bata#1: kunin mo yung magic sword! kunin mo yung magic sword nya!
bata#2: putangina mo marunong ka pa saking gago ka!
bata#3: (siya na ang naglalaro habang nag-uusap ang dalawa) putangina tirahin mo na 'to mamamatay ka na!!
hindi lang siguro ako nahilig sa online games kaya hindi ako maka-relate sa kanila. ewan ko ba, hindi ko makuha ang logic na mag-ubos ng pera at sangkaterbang oras para lang magpalakas ng characters, palakas ng palakas, pagkatapos? ano na? sinubukan ko ring magustuhan, naglaro ako minsan, pero nahilo lang ako at hindi ko talaga makuha ang logic.
kung wala ka naman talagang magawa sa buhay at may pera ka naman kahit maubos ang lahat ng oras mo at hindi ka magtrabaho (o pwede rin na naglalaro habang nagtatrabaho) ay okey lang siguro. pero naaawa ako sa mga kabataan ngayon na lulong sa ganyang klase ng laro. malamang na yung binibigay sa kanilang baon ng magulang nila na pambili sana ng pagkain eh napupunta lang sa mga computer shops na nagpapalaro ng mga bata, na kung minsan kahit school hours. at minsan pa, namamalimos o nagnanakaw pa makapaglaro lang.
alam kong hindi lang yan ang problema sa mga kabataang nalululong, dahil pati sa bahay, alam kong bitbit pa rin nila pagka-humaling sa kanilang bisyo. paano kaya kapag nasa kanya kanyang bahay na sila? may time pa kaya silang makipag-bonding sa mga magulang nila o sa mga kapatid nila? naiisip ko kasi, para silang mga batang nahulog sa bitag ni 'puma ley-ar', na nagrerebelde sa mga magulang at nagiging mga pasaway sa bahay.
swerte ko pala, naabutan ko pa ang panahon na walang libangan ang mga bata kundi ang maglaro sa labas ng bahay ng kung anu-ano (e.g. langit-lupa, taguan, tumbang preson, patintero, teks, trumpo, tansan, moro-moro etc.) at maghabulan na parang walang kapaguran.
* * *
binakunahan na ako kanina. bakuna para sa hepa-a, hepa-b, flu, tetano at typhoid. tinurukan ako ng karayom isa sa kanang balikat, dalawa sa kaliwang balikat at isa sa bibig.
nang una kong narinig na babakuhan ako sa bibig, ang gulat ko! saan ba ito itutusok? sa dila? sa ngala-ngala? sa pisngi? kung anu-anong pumapasok sa isip ko, yun pala, ipapatak lang ito sa bibig. sus! ang gurang ko na hindi ko pa alam! para lang pala itong patis na maasim, hehehe.
takot talaga ako sa karayom. kahit ilang beses na ko natuturukan, ninenerbyos ako ulit bawat tusok. kanina ang pinakamaraming tusok sa akin sa isang pagkakataon, tatlo. kaya medyo masakit ang kanan at kaliwang balikat ko ngayon.
nang una kong narinig na babakuhan ako sa bibig, ang gulat ko! saan ba ito itutusok? sa dila? sa ngala-ngala? sa pisngi? kung anu-anong pumapasok sa isip ko, yun pala, ipapatak lang ito sa bibig. sus! ang gurang ko na hindi ko pa alam! para lang pala itong patis na maasim, hehehe.
takot talaga ako sa karayom. kahit ilang beses na ko natuturukan, ninenerbyos ako ulit bawat tusok. kanina ang pinakamaraming tusok sa akin sa isang pagkakataon, tatlo. kaya medyo masakit ang kanan at kaliwang balikat ko ngayon.
17 comments:
parehas tayo pare. takot din ako sa karayom. sabi ng kaibigan kong nurse, "anlaki mong bulas tapos takot ka sa turok?!"
hanggang ngayon takot pa din. haha
at parehas rin pala tayong hindi nahilig sa online games. counterstrike lang alam ko! haha... apir!
hini ka ba binakunahan sa puwet? heheh
saan pala ang balik mo bro?
chroneicon,
hindi na ata mawawala yon takot na yon. hehehe. oo counterstrike din ang paborito ko. mas okey sakin ang bombahan at barilan kesa magic magic. hahaha. parang conflict ang mga sinabe ko ah. =D
islander,
yun lang, hindi ako nabakunahan sa pwet. hehe sige na nga, qatar ang punta ko next month tol. =D
haha. akala ko tuturukan din sa bibig nung una. ang sakit siguro pag nagkataon. hehe
ako din, kahit kelan di ako nahilig sa mga dota dota na yan at counterstrike. ewan ko ha. mas maganda kasi para sa akin yung totoong laro eh. ang gusto kong laro eh yung sinasabi ni pb, habulan rape at mataya hubad! hahaha
akala ko din nung una sa bibig ka tuturukan. hahaha.. pero naisip ko nga, kami din pinainom lang dati nung grade one. OA ka naman, ngaun ka lang nagpabakuna.. ako natapos na lahat nung grade one, sinama sa bayad sa school, pangungurakot na din nila yun.
ako rin, buti nalang na experience ko ang paglalaro sa labas. si excalibur (ex boyplen ko) adik din ng sobra sa online games, ang pinaregalo ba naman sa christmas party nila sa office e load sa isang online game. o di ba?! di ko rin maintindihan kung anong fulfillment ang nakukuha nila sa online games e.. tanong nga naten minsan.. :p
insan jeck,
yun din ang gusto ko pare, reyp reypan at mataya hubad! kahit ako na lang lagi ang taya sa reyp reypan okey lang. hehehe.
ayz,
ex mo? ex ko rin adik sa online games. hahaha pag miyembro ata ng xmen eh adik sa ganun.
punta kasi ako ng qatar next month, eh requirement yung mga bakuna. =D
Hindi ako na-adik sa mga online games kase wala naman kameng PC dati.
Mas gusto ko pang magbasa nun. Magbasa ng Archie Comics. Hahaha! = P
insan alex,
ako funny komiks lang masaya na. hehehe. =D
funny comics! ayos to! according to berlin manalaysay, magbabalik ang combatron. bubuhayin raw ng kapuso. gawa sila animation.
chroneicon,
betsabaygali! di nga? seryoso? kung totoo to eh di ayos na ayos. buti na lang at animation, dahil kung gagawin nilang parang zaydo eh malamang si richard gutierrez na naman ang bida sa combatron.
wat da ef!!!
Kahit anong bagay sa buhay, pag lumabis ay masama. Ayos lang siguro na maglaro ang mga kabataan ng mga online games. Iyon nga lang, hindi sila dapat makalimot sa kanilang pag-aaral at sa kanilang mga responsibilidad sa bahay at sa kanilang sarili. Hindi rin dapat maging kampante ang mga magulang na nakababad ang mga bata sa harap ng mga computers para lang hindi sila (mga magulang) maistorbo. Minsan eh may kapabayaan din ang ibang magulang eh kaya tuloy nagiging babad ang mga bata sa mga ganyang laro.
okay lng nman siguro mag OL games kung past time lang at talagang wala ka magawa sa buhay pero ang mga kabataan ay iba,addict na talaga sila sa mga OL games, hindi nila ma control ang sarili nila kaya dapat bantayan ng mga magulang nila...
nakakatakot talaga ang karayom,okay na sa akin iyong ako ang magtuturok kaysa ako tinuturukan.hahahaha
panaderos,
nakakalungkot lang isipin ang future boss. minsan, makikita ko pa na kung sino ang hikahos sa buhay, sila pa yung mga adik na adik na parang walang patutunguhan. sana mali ako.
emoterang nurse,
yup ganun nga, iba talaga kapag adik sa bisyo.
kaya hindi ako nagnurse, ayoko rin magturok, naaawa ako sa tuturukan ko. ahehehe. =D
Post a Comment