Showing posts with label health. Show all posts
Showing posts with label health. Show all posts

Saturday, November 8, 2008

he’s so vulnerable, vagina in my hands

ang kamatayan at ang pagkakasakit ay mga paraan para laging maipaalala sa ating mga tao na tayo ay mga mortal na nilalang. kapag mayroong namamatay na malapit sa atin, meron itong mensahe na nais iparating sa mga taong naiwanan. kapag nagkakasakit naman tayo, ito ay gumigising sa atin na may hangganan din ang ating lupang katawan at maaari itong mamatay any moment.

kadalasan, hindi ito naiisip ng mga taong walang nararamdamang sakit sa katawan. lalo ng mga kabataan na nasa rurok ng kanilang kakisigan, invincible ang pakiramdam nila sa kanilang sarili. na hindi sila tatanda. na walang anuman ang makakapagpabagsak sa kanila. na habambuhay silang magiging bata. na hindi sila madadapuan ng kahit na anong sakit. na… nana… nananana… hey jude.

ako, kahit nasa katigasan ng aking pagkalalaki pa lang, naranasan ko na kung paano magsystems down ang aking katawan. tatlong beses na akong hinihimatay. noong elementary, dalawang beses ako tumumba nung nagkaroon ako ng mataas na lagnat. buti na lang, dalawang beses din akong naispatan ng mommy na susuray-suray bago ako bumagsak kaya nya ako nasasalo. parang artista na naghintay muna ng tagasalo bago bumagsak. pero walang halong arte yung sakin.

akala ko hindi na yon mauulit. akala ko dahil matigas na ang titi katawan ko, kaya ko ng saluhin ang sakit kung tamaan man ako. gusto ko pa ngang i-dare ang sarili ko na kalabanin ang antok kapag uminom ako ng sleeping pills. kaso naalala ko, kahit walang gamot eh likas sakin ang pagiging antukin. kaya hindi ko na tinuloy.

noong july 2006, nagising na lang akong may lbm. hindi pa ako nakapagbreakfast nung pumasok ako sa opisina. nilalagnat at giniginaw na rin ako nung nasa opisina. naninilaw na ang paningin ko at nung magpapaalam na akong maghalfday… (blag)… nagising na lang ako na nakatungo ang mga kaopisina ko sakin. nakahiga na pala ako sa sahig. para daw akong trosong sinibak ng magkakahoy nung tumumba(ibang sibak ang iniisip mo, gago). naalala ko, hindi ako tinulungan agad ng kaibigan ko kasi akala nya umaarte lang ako. joker daw kasi ako. huwag daw akong ganon, umayos daw ako, hindi daw magandang biro yon.

sa mga nangyaring yon, ramdam na ramdam ko na may limitation ang mura at ma-alindog kong katawan. tuloy, nakapagpauso tuloy ng tawag sakin ang maganda kong asawa: santo roberto juanito tumbatito (hmmm... bachoinkchoink ko talaga so kyut kyut, papisil nga sa pisngi. tara, ligo tayo? hehehe).

at ang pinakalatest ngayon, meron akong iniindang gout na nagpapakirot sa bandang likuran ng aking left heel. nagmula ito last year noong nasa sakhalin russia ako, dahil sa dami ng tinira kong sunflower seeds. ang sakit! kaya ramdam ko na agad kung ako ang pakiramdam ng mga matatanda. the gouty 25 year old. kaya kapag nagbabasketball, sumasakit sakit pa rin ang paa ko lalo after the game. hindi ako makalakad ng diretso. para akong bigat na bigat sa sarili kong bayag.

moral lesson of the story: huwag ibubuka ang bibig kapag pinapanood ang sariling ebak na bumagsak sa kubeta.

* * *


akala ko nagdadalaga na ang kumpare kong talentado na si ron turon kaya nya ako pinadalhan ng invitation para sa kanyang 18th birthday, hindi pala. binigyan nya pala ko ng award o kung ano man ito sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. hindi ko alam kung kikita ba ako dito o baka may perang nakaipit sa loob. hehehe. biro lang. maraming salamat sayo pareng ron turon. =D

* * *


pati na rin sa kaibigan nating si madbong galing pa ng new zealand, nagpadala pa ng package via lbc, hari ng padala. mukhang mabigat, siguro mahal ito kung ipapakilo ko sa mga bakal-voiz. mabulaklak at kumikinang pa, para lang akong nakatambay sa loob ng reyes haircutters. hehehe salamat pareng madbong. =D

Wednesday, May 28, 2008

run run ardyey run run!

kahapon, bumaba ako ng doha at sumalang na naman sa isang set of medical examination. kinuhanan na naman ako ng dugo sa regal (opposite of siko, korni) at x-ray. first time ko rin kuhanan ng kaunting dugo sa aking right middle finger. ang sakit pala nun, napa-pitlag ako ng kaunti at napa-aray. para kang natibo ng bubog at nahiwa. dugo dugo dugo. minsan, kung ano talaga ang mga pinaka-ayaw mo eh yun ang laging nangyayari. ganun naman talaga dito sa middle east, lahat ng nagtatrabaho kailangang dumaan ulit sa medical kahit tapos na magpasuri sa kanilang pinanggalingang bansa.

natapos ako ng alas-dose, gutum na gutum na ako. muntik na kong mawalan ng gana dahil sa puro mga itik at taga-bangladesh ang mga nakahubad na nakapila sa x-ray. pero matindi pa rin talaga ang appetite ko kaya gusto ko pa rin magtanghalian. nagpahatid ako sa driver sa filipino souq, isa itong shopping center na halos puro pinoy commodities ang makikita at mabibili. kumain ako sa kamayan restaurant. hindi ito katulad ng kamayan sa pilipinas. para lang itong ordinaryong canteen na halos 15 customers lang ang kakasya. ang kinain ko ay bopis na nagkakahalaga ng 20 riyals or 226 pesos (1 qatari riyal = 11.3 pesos). mahal pero okey lang naman, dahil bukod sa masarap eh pang-dalawahan na ang dami ng serving.

* * *
bago makagamit ng gym sa aming kampo, kailangang magparegister ka muna sa clinic at kukunan ka ng blood pressure para malaman kung fit ka nga na magexercise. okay naman ang kinalabasan and everything is normal. kailangan ko na kasing magexercise, feeling ko losyang na ko. mababa na rin ang aking self-confidence. malalambot na ang aking mga maskels, ang dodo ko ay malalaki at malalambot na, parang dodo ng cow.
.
and im a little bit overweight. 5’9” or 5’10” ang aking height, ang weight ko naman ay 175lbs (kapag gutom). at ayon sa aking body mass index, kabilang na ako sa mga class-a obese. or halos nasa border line ng normal at overweight. at para sa isang 25 year old (virgin), hindi ito maganda. dapat habang bata pa ay maging fit na ako, dahil habang tumatanda ay mahihirapan na ako tiyak. pinaghahandaan ko rin kasi ang up and coming basketball tournament, although hindi pa dumarating ang mga basketball rings, kailangan i-buildup ko na ang aking stamina ngayon pa lang. sa laki kasi ng tyan ko eh para akong may extrang bola na nakasabit sa katawan ko kapag tumatakbo sa court. kailangang makabalik sa same old form as soon as possible.
at syempre, paguwi ko ng pilipinas ay magiging daddy na ko. kailangang pag nakita ako ni tabachoinkchoink eh daddylicious pa rin ako at maglalaway pa rin sya sa akin. hek hek hek.

Wednesday, May 14, 2008

let's do it the right way

ngayong buntis si misis, dapat lalo pang damihan ang kanyang intake ng mga prutas para maging malusog ang mga babies. sakto namang nareceive ko ang email na ito tungkol sa tamang pagkain ng prutas. dapat nasa tamang paraan ang pagkain para ma-maximize ang mga benefits nito:

Tamang pagkain ng prutas
by: Judith Pulido Health bits

NASANAY na kapag bumili ng prutas ay hihiwain at kakainin ito matapos ang isang masaganang umagahan, tang-halian o hapunan.

Ayon sa mga pag-aaral, napatunayan na hindi lamang ganito kasimple ang pakinabang na hatid ng prutas kung alam lang natin kung PAANO at KAILAN dapat kainin ang mga ito.

TAMANG PAGKAIN


Paano nga ba ang tamang pagkain ng prutas? Narito ang mga bagay na dapat tandaan:

* HINDI DAPAT KAININ ANG PRUTAS PAGKATAPOS KUMAIN!

* DAPAT KAININ ANG PRUTAS KAPAG WALANG LAMAN ANG TIYAN.

Kapag kinain ang prutas nang walang laman ang tiyan, ide-DETOXIFY nito ang sistema ng ating katawan at magsu-supply ng dagdag na enerhiya para sa nabawas na timbang at iba pang aktibidad na ginawa ng katawan.

* * *

very busy na ako these past few days, magiimpake na rin ako para kapag may nakalimutan pa akong dalhin, may oras pa para mabili ito. kaya hindi rin ako makapag-bloghop, di ko mabisita ang mga paborito kong blog sa aking blogroll, kaya hindi ko na rin alam ang mga latest chismax ngayon. sa mga susunod na araw, bibisita ako sa inyo.

Wednesday, April 23, 2008

pagmasdan mo ang kabataan

habang naghihintay ako ng 4pm para sa appointment ko sa aking agency sa manila, tumambay muna ko sa isang maliit na internet cafe sa tabi tabi para magpatay ng oras. sakto naman na merong isang bakanteng pwesto sa gilid at doon ako napaupo. napansin ko agad na halos puro kabataang nasa 6 to 10 years old ang laman ng cafe, na naglalaro ng online games. sa bawat isang batang nakapwesto sa pc, merong nakatayo sa likod na isa o dalawa para manood at magcoach.

bata#1: kunin mo yung magic sword! kunin mo yung magic sword nya!

bata#2: putangina mo marunong ka pa saking gago ka!


bata#3: (siya na ang naglalaro habang nag-uusap ang dalawa) putangina tirahin mo na 'to mamamatay ka na!!

hindi lang siguro ako nahilig sa online games kaya hindi ako maka-relate sa kanila. ewan ko ba, hindi ko makuha ang logic na mag-ubos ng pera at sangkaterbang oras para lang magpalakas ng characters, palakas ng palakas, pagkatapos? ano na? sinubukan ko ring magustuhan, naglaro ako minsan, pero nahilo lang ako at hindi ko talaga makuha ang logic.

kung wala ka naman talagang magawa sa buhay at may pera ka naman kahit maubos ang lahat ng oras mo at hindi ka magtrabaho (o pwede rin na naglalaro habang nagtatrabaho) ay okey lang siguro. pero naaawa ako sa mga kabataan ngayon na lulong sa ganyang klase ng laro. malamang na yung binibigay sa kanilang baon ng magulang nila na pambili sana ng pagkain eh napupunta lang sa mga computer shops na nagpapalaro ng mga bata, na kung minsan kahit school hours. at minsan pa, namamalimos o nagnanakaw pa makapaglaro lang.

alam kong hindi lang yan ang problema sa mga kabataang nalululong, dahil pati sa bahay, alam kong bitbit pa rin nila pagka-humaling sa kanilang bisyo. paano kaya kapag nasa kanya kanyang bahay na sila? may time pa kaya silang makipag-bonding sa mga magulang nila o sa mga kapatid nila? naiisip ko kasi, para silang mga batang nahulog sa bitag ni 'puma ley-ar', na nagrerebelde sa mga magulang at nagiging mga pasaway sa bahay.

swerte ko pala, naabutan ko pa ang panahon na walang libangan ang mga bata kundi ang maglaro sa labas ng bahay ng kung anu-ano (e.g. langit-lupa, taguan, tumbang preson, patintero, teks, trumpo, tansan, moro-moro etc.) at maghabulan na parang walang kapaguran.


* * *


binakunahan na ako kanina. bakuna para sa hepa-a, hepa-b, flu, tetano at typhoid. tinurukan ako ng karayom isa sa kanang balikat, dalawa sa kaliwang balikat at isa sa bibig.

nang una kong narinig na babakuhan ako sa bibig, ang gulat ko! saan ba ito itutusok? sa dila? sa ngala-ngala? sa pisngi? kung anu-anong pumapasok sa isip ko, yun pala, ipapatak lang ito sa bibig. sus! ang gurang ko na hindi ko pa alam! para lang pala itong patis na maasim, hehehe.

takot talaga ako sa karayom. kahit ilang beses na ko natuturukan, ninenerbyos ako ulit bawat tusok. kanina ang pinakamaraming tusok sa akin sa isang pagkakataon, tatlo. kaya medyo masakit ang kanan at kaliwang balikat ko ngayon.