9 hour non-stop flight to doha via qatar airways. ito ang pinakamatagal kong byahe sa eroplano. pero ayos lang naman kasi maganda naman ang entertainment service sa loob (wala nga lang live show. tsk). bawat seat kasi may sari-sariling monitor at pwede ka pang mamili ng gusto mong gawin. arabic, asian or internatinal na movies, music, tv show, documentaries, news. wide variety of choices. nakasakay na rin ako sa plane na ganito ang feature, pero 3-hour flight lang kaya di ko gaano naenjoy lahat.
una kong pinanood ang jumper, pero naburyo lang din ako kaagad kaya hindi ko na pinagaksayahan pa ng panahon.
lipat ako sa i am legend. same story. inantok lang ako lalo pero dahil wala ako sa mood matulog, lipat ako ulit.
ewan ko ba, sukang suka ako sa pagmumukha ni jinggoy estrada pero pinindot ko pa rin ang katas ng saudi. oo alam ko, napakajologs ko at wala akong taste. pero aaminin ko, naaliw ako. hehehe. hindi ko namalayan nageenjoy na pala ako sa panonood. and heres why.
20 years nag-ofw sa middle east ang tatay ko. binata palang sya, dun na sya tumatambay. in short, lumaki din ako na walang tatay. although umuuwi naman sya taun-taon, meron pa ring mga adjustments na ginagawa kapag umuuwi sya. saka parang may bigla na lang na stranger na lilitaw sa bahay nyo. ang hirap nun, nagtrabaho ka nang matagal sa malungkot at impyernong lugar, pagkatapos malalayo ang loob ng mga anak mo sayo. pero sa case namin, ilang araw lang, nakakapag-adjust na kaming magkakapatid sa kanya (dahil madami kaming pasalubong).
nang patapos na ang movie, napansin ko na lang parang mamasa-masa na ang mata ko (shiyet, ang jologs ko talaga). tinamaan ako doon sa dialogue nila shaina at jinggoy. asar na asar kasi itong si shaina sa tatay nyang walang manners kaya ikinahihiya nya ito, pero ipinamukha sa kanya ni jinggoy na ang taong ikinahihiya nya ay ang taong 10 years naghirap sa saudi na malayo sa pamilya, halos mabaliw sa kalungkutan para lang kumita ng malaki laki para makasabay silang magkakapatid sa agos ng buhay, makapasok sa exclusive schools, magkaroon ng mga astiging gadgets, magkaron ng mga kaibigan na alto sociodad (tama ba?) etc etc.
parang tabak na dalawa ang talim, nakakarelate ako. naranasan ko kasi ang maging anak ng isang ofw, at ngayon, ako naman.
Friday, May 16, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
19 comments:
goodluck sa panibagong yugto ng iyong buhay OFW. saglit lang yan. pagbalik mo dito, happy happy ulit tayo. hehe. Godspeed, insang RJ. hehe
jeck,
sanga nga saglit lang. hehehe goodluck din kay ms.attorney. ahehehe.
RJ!! umalis ka na pala! di man lamang namen nakabonding.. ay ako lang pala.. nameet mo pala sila jeck at alex bago ka lumayas :D
oi yngat lage dyan, tae ka! naiyak din ako sa post mo kahit na di naman ako anak ng ofw.. huhuh
ang cute ng pic nyo ni tabachoink! hehehe
ayz,
ganun talaga artistahin, busy sa mga commitments. bwahaha! naiyak ka ba? no match nga iyan sa mga pinagsususulat mo ano. hehehe
cute ng pic o cute kami sa pic? abah dapat lang. hehehe. =D
siguro na mi-miss ka na ni mrs....
anong bago sa mga kambal? : )
good luck jan!
hi mommy neens!
hindi pa ako umaalis namimiss na namin ang isa't isa. nung umalis ako eh ibinili ko sya ng gamot pampakapit daw sabi ni dok. may sumusundut sundot na sakit daw kasi sa puson at likod sabi ni mrs. pero nawawala wala rin naman. ang mahirap daw ata kung magkaroon ng spotting.
ang sweaaat nyo naman!!
nung buntis ako, umiinom ako everyday ng folic acid. very good daw yon for the development of the babies.
In about two months pwede nyo ng malaman yung sex ng mga babies nyo! EEE! Excited ako para inyo. I guess I'm re-living the old memories through you and your wife! hehe : )
Sana magkaroon ka ng pagkakataon na mahila na si Misis pagdating ng panahon. Eto ay para hindi na kayo magkawalay nang matagal.
Ingat ka at iwas din sa mga tukso diyan. Isipin na lang palagi kung ano ang mahalaga sa ating buhay. Kaya mo iyan.
ako rin anak ng OFW, 15 years din wala ang tatay ko.kaya ayun di kami masyado close. pero kahit ganun, pinahahalagahan ko ang mga paghihirap nya samin.
saludo ako sa mga OFW.kaya saludo ako sau pare!
mommy neens,
yup umiinom din siya ng folic pati ng supplements. pati ng anmum two times a day. basta lahat ng makakabuti, mabuo lang ng maayos. hehehe.
nakikita mo ba ang old you sa amin? buti na lang andyan ka para sa ilang tips. hehehe. salamat! =D
panaderos,
yun nga talaga ang plano ko talaga pards, ang magkaroon ng work na family status or mas mabilis na rotation. kaso totoy pa raw ako sa experience, pero alam kong hindi dapat madaliin at lahat ay may oras. =D
kuri,
buti naman mabait kang anak at pinahalagahan mo ang paghihirap ng tatay mo sa inyo. nabubuwisit ako kapag may naeencounter ako na mga anak ng OFWs na nagrerebelde kesyo wala daw silang tatay etc etc. umiinit ang dugo ko.
pauwi na ako dude sa may 30...after 14 months makikita ko na ulit mga anak ko...natatakot ako kala mo, di ko kasi alam kung anong magiging reaksyon ng mga bata sa akin lalo na yung bunso ko na 3 months old pa lang nung iniwan ko...masasaktan ako for sure na mas malapit sila kay nanay kesa sa akin...
lyzius,
everything will be fine wag kang matakot. naniniwala pa rin ako sa tinatawag na 'lukso ng dugo'...
ang lukso (ng dugo)
may pintig ng dam-damen...
pero hanga ako sayo, dahil nakaya mo na kay tagal mawalay sa iyong mga junakis. ingat sa pagbalik kabayan.
Haha! Leche kayo ni Chrone! Binabalik n'yo sa'kin ang mga alaala ng lumipas! Parang gusto ko tuloy panoorin ang Katas ng Saudi. (Kaso baka maiyak din ako.) = P
insan,
bakit? may nakaraan ba kayo ni jinggoy? hahahaha! =D
see..wag matakot tawaging jologs at minsan enjoy nman magpaka jologs...lol
dati nung pumasok ako sa kwarto ng kasama ko sa dubai na galing bakasyon sa Pinas pinanood yung dalang dvd movie ni Aiai..una kong hirit ay ang jologs nyo nman pero ang ending ako may pinakamalaks na tawa habang nanood..hehh
oo nga, minsan masarap isambulat ang itinatagong pagkajologs. hehehe mahirap ang nagpapanggap. masarap magpakatotoo. hehehe.
Well said.
Post a Comment