at ang pinakalatest ngayon, meron akong iniindang gout na nagpapakirot sa bandang likuran ng aking left heel. nagmula ito last year noong nasa sakhalin russia ako, dahil sa dami ng tinira kong sunflower seeds. ang sakit! kaya ramdam ko na agad kung ako ang pakiramdam ng mga matatanda. the gouty 25 year old. kaya kapag nagbabasketball, sumasakit sakit pa rin ang paa ko lalo after the game. hindi ako makalakad ng diretso. para akong bigat na bigat sa sarili kong bayag.
moral lesson of the story: huwag ibubuka ang bibig kapag pinapanood ang sariling ebak na bumagsak sa kubeta.
* * *
akala ko nagdadalaga na ang kumpare kong talentado na si ron turon kaya nya ako pinadalhan ng invitation para sa kanyang 18th birthday, hindi pala. binigyan nya pala ko ng award o kung ano man ito sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. hindi ko alam kung kikita ba ako dito o baka may perang nakaipit sa loob. hehehe. biro lang. maraming salamat sayo pareng ron turon. =D
* * *
pati na rin sa kaibigan nating si madbong galing pa ng new zealand, nagpadala pa ng package via lbc, hari ng padala. mukhang mabigat, siguro mahal ito kung ipapakilo ko sa mga bakal-voiz. mabulaklak at kumikinang pa, para lang akong nakatambay sa loob ng reyes haircutters. hehehe salamat pareng madbong. =D
15 comments:
Insan, ang ganda ng paa mo. Akala ko paa ng babae. Fetish ko pa naman 'yan. *LOLz*
naunahan ako ni gas dude! yun din dapat ang sasabihin ko... ahihihi.. maganda pa paa mo skin! nyahahahaha
insan GD: partida wala pang foot spa yan, sobrang lakas kasi ng kiliti ko sa paa eh. hahaha! =D
yanah: hindi lang maganda, amoy baby pa! hahaha! =D
masakit tlga there? wehehehe. . himatayin ka pala ah. .
naku. .!ibig sabihin kabataan pa rin aco. . feeling invisible. . lol. .
dapat kasi inaalagaan ang sariling bayag este kalusugan!
hindi aco magcocomment tungkol sa paa mo. . mas maganda parin tong akin. . lol
walang anuman pre hehe para bang pang hair salon?
naranasan ko na ang mahilo at parang umiikot ang paligid ko nung minsang nalipasan ako ng gutom..pero di naman ako natumba..
hinay hinay lang rj..nakaktakot ang gout. hehe.
anak ng twitter ka naman eh bakit ka tumira ng sandamakmak na sunflower seeds? ibon ka ba? ahehe
malakas magpa-gout yang mga protein rich nuts and seeds kaya iwas iwas pati na rin sa contents of the inside (laman loob) wehehe
nakow. kulang ka lang sa kispirin at yakapsul ni bachoinks. hehe
iwas sa laman loob! :)
ay sus.. kakabasako lang ibang comments.. yun din pala sabi ni mam utakmunggo! hwoahahaha..
paperdoll: masakit talaga, kala ko dati umaarte lang ang mga matatanda. pero hindi pala. importante talaga ang health kaya dapat parang bayag, iniingatan. hehehe. =D
madbong: mabulaklak kasi. =D
watusiboy: kung hindi nga ako nagkaron ng gout di ko pa malalaman kung ano yon. hehehe. =D
bechay: during russia days kasi, pagtira ng sunflower seeds ang pinakalibangan sa trabaho. nakakaadik. katunayan nagkalyo ang daliri ko kakapisil at kakabalat. minsan talaga hindi natututo ang tao hanggat hindi napaparusahan ano? hehehe. =D
bloom: paborito ko pa naman ang isaw. huhuhu.
gout????
marami siguro nyan sa doby gout...
wahahahaha...
nagkakaganyan din ako...
sobrang katakawan naman sa akin..
-lyzius
lyzius: oo nga ano, siguro matakaw sa isaw si pareng dhoby kaya gout ang ikinamatay nya. tsk tsk.
hinihimatay ka? hindi ko pa naranasan yun ah. ANo ba ang feeling?
tito rolly: weird feeling, para ka lang nahihilo, tapos isang pikit mo lang nakahiga ka na. hehehe.
Hello Yanah and gasoline dude, Nais kong tumutol sa mga komento nyo hinggil sa paa ng asawa ko. Hindi talaga siya maganda! Maniwala kayo sakin! Hindi talaga! Eto namang asawa ko na to, tsk! tsk! hindi pa sinabi ang totoo na hindi talaga maganda ang paa niya. Imfernes, hindi mabaho ang paa niyan at buong katawan. love it!
ssssh. keep quiet daw sabi ni mam. daldal neto.
ahehehe. labyu. =D
Post a Comment