Sunday, April 6, 2008

back from singapore

sobrang nakakapagod itong week na to sakin. dumating kasi ang buong pamilya sa singapore para mamasyal, at syempre ako ang kanilang official tour guide. 3 days lang ang stay nila, 3 days pagkakasyahin ang dapat mapuntahan sa singapore.

nagpunta kami sa sentosa, vivo city, glutton's bay sa may esplanade, singapore zoo, giant tsubibo (singapore flyer), bugis street, chinatown, orchard road at cathay cineplex. puro lakad lakad lakad, parang puputok nga ang binti ko. kaya tuwing uuwi sa hotel eh plakda kami sa kama.

first time kong magoverseas flight thru cebu pacific. at nalate pa ang flight namin ng 1 oras. kaya nakarating na kami ng pilipinas ng 5:30am na. PAL dapat ang sasakyan ko kasi sagot naman ng company ang pamasahe ko pauwi, pero nagcebu pacific na lang ako para sabay sabay kami ng flight ng pamilya.

overall, enjoy naman ang trip. nagkaroon kami ng bonding time, timeout muna sa mga pinagkakaabalahan sa buhay buhay. ako timeout sa trabaho, si nanay at tatay timeout sa negosyo, si trisha timeout sa office sa pilipinas, si bunso naman timeout sa school.

over-fatigued ata ako, nilalagnat kasi ako ngayon. hindi pa ko nakakakumpleto ng tulog. konting pahinga lang siguro to at tulog, mawawala na rin tong lagnat.

2 comments:

Panaderos said...

Ang ganda ng Singapore. Nakaka-miss. I was there last August on vacation pero 1 week lang. Bitin. I'm glad that your parents and siblings got to visit you there. Ok din na naipasyal mo sila.

If ever there's one thing, actually 2 things pala, na ayaw ko sa Singapore, they are the high prices of food and the ugly women. Kaunti lang ang nakita kong magagandang Singaporean. Pati nga gf ko, iyon din ang observation eh. Hehehe Ingat, Pards!

RJ said...

yup sobrang bitin ang 1 week. mas lalo ang 3 days. he he. tama ka nakakamiss nga sya. ang gusto ko sa kanya eh para ka lang nasa pilipinas, multi-racial kasi kaya walang discrimination. parang lahat pantay pantay.

lahat naman ng prices eh mataas, lalo na ang accomodation. lalo pa ngang pataas ang trend ngayon. mahal din ang food, pero i enjoyed it. masarap di ba, wag lang masyadong maanghang.

ugly women ba? hahaha meron ding sablay, meron ding cute (siguro naka-micro mini lang or kita ang clevage kaya cute. hehehe). ang ayaw ng girlfriend ko eh yung amoy sa train. lagi sya nahihilo pagbukas pa lang ng pinto.