Thursday, May 1, 2008

and i'm thankful every day, for the gift

i just received a gift from maywanenonli, a wenger swiss army knife. bakit ako ang binilhan nya eh siya itong kaka-birthday lang? at di hamak na malayo pa ang birthday ko, pero nung napadaan kami sa swiss shop sa sm north edsa, ibinili nya ako. sabagay paalis na nga pala ako, baka pa-birthday nya na to sakin kasi baka di ako makauwi sa birthday ko. hehehe. thank you mahal. tsup!

worth it naman ang magkaroon ng ganito lalung lalo kapag emergency. lagi mo lang syang dadalhin at kapag nangailangan ka ay madami kang option na pupwedeng gamitin. sa model na pinili ko, meron itong: blade, toothpick, cork screw, can opener, bottle opener, screwdrivers (flat-head at phillips-head), nail file, scissor at plier.

heavy duty rin naman ito dahil natatandaan ko pa nung bata pa ako, meron nang ganito ang daddy at hanggang ngayon buhay na buhay pa rin. beterano na sa samu't saring pagbubutingting.


eto ang problema.

nahihirapan akong ilabas ang bawat piyesa dahil sibak-sibak ang kuko ko. matagal ko na kasing sakit ang pagku-kutkot ng kuko kaya sobrang iiksi nila. matagal ko na itong sinusubukang alisin pero bumabalik din. (parang pagjajakol, nakaka-adik)

ngayong araw na to, magsisimula ulit akong mag-rehab ng sarili ko para hindi na kutkutin ang kuko ko. gagamit na ko ulit ng nailcutter, pramis.

14 comments:

Panaderos said...

Matibay talaga ang Swiss Knife. Iyong sa akin eh 1990 ko pa binili at hanggang ngayon eh matalas pa rin ang kutsilyo niya. Walang purol.

Tungkol naman sa pagkutkot mo ng kuko, tulad ng alam-mo-na, hindi tuluyang mawawala iyan. Hahaha

Ingat, Pards. :)

Anonymous said...

ginagamit ko yang cork screw ng swiss knife.

meron din ako nyan pero nakalimutan ko na kung saan ko nilagay. makakalimutin kasi ako.

RJ said...

panaderos,

alam mo ba kung may kaibahan ang quality ng victorinox at wenger? late ko na lang nalaman na meron palang wenger, victorinox lang kasi ang alam kong brand.

tungkol sa pagkutkot, kapag napahaba ko na ang kuko, natitigil ko ang pagkutkot. pero merong time na nakukutkot ko ulit lalo kapag nagiisip nang malalim at kinakabahan.

RJ said...

mari,

corkscrew din talaga ang dahilan kung bakit ako bumili, lagi kasing walang pambukas ng red wine kung kinakailangan. hehehe.

Dakilang Islander said...

magamit mo na rin yan sa qatar self defense sakaling may arabong mang harass sa'yo..heheh

The Gasoline Dude™ said...

Ingat na lang ang mga taxi driver na manyak pagdating mo ng Qatar, kung ayaw nilang masaksak ng Swiss Knife. Nyahaha! = P

Insan, pakita ka naman ulit bago ka umalis.

Anonymous said...

bagay yang swiss knife sa pupuntahan mo! =)

Self defense kaagad. dyuk.

RJ said...

islander,

nag-upgrade na agad ako. ang balak ko kasi tinidor lang ang lagi kong dadalhin. ahehehe. =D

RJ said...

insan,

di naman ako kaakit-akit. type nila yung mga makikinis na mala-labanos na lalaki. hahaha. =D

RJ said...

coldman,

ang lalakas nyong manakot! waaaaah! hahahhahha! =D

Panaderos said...

Hindi ko nasubukan ang Wenger, Pards. Thus, hindi ko alam kung ano ang performance niya at kung kasing husay o mas mahusay siya sa Victorinox. Victorinox kasi iyong aking Swiss Knife eh. Ayos pa rin ngayon, ang naging problema lang sa akin eh iyong gunting. Medyo na misalign na siya. Hindi ko na maayos. Pero maliban sa kanya, ayos pa rin iyong iba.

RJ said...

panaderos,

yaan mo pards, pag nasira agad ang wenger ko inform kita agad. hehehe. salamat. =D

ipanema said...

that's one good tool you know. gusto ko yan. pang boy scout baga.

happy weekend! :)

RJ said...

ipanema,

oo nga eh, kapag naputol ang daliri ko, pwede kong ipangulangot ang corkscrew. para exciting. hehehe.

happy weekend to you also. =D