nung isang araw, habang may ginagawa ako sa banyo (naggugupit ng buhok, taas at baba), naririnig ko ang palabas sa tv sa kwarto. jessica soho reports ata iyon sa gma pinoytv ang palabas. ang episode kasi ay tungkol sa isang ostrich farm na patok ngayon sa may opol, misamis oriental. pwede daw kasi itong sagot sa food crisis dahil bukod sa mura lang ang pagpapakain nito, pupuwede itong mangitlog hanggang 100 piraso sa isang taon. at malaki syempre ang karne nito at maibebenta ng php400 hanggang php600 kada kilo. natawa lang ako nang interviewhin ang isang nakatikim na ng karne ng ostrich, na parang ganito ang sinabi:
babae: malinamnam siya, para kang kumakain ng karne pero ibon.
karne? ibon? kain? nagbunga na yata ang pagkahilig ko sa pagtingin at panunuod ng mga hubong larawan at pelikula nung bata pa ko (at ngayon pa rin), natawa kasi ako sa sinabi ng babae. ibig sabihin, iba ang naisip ko nung narinig ko yun. tsk tsk. kailangan ko na yatang kumunsulta kay margie holmes.
Saturday, May 24, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
22 comments:
anuvah insan! kulang ka na yata sa alam mo na.. bwahahaa!! tiis tiis...
go, kunsulta na kay margie holmes bago pa lumala ang sitwasyon.. ikaw kasi, mahilig ka yata kay freud nuon, eh.. ayan tuloy lahat na lang ay symbolism ng alam mo na sa paningin mo.. ahahhaa!!
peace insan!
may kinalaman ata ang banyo, pag gugupit mo ng buhok (sa taas at baba), at ang mga salitang karne, at ibon..
eto lang trick jan para mas tipd at di ka na kumunsulta.. mag isip ka ng WAR, BLOOD, MURDER, AGING, FAMINE, MAHAL NA BILIHIN.. tignan natin kung kailangan mo pa si dra.. ahahaha..
goddess,
anong kulang ka jan?! talagang wala. tag-tuyot. hahaha! naaalala ko yung sa '40days ang 40 nights without sex', nung malapit na sya sa ika-40th eh nagdidiliryo na sya at lahat ng babae na makasalubong nya eh nawawala na ang damit. hahaha! =D
damdam,
oo nga mahal ang magpakusulta dun, kaya sa column na lang nya sa abante ako susulat, pero itatago ko na lang ang pangalan ko bilang RJ. hehehe. libre pa.
hala!!! anu yang naisip mo??? tsk tsk..
actually, normal lang yan!! ganyan din ang naisip ko nung nabasa ko yung sagot nung babae.. haha! joke lang!
linglingbells,
huuu! kunwari ka pa. nilagyan mo pa ng joke sa huli. hahaha! kala ko pa naman may kasama na kong iba ang naiisip. hehehe.
kung gamitan ka pala ng word association ng isang psychiatrist, medyo freudian ang dating no?
tito rolly welcome back!
naaalala ko tuloy si bab sa pugad baboy, nagpakunsulta sya sa psychiatrist na nagpapakita sa kanya ng mga ibat ibang pictures. kahit plain white lang ang nasa picture eh related pa rin sa sex ang naiisip. mas matindi na yun. hahaha!
tsk tsk... walandyo bigla ka yatang naging disyerto ah hehe
hala ka baka pagmakakita ka ng camel dyan iba na rin maisip mo....heheh yun daw kasi ang parausan ng mga arabo...lol
bastos! para ibon lang e iba na naiisip mo! anokaveh gurl. hmmm. minsan, magpaka-demure ka naman! hahahaha
kaya ka nagtatae e, kung anu-anong iniisip mo. tiis lang, may kamay naman e.
chrone,
disyerto... dry na dry. hahaha!
islander,
sosyal na ang mga arabo parekoy, lalaking makikinis na lang ang tinitira nila. hahaha
insan jeck,
kailangan lang lagi magrelease, iba ang epekto sa utak kapag naipon. nyahaha!
kuri,
anong kinalaman nun sa lbm? hahaha!mag-aalaga na lang ako dito ng pusa.
anuveh RJ, tsk pasunurin mo na si esmi mo jan
lyzius,
bat ba nauso na yang anuvah gurl baklush chenelyn na yan. hahaha! pasunurin? hindi pwede eh, juntis pa si misis. hehehe.
tsk tsk tsk.. miss mo na talaga.. ahahhaa..
e di ba meron naman tayong tinatawag na sariling sikap?? ghahahah
oi may bago akong blog, nawawalangblogger.blogspot.com :D
ayz,
eh mas masarap syempre yung may ibang 'nagsisikap' para sayo di ba? ;P
i'll update my links. hehe.
Huwag kang mag-alala. Ayos lang iyan, Pards. :D Pareho tayo ng mga hilig at kaya rin minsan eh pinipigilan ko na lang na matawa sa mga naririnig ko sa mga babae. Pero may mga sandali rin na hindi ako makatiis at napapahalakhak ako sa harap nila. Siyempre batok ang inaabot ko pag nangyari iyon. :D
Huwag ka nang sumangguni kay Dr. Holmes. Baka mahal ang singil noon at hindi naman talaga problema iyan eh. Marami tayong ganyan. Hindi nga lang umaamin ang iba. Bwahahahaha!!!
panaderos,
hahaha! oo nga, alam kong marami tayong ganyan na nagkalat pero mahirap lang talaga maamin. kumbaga eh sinasarili na lang. hehehe
Post a Comment