Monday, May 5, 2008

pagka't tayo ay parang singaw lamang

nakipaglamay kami ni misis kagabi doon sa anak ng kanyang pinsan. kung nabalitaan nyo kamakailan lang yung aksidente isang lalaking 26y/0 nakamotorsiklo na nahagip at nakaladkad ng bus sa may a. bonifacio, caloocan, iyon yon. 1:00am nang mabangga at mapailalim sya sakay ng kanyang motor ng rumaragasang bus at masagasaan ang kanyang ulo.

nang makita namin ang kanyang labi sa kabaong, ay malayong malayo na ang itsura nito sa picture. pinilit na lang kasing buuin ng punerarya ang ulo nya dahil balat na lang ang natitira sa tindi ng pagkakadurog. ang sabi pa nga, yung kilay nya ay artificial na lang dahil nawala na.

ganyan ang gawain ng karamihan sa mga bus drivers dito sa pilipinas, ang tuluyan nang patayin ang tao kapag ito ay aksidenteng masagasaan. syempre nga naman, kung mabuhay pa ang biktima ay sagot pa ng operator ang danyos at hospital bills ng biktima hanggang ito ay gumaling. kaya obvious din na ito ang orientation ng mga operators sa kanilang drivers. hindi ko naman nilalahat, pero ganito ang karamihan. karaniwan na ang ganitong kaso sa pilipinas. nataon lang na kamaganak ng aking misis ang huling biktima. sa mga driver, hindi ko alam kung pano nyo nasisikmura ang gumawa ng ganito. nakakarimarim kayo. tanginanyo!

kapag napupunta ako ng mga lamay, nakakapagmu-munimuni ako kung gaano karupok ang buhay ng isang tao. sabi nga sa bibliya, tayo ang singaw lamang sa mundong ito na sumusulpot at pagdaka'y napapawi rin. totoo, sa isang iglap, hindi mo alam kung ano ang mangyayari sayo. nandyan ang mga kriminal sa tabi tabi, nandyan ang sari saring sakit, nandyan ang mga aksidente. meron nga, natulog lang hindi na nagising. napakarupok ng buhay ng isang tao kaya napakadami nating dapat ipagpasalamat sa araw araw na tayo ay buhay.

death in a family ang pinakamalaki kong kinatatakutan. hindi ko alam kung paano ko ito matatanggap. panganay ako sa dalawa kong kapatid, graduate na sila at nagtatrabaho na. si mommy at daddy ay malakas pa. everything is perfect so far. pero alam kong darating din pagtagal ang bagay na pinakatatakutan. ayokong isipin pero alam kong mangyayari, sana sobrang tagal pa.

nakikiramay ako sa pamilyang embuido, alam kong napakasakit mawalan ng minamahal sa buhay. panalangin kong maka-recover kayo agad sa pagkawala ng inyong panganay.

20 comments:

lethalverses said...

aww syet, tangina nga nila pre...

nakikiramay din ako sa pamilya embuido...

ayzprincess said...

ako rin ay nakikiramay sa kanyang pamilya

adeodatus said...

nakikiramay din ako pre. medyo related tong post mo sa recent post ni sir batjay. ang buhay nga naman ng tao. greatest fear ko rin ang mawalan ng minamahal sa buhay. i always pray na sana rin matagal pa at kayanin ko.

-jeck

Lyzius said...

grabe...condolence din... embuido ba? me classmeyt kasi ako nung high school rommel embuido..baka relative nyo yun?

teka dami naman gamit na blog ni jeck...sya rin ba yang adeodatus na yan?

pb said...

nako naman. actually kinabahan ako nun, nabalitaan ko, napanod ko sa tv. taga caloocan kasi x ko at nag momotor din sya. owe well... sa heaven naman namamatay ang mga naaksidente eh. feel ko lang yun. ganun talaga ang buhay. wag ka alala... kung sino man ung driver, kung naniniwala sya sa karma eh pamilya nya kakarmahin, hihi.

rolly said...

Please extend my condolences to the bereaved.

Totoo nga kaya ang ating teoriya tungkol sa payo ng mga operators? Narinig ko na rin kasi yang ganyang pananaw. Kung ganon, hindi ito aksidente kundi murder. Sana mali tayo ng sapantaha no?

Panaderos said...

Pards, nakikiramay ako sa iyo at sa Misis mo sa pagkamatay ng kanyang pamangkin.

Tama ang sabi ni Rolly. Kung ganyan nga ang turo ng mga operator sa kanilang mga driver, then that could no longer be considered as a simple accident. Instead, both the operator and driver should be charged with pre-meditated murder.

If that's how low those people have become, then malapit na sigurong magunaw ang mundo. Matinding kademonyohan na iyan.

The Gasoline Dude™ said...

Hindi ko alam ang buong kwento nyan, pero tanong ko lang Insan: Naka-helmet ba yung naaksidente? Talaga kseng napaka-delikadong magbyahe gamit ang motorsiklo, lalo na 'pag gabi. Me mga nagmo-motor din kse na mayayabang magpatakbo na akala mo kung sino. Kaya malapit din sila sa disgrasya, lalo na yung mga hindi naka-helmet.

Pero nakikiramay din ako Insan.

RJ said...

LV,

salamat at sinamahan mo ko sa pagmumura sa mga hinayupak.

RJ said...

ayz,

wawa nuh?

RJ said...

insan jeck,

oo nga medyo related, sakto rin naman kasi na nakipaglamay kami kagabi kaya nakapagnilay-nilay sa buhay buhay.

RJ said...

lyzius,

di ko kilala yun. actually, hindi ko rin kilala itong si jeffrey embuido, nagulat na lang ako ng sabihin nila na kamaganak pala nila yung naaksidente.

yup, yan din si jeck, kung ilan ang blog nya, ganun din kadami ang babae nyan. hirap kasi ng gwaping. hehehe. =D

RJ said...

pb,

sa tuwing nanonood ako ng tv at nakakakita ng mga hinyus crimes, lagi ako nagpapasalamat kapag hindi ko kaanu-ano ang nabibiktima.

tungkol sa mga salarin, tingin ko eh wala nang pinapaniwalaan ang mga ganon, kaya kahit takutin mo ng karma eh wa epek.

RJ said...

tito rolly,

actually kagabi ko nga lang din narinig yang theory na yan sa lamay, at napagisip isip ko na may logic ang nasagap kong tsismis. sana nga, mali tayo.

RJ said...

birthday boy panaderos,

dapat din siguro baguhin ang batas tungkol dyan. kasi ang alam ko, magbabayad lang ang operator ng pang-piyansa sa driver tapos back to business na ulit. ewan ko lang di ako sure. totoo, madami nang matitinding kademonyohan sa mundo.

RJ said...

insan GD,

yun lang, wala ngang helmet yung biktima. pero kahit na, kahit hindi ulo ang maipit ay nuknukan naman ng sakit ang mararanasan mo sa pagkakaipit o pagkaka-kaladkad, nakakatakot pa rin.

tungkol dun sa mga mayayabang na kala mo kung sino humarurot, minsan sana sila na lang yung nasasagasaan para magtanda. parang gusto ko magkaroon ng deathnote. =D

Anonymous said...

ganun din yung mga bus sa cebu...mas gustuhin pa nilang mamatay yung nasasagasaan. mga walang puso!

RJ said...

islander,

kaya dapat, doble ingat lagi. ingat ikaw sa scooter mo pare. hehehe.

wala silang puso, dahil saging lang ang may puso.

Anonymous said...

Ma tagal tagal na since the accident.

Di ko alam kung paano ako nakarating sa blog mo and seeing his name here. Anyways, Jeff is a great guy, ang laking kawalan nya sa mundo. My friends and I misses him a lot especially cind... I do hope na tahimik na soul nya...

Nakakapanghinayang lang na maaga syang kinuha... Thankful ako at naging kaibigan ko sya...

-wreckz-

RJ said...

wrecks: salamat sa pagdaan at pagcomment. at least alam kong may nakakabasa pa ng sinulat ko tungkol kay jeffrey.

di ko nakasama si jeffrey, pero kamaganak sya ng misis ko. nakakabuwisit lang, yung mga killer buses na yan ang dami nang naging biktima. at halatang halata kung paano ang kanilang SOP kapag may nasasagasaan.

im sorry for your loss of a great friend.