kung sakaling mapapadpad kayo sa singapore, wag forget puntahan ang Singapore Flyer. nagsimula lang itong buksan nung march 1, 2008. ito ang pinakamalaking observation wheel sa buong mundo, 165 meters above ground. mas mataas pa daw ito kumpara sa the star of nanchang (5 meters) at london eye (30 meters). air-conditioned lahat ng 28 capsules at 28 katao ang pwedeng sumakay sa bawat isang capsule. pwede rin i-rent ang isang capsule sakaling may occasions, gathering o kahit anong gusto mong gawin sa buhay basta babayaran mo ang buong capsule.
kung talaga desidido kayong magpunta, makikita ito sa may marina centre. maganda ang views na makikita, upto 45 kilometer radius daw ang matatanaw mo at dahil don, makikita mo mo na rin ang isla ng indonesia, ang batam at bintan, pati na rin ang johor, malaysia.
at kung itatanong mo na rin sakin kung kailan ba magandang sumakay sa flyer, kung tanghali o gabi, ay hindi ko masasagot. tanghali kasi kami sumakay at hindi na namin sinubukan ang pang-gabi. S$30 (php900) kasi ang isa for 30-minute ride, kaya kung may pera ka at gusto mo subukan pareho, kwento mo na lang sakin kung ano ang feeling sa itaas kapag gabi. hehehe. =D
14 comments:
andyan ka na ngayun Singapore? sana makapasyal ako dyan next vacation
Ang boto ko eh sumakay during a very clear day. Minsan kasi eh maaraw nga, pero hazy naman ang panahon. Hindi mo rin gaano mae-enjoy ang view pag ganoon.
Sasakay lang ako sa gabi pag mayaman na ko. Hehe :)
islander,
hindi pards, this was taken last early this month nung nasa singapore pa ako. kailan bang bakasyon mo? punta ka ng singapore, masasarap ang pagkain. =D
panaderos,
tama ka boss, dapat clear sunny day pag sumakay ka para sulit. nag-cable car ride na kasi kami ng gabi, kaya tanghali kami sumakay sa flyer para maiba naman. =D
singapore?? waw!!
sama ako!
inggit naman ako =(
hindi pa ko nakapunta singapore kaya di ko rin alam pero malaki ang sapantaha ko na madilim at puro ilaw makikita ko. Di kaya?
:-)
ayz,
galing na ko don ayz, punta ka pag may time ka, ganda rin doon. =D
chroneicon,
nainggit din naman ako sa eb nyo eh, quits na. hahaha. =D
tito rolly,
ganun nga iyon malamang. hehehe. pero dami kasing buildings ng singapore at madaming pailaw kaya curious din ako. hehehe kaso ang mahal mahal naman. ikain ko na lang. =D
galing ng view bro! sana makasakay din ako dun
madbong,
makakasakay ka rin jan bro, patulong ka kay david blaine. hahahaha!
may hangover pa rin ako sa david blaine sa blog mo, naaalala ko yung 'titig' nya sa camera after ng magik. hahaha! =D
uy ayus yan ha. last kong bisita sa Singapore, 2000 pa. sige nga mai-try yang singapore flyer pag bumisita ako this year (sana may pera akong maipon. hehe).
dyosa,
medyo mahal ng sya kung iisipin, pero lahat naman ay mahal sa singapore di ba.
salamat at naligaw ka. =D
Post a Comment