Wednesday, May 28, 2008

run run ardyey run run!

kahapon, bumaba ako ng doha at sumalang na naman sa isang set of medical examination. kinuhanan na naman ako ng dugo sa regal (opposite of siko, korni) at x-ray. first time ko rin kuhanan ng kaunting dugo sa aking right middle finger. ang sakit pala nun, napa-pitlag ako ng kaunti at napa-aray. para kang natibo ng bubog at nahiwa. dugo dugo dugo. minsan, kung ano talaga ang mga pinaka-ayaw mo eh yun ang laging nangyayari. ganun naman talaga dito sa middle east, lahat ng nagtatrabaho kailangang dumaan ulit sa medical kahit tapos na magpasuri sa kanilang pinanggalingang bansa.

natapos ako ng alas-dose, gutum na gutum na ako. muntik na kong mawalan ng gana dahil sa puro mga itik at taga-bangladesh ang mga nakahubad na nakapila sa x-ray. pero matindi pa rin talaga ang appetite ko kaya gusto ko pa rin magtanghalian. nagpahatid ako sa driver sa filipino souq, isa itong shopping center na halos puro pinoy commodities ang makikita at mabibili. kumain ako sa kamayan restaurant. hindi ito katulad ng kamayan sa pilipinas. para lang itong ordinaryong canteen na halos 15 customers lang ang kakasya. ang kinain ko ay bopis na nagkakahalaga ng 20 riyals or 226 pesos (1 qatari riyal = 11.3 pesos). mahal pero okey lang naman, dahil bukod sa masarap eh pang-dalawahan na ang dami ng serving.

* * *
bago makagamit ng gym sa aming kampo, kailangang magparegister ka muna sa clinic at kukunan ka ng blood pressure para malaman kung fit ka nga na magexercise. okay naman ang kinalabasan and everything is normal. kailangan ko na kasing magexercise, feeling ko losyang na ko. mababa na rin ang aking self-confidence. malalambot na ang aking mga maskels, ang dodo ko ay malalaki at malalambot na, parang dodo ng cow.
.
and im a little bit overweight. 5’9” or 5’10” ang aking height, ang weight ko naman ay 175lbs (kapag gutom). at ayon sa aking body mass index, kabilang na ako sa mga class-a obese. or halos nasa border line ng normal at overweight. at para sa isang 25 year old (virgin), hindi ito maganda. dapat habang bata pa ay maging fit na ako, dahil habang tumatanda ay mahihirapan na ako tiyak. pinaghahandaan ko rin kasi ang up and coming basketball tournament, although hindi pa dumarating ang mga basketball rings, kailangan i-buildup ko na ang aking stamina ngayon pa lang. sa laki kasi ng tyan ko eh para akong may extrang bola na nakasabit sa katawan ko kapag tumatakbo sa court. kailangang makabalik sa same old form as soon as possible.
at syempre, paguwi ko ng pilipinas ay magiging daddy na ko. kailangang pag nakita ako ni tabachoinkchoink eh daddylicious pa rin ako at maglalaway pa rin sya sa akin. hek hek hek.

42 comments:

Lyzius said...

aba naman at healh buff and duday to be...di ko nakita ang bidyu pero oks lang yun

RJ said...

yun lang naman ang maganda gandang mapaglilibangan ko dito kasi. hehehe.

chroneicon said...

machong macho ka naman pare. dmo na kailangang maggym. pakiss!

RJ said...

akala mo lang yun pare. hindi lang kasi ako humihinga nung nagkita tayo. hehehe.

The Gasoline Dude™ said...

Ewan ko ba pero pag binabasa ko posts mo, naaalala ko si Batjay. *LOL*

Anonymous said...

gurl, one time basketball tayo pagbalik mo. sama na na rin si lyzius, gawin nating water gurl. ahahaha!

ang mahal pala ng pagkain dyan. im sure papayat ka agad kung magtitipid ka. haha

RJ said...

insan GD,

hahaha! ganun ba, siguro we have a lot in common lang. hehehe. =D

RJ said...

insan jeck,

oo lahat mahal dito. pati load pantawag at pantext, kakasura.

oo ba laro tayo minsan, si lyzius ilalagay nating sentro. hehehe. =D

ayzprincess said...

man boobs!! hahaha.. joke lang.. buti nga ikaw may boobs e. hahaha :P

RJ said...

ayz,

nainggit pa amfp! nyahahaha! loka ka talaga. =D

UtakMunggo said...

sa mga nabasa kong posts mo e sa tingin ko naman magiging okay kang daddy. medyo may sayad, pero okay nonetheless.

sige mag work out ka dahil di maganda kung mas malaki pa dodo mo sa misis mo baka sayo pa dumodo ang mga babies. haha jowk.

;)

RJ said...

utakmunggo,

actually close fight na nga ang labanan namin sa palakihan eh. konti pa lalamang na ako ng konti. konti lang naman. hehehe. salamat sa pagbisita mare. =D

Anonymous said...

exercise lang yan saka control sa rice. malakas ka ba sa kanin?

UtakMunggo said...

ay hindi ito minsanang pagbisita parekoy. ni-link na kita ng walang paalam. so eat bulaga! hehe

;p

rolly said...

Ako nga, halos araw-araw kong ginagawa ang pag prick sa fingers ko just to check my sugar level. Makakasanayan mo rin yan. hehehe

Mahal tsibug jan o dahil Filipino food ang kinain mo?

Dakilang Islander said...

hahaah lusyang na ba ang mga dodo mo...ang problema ko namn aking tiyan...tried jogging pero katamad

RJ said...

mari,

oo nga, kaya nga napagdesisyunan kong simulan ang exercise mamayang gabi. malakas ako sa rice nung nasa pilipinas, pero dito sa kampo ay hindi ko gusto ang kanin kaya konti lang ang nakakain ko. steam rice sya kaya masyadong buhaghag at matabang.

Anonymous said...

napadaan lang ako't naligaw sa blog mong masaya. baka makitambay ulit ako. God bless!

ito, walang biro pero sa word verification, ang character na ita-type ko ay P-O-W-T-E-C. powtek!

RJ said...

utak munggo,

hahaha! ganun ba, maraming salamat. link rin kita. =D

RJ said...

tito rolly,

first time ko lang kasi ma-prick ng sinasadya kaya nagulat pa ako. nakakatakot kapag regular basis mo na ginagawa dahil kailangang magtest. ngiii. hehehe.

ang tingin ko sa mga pagkain ay okey lang at worth it naman. marami rin naman kasing serving, hindi lang pangisahan kumbaga.

RJ said...

islander,

oo nga losyang na, kapag hinahawakan ko nga ay iba na ang nararamdaman ko. nyahahaha!

RJ said...

brother utoy,

salamat sa pagtambay. hehehe. wala akong kinalaman diyan sa word verification na yan ha! =D

Dakilang Tambay said...

macho! hehehehe!

daddy.. kelangan namin makita ang bebe mo ha. :)

ipanema said...

kakainis yung medical ano? daming tusok tusok. mabuti di kayo palitan ng dressing gown sa x-ray room ng mga bangladeshi, et al. yikes! na try ko na kasi yan sa ibang bansa...asus! :)

pero ok yung ginawa ng gym nyo. check-up muna to see kung fit ka nga.

RJ said...

mia,

atat na nga akong makitang malaki na ang tiyan nya eh. hehehe.

RJ said...

ipanema,

hay naku sinabi mo pa, walang katapusang medical. buti nga nung nagx-ray kami pinahubad na lang kami at wala nang palitan ng damit. sagwa naman kung ganon din sa babae. hehehe.

Anonymous said...

5'10" 175lbs.hmmm.medyo chubby n nga.
gudluck sa gym at sa liga.

bopis na Php200+ ang mahal!

RJ said...

kuri,

oo chubby na, pag nagsasabon ako sa paliligo, nahohorny na ko. HAHAHA biro lang. =D

ulam pa lang yun pare, di pa kasama ang kanin at sopdrinks. hehe.

PoPoY said...

natawa ko sa "parang dodo ng cow" hahaha.

first time ko bumisit dito sa blag mo ardyey, tama ba ?? hahaha

RJ said...

popoy,

siguro meron ka ring dodo ng cow kaya ka natawa ano? hehehe.

salamat sa pagdaan parekoy. sana makita kita ulit dito. =D

Anonymous said...

may kamayan pala dyan at ang sarap ng kinain mo ha, miss ko na ang pagkaing yan hehe! ikaw ba yung nasa video? :) gudlak sa iyong pagbubuhat at sa darating na liga.

*napadpad po galing sa blog ni ms maru. :)

Anonymous said...

hanep sa 3 points swak na swak. take 1 lang ba yan sa video? ahehehe. tol may tag nga pala ako sa iyo kung may time ka lang.

Anonymous said...

ang tagal ko inisip ang siko, opposite ng regal.

taena!

:D

RJ said...

missymisyel,

hindi ko alam kung branch talaga ng kamayan yung nandito, tingin ko ay hindi. dugyot kasi eh. hahaha! siguro ginaya lang nila ang pangalan para maka-attract ng customer.

yup ako nga iyong nasa video. noong 2005 pa yan. hehehe. salamat sa pagdaan. bibisita rin ako sayo. =D

RJ said...

madbong,

actually take 2 ang kuha na yan pare, hindi kasi gaano maayos ang camera kaya inulit. pero same result naman. hahaha! yabang. salamat sa tag. =D

RJ said...

kingdaddyrich,

sayo ko natatawa hindi sa joke. hahahahaha! taena nga! =D

Panaderos said...

Basketball tayo minsan, Pards. Favorite exercise ko iyan aside from long-distance walking.

As long as ok ang exercise mo, mame-maintain mo pa rin ang pagiging daddylicious mo kay Misis.

Ingat nga lang at huwag sobrahan ang exercise at baka kasi pati mga syoke eh mag-laway sa iyo.

RJ said...

panaderos,

iyan ang hindi ko pa nasasabi sayo pards, na kilabot din ako... mga bading nga lang. bwahaha!

masarap magbasketball, sa sobrang kaadikan ko nga nagkakagalit pa kami ni tabachoinkchoink ko minsan eh. hahaha!

Anonymous said...

whahaahha!!! health consious talaga? yngat lang sa pagpapaka macho, baka arabo ang kumursanada sau, ngaikz!!! hehehehe!!!

naaliw naman ako sa pagbabasa...
minsan pasyal ka naman dun sa bilihan ng shawarma... nalimutan ko na ang pangalan ng place eh.. i-research ko ulit...

tayo ng mamasyal sa sealine or magcrabbing sa Dukhan... nyahahhaha!!!

wala lang... link po kita ah... nawiwili akong magbasa eh.. :D

RJ said...

shayleigh,

salamat sa paglilink at thank you din naaaliw ka. masarap sa pakiramdam kapag may natutuwa sa gawa mo, although hindi naman talaga ako nagpapatawa. hehehe most of my entries eh ang mga nagaganap sa aking buhey buhey.

mukhang mas madami ka pang alam dito kaysa sa akin ah, wari ko dati ka ng taga-dito. hehehe. turuan mo na lang ako ng mga dapat kong maenjoy dito. hehehe. salamat ulit. =D

Anonymous said...

waaah!!! hindi naman, madami na din akong hindi alam, madami na ding nabago... kasi noong anjan ako, nagsisimula pa lang sila mag ayos para sa gaganaping seagames... ngaun, tapos na seagames.

may kaibigan ako, sa tanda ko, jan din sa may Ras Laffan ang accomodation, nasa bakasyon lang ngaun next month ang balik.

wala lang, abangan ko lang ang kwento mo sa nagaganap sa ung buhey buhey... :D

RJ said...

shayleigh,

oo madami ngang under construction sa doha, dahil sa olympics naman ang target nila sa 2016. astig. hehehe.