heniweighs, maluwag, malinis, at kumpleto sa gamit naman ang 2 bedrooms na flat. may queen sized bed, cable tv, washing machine, refrigerator, microwave at utilities. may provided pa na mga grocery items na gagamitin ko sa loob ng kulang 1 week na nasa loob ng room: cereals, coffee, milk, sugar, creamer, tea, drinking water, soup, tissue papers, shower gel at shampoo. oha, saan ka pa, ngayon lang ako napamper ng ganito na pati groceries eh nasa kwarto mo na. parang vip.
meron lang akong hindi ko magets nung una sa restroom kung para saan iyon dahil ngayon lang ako nakakita ng ganito. nasa tabi ito ng kubeta, pero naalala ko yung mga kwento kwento na ang mga arabo o mga indiano ay mahihilig maghugas ng paa sa mga lababo sa mga public restroom, kaya naisip ko ito siguro yung ginagamit nila sa paa nila. sosyal. may sarili pang bathtub.
pero naisip ko rin na pwede rin pala itong gamitin panghugas ng bayag at puday. uupo ka lang facing the wall at bubuksan ang gripo, at presto! heaven ang pakiramdam. pero baka hindi mo rin kayanin umupo kung maiisip mo na mga paa ng mga arabo o indiano ang naliligo diyan.
36 comments:
oi, andyan ka na pala... naks! feeling close! mag-ingat po palage.
salamat goddess! ok lang naman, sige close na tayo. hehehe. =D
ihian yan RJ...ahihihi... alam mo me kasamahan kami sa bahay me kakatawang experience sa ganyan nung nag exit sa oman... jan sya tumae, tas nung tapos na saka narealize na walang dadaanan ang tae, kaya ang ginawa nya dinakot at nilipat sa bowl yung tae nya... tas saka na lang hinugasan yung mga nakakapit na natira...
buhay hari ka jan men...luxury na yan kumpara sa dubai...wish ko lang sa ganyan ako tumira...ahihihi..
Hi, hindi mo poh ako kilala pero kilala po ako ng kaibigan mo si Lyzius, aba kaibigan maari mo po ba ako isama dyan? Dito po kasi sa dubai Bihira ko po yan naranasan, pero kahit paanu nakaka-survive panaman, Baka may opening naman po kayo? hahahahahhahaha...Visit my blogsite din po...vonerkrams.multiply.com or yung isa vonerkrams.blogspot.com hindi pa tapos paunti-unti...na hawaan nalang po ako ni Miss Lyzius, sa blog nya....Hope to see u soon
krams
nyahahaha..nagcomment nga si mark anthony fernandez...ahihihi
ayos ah. hindi mo alam yung al-ameen? hmmm. kaya siguro ganun yung pangalan eh kasi kailangan mo talagang alameen. niyek! kornikova na naman. hahaha!
ganda ng flat mo. ayos na ayos ah. matanong ko lang, ano yung puday? baka may pic ka dyan, patingin naman. hahahahaha!
lyzius,
nakanangpotekka! lintik ang kwento mo! lintik! panalo! hahahaha. buti hindi nya tinunaw sa tubig yung tae at sinubukang pagkasyahin sa butas. parang milo na namuo sa baso. hahaha!
teka dont be fooled, 1 week experience lang ito at bukas ay aalis na rin ako dito. hehehe. tignan natin kung maganda ang lilipatan ko. =D
hello vonerkrams!
welcome to the blogging world! masaya dito, masarap magubos ng oras. hehehe.
kung gusto mo magtry dito, subukan mo iemail ang cv mo dito: dona.mbc@gmail.com, address mo kay ms. dona deocariza, tanong mo kung may opening pero sa pagkakaalam ko ay marami. sana ay nakatulong. salamat sa pagbisita.
nagmamahal,
doktorlab
insan jeck,
nyaaah! al-ameen! bat di ko naisip yun. yun na pala yung clue. hehehe di pala ko pwede maging detective. hehehe.
tungkol naman sa tanong mo, ang puday is short for 'pusa ni inday'. sorry wala akong picture eh, pero 100% sure akong nakakita ka na nyan kasi meron ka na ngang cheesynini eh. hahaha!
lyzius ulit,
salamat sa knowledge power. buti ay sinabi mo kaagad sa akin na ihian pala yun, muntik ko nang itambog ang paa ko para maghugas. yaaaaaak! hahaha!
bro, bidet ang tawag dun. para hugasan ng private parts
solo mo lang yung flat na yun...ayos ah...
madbong,
salamat sa info. baka nga ihian at hugasan na rin at the same time. iihian na paupo ang style. now i know. =D
islander,
may kasama akong senior HR ng company namen, pakistani/iraqi national sya. pero lagi din syang nasa office kaya ako lang naiiwan dito sa flat. kahit maglakad lakad ako ng nakahubo ay ayos lang. =D
ganyan talaga sa mga ganyang countries.. provided lahat.. sabe rin ng friends ko.. hiwalay pa ang sweldo sa living allowance at home allowance.. o di ba?!
sama mo na si tabachoinkchoink mo dyan! kasya na kayo sa bahay o! :D
ayz,
yup provided lahat. walang gagastusin. pero itong ganitong flat ay temporary lang. lilipat na ako ng site mamaya. hehehe.
isama ko si tabachoinkchoink kapag okey na yung kambal ko. hehehe. =D
sarap namang maghilamos dun sa may inidoro. lol
Pero first time ko ding makakita nun. weird.
Ingat dyan. =)
coldman,
pwede ka rin mga mag-alaga dun ng goldfish o kaya carpa, or tilapia. hehehe.
ayos pare buhay hari!hehe.
ihian pala yun ayon kay mareng lyzius.ang kulet!
naalala ko lang ung pelikula ni rene requestas,ung tumae sya sa lababo sa banyo kasi may gumagamit ng kubeta.
baboy!
ngaun lang din ako nakakita nyan dhil ndi nman yan common dito sa pinas...makapalgay nga din ng ganyan sa bahay...hehehehe
pero sosyal ang flat ha...alagang alaga pla dyan...sila na ang magprovide ng bahay...ayos!!!
Huwaw! Andanda ng flat! Ikaw lang dyan, walang ka-share? So pwedeng mag invite ng mga nakatira sa aquarium? *LOL*
luffet ng accomodation ah! Panalo! :-)
kuri,
rene requiestas ampf! hahahaha! ambaboy nga! iniimagine ko pa lang natatawa na ko! hahaha!
emoterang nurse,
hindi na kailangan magpalagay nun. pwede naman umihi sa mismong toilet eh, lagyan mo na lang ng tilapia pwede pa. para malilibang ka sa pamimingwit habang jumejebs.
insan GD,
meron akong kashare na pakistani/iraqi national na taga-company rin. dun sya sa isang bedroom. nung isang araw nga pagdating ko ng bahay ay patay ang ilaw, tapos meron kandilang nakasindi. akala miyembro ng mangkukulam ang kasama ko, tapos may nakita akong 'abaya' sa sala, pinapunta pala sa bahay at inupakan sa kwarto nya ang syota nya. hahaha!
apol,
temporary lang iyan dude. aktwali nakalipat na nga ako at nandito na ko sa permanenteng kong accomodation sa site. hehehe. =D
galeng mo huh? very nice transition from sing to qatar. oh, ayan, ganda ng housing mo. maganda work mo at big co siguro employer mo kaya ganyan. maswerte bebe mo!
sige ingat at pagbutihin ang work.
pucha, libre porn pala jan sa roommate mo! ahahaha
ipanema,
doon lang pinapatira ang mga bagong dating habang inaayos pa ang entry permit sa site. ngayong ayos na, sa site na kami nakatira at hindi na diyan. hehehe pero ok pa rin naman yung ngayon, post ko sa sunod. =D
chrone,
pay per view pare, gusto mo? hahaha! =D
hanga ako sa imagination mo deud. wala akong masabi. hahaha!!!
hands down
wanderingcommuter,
salamat. hehehe. i just got by with a little help from my friends. hehehe.
Gusto ko ang significance ng pinili mong title para sa write-up na ito. I like that song and I think it's one of the underrated songs by our favorite band.
Nice to know that everything's coming along nicely for you, Pards. Ingat. :)
panaderos,
tugma kasi talaga yung title sa gusto kong iparating, it wont be long talaga kasi lilipat din ako ng bahay. hehehe.
panalo ung hugasan ng paa/bayag hahahaha
toxiceyeliner,
wat da pak?! ngayon ko lang napansin itong comment mo, anong petsa na? june 4!!! hahaha!
gomenasai!!
Post a Comment