Wednesday, May 7, 2008

i am now entering a new chapter of my life


dear aking tabachoinkchoink,

pagkatapos na ilang failed relationships at pagkabigo sa mga nagdaan, at pagkatapos nating maging magboyfriend-girlfriend sa loob ng tatlong taon at apat na buwan, nagpapasalamat ako ng lubos sa itaas at ikaw na nga ang babaeng ibinigay nya sa akin para makasama sa habang buhay.

mamayang 1:30pm, ika-8 ng Mayo, magpa-pramis ako sa harap ni mayor gatchalian sampu ng ating mga pamilya, na mamahalin at aalagaan kita at ang ating magiging mga anak higit sa aking makakaya. isa lang itong maliit na seremonya, panata na kahit aalis ako ng pilipinas at magkakahiwalay tayo sandali, meron ka nang lalaking bakulaw na hihintayin sa ayaw mo't sa gusto. hehehe.

labs na labs kita. tsup!

38 comments:

chroneicon said...

wow naman! congrats sa inyo... kampay para sa mga ganitong okasyon!

chroneicon said...

OT, nakita mo si Nick Fury? di mo tinapos credits no? ako din hindi, pero andun siya, si Samuel Jackson gumanap :D

Mari said...

huwaw! best wishes sa inyong 2.

Panaderos said...

Ayos! Congratulations, Pards and may you both have many happy and blessed years together!

coldman said...

magpapatali ka na pala?!

congrats parekoy!
Best wishes!

I don't know about you but I'm Trishabiik. said...

sana di mo kamukha ang mga magiging pamangkin ko! hehe sana kasing kyut at bilog ni tabachoinkchoink mo :P

Lawstude said...

Ahhh. Congrats. Punong -puno ng pagmamahal ang blog na ito. Ayos.

Dakilang Islander said...

ngayong ikakasal ka na...*boses gary v**

congrats tol...sinigurado mo na ah para may mababalikan ka pa...hehe

Dakilang Tambay said...

wow.. congrats naman sa inyo.. :) paburger! :) hehehe

kurisujae said...

CONGRATULATIONS AND BEST WISHES PARE!

ayos yan!

rolly said...

congrats! Ngayon at pumasosk ka na sa magulong, este, masayang buhay, I'm sure, lalo kang magsisikap na makauwi parati at makaipon ng maraming pera. Kayang-kaya mo namang gawin yun at me maganda ka nang kinabukasan.

badoodles said...

welcome to da club ng mga 'the takens'. hirap isiping kelangang magkahiwalay kahit sabihing temporary lang. ako nga, pag nagbabalak mangibang bansa, naiisip ko pa lang na maiiwan si esmi, gusto nang tumulo luha sa left cheek ko. hehe...
anyhoot, pre, para sa umaatikabong honeymoon, cheers!

ayzprincess said...

wow!! kakainggit naman! kakasal na si rj! ang galing galing!!

congrats congrats sanyong dalawa!!

lethalverses said...

congrats parekoy!!!!

ano, maglalabas na ko ng baso? inuman na??!!

the donG said...

ayos ang tawag mo sa kanya. tabachoinkchoink. sweet na sweet. congratulations! just visited your blog at ito kaagad ang unang post.

The Gasoline Dude said...

Congratulations Insan! Meron ka pang hindi ina-announce dito sa blog mo. Hahaha! = P

emoterang nurse said...

ang tagal ko na pla di nakakabisita sa blog mo at ito ang una kong binasa...

COngratz!!!

nakakainggit naman ang post na ito... full of love kasi eh...:)

Best wishes...:)

neens said...

congratulations!!

i wish you a beautiful, strong marriage!!

Cheers to the future!

RJ said...

chrone,

salamat pare. itaas mo! hehehe. =D

hindi ko tinapos ang credit kasi ihing-ihi na ko nun eh. sa youtube ko na lang napanood. magkakaron pala ng kasunod ang ironman. astig. hehehe. =D

RJ said...

mari,

salamat! ;)

RJ said...

panaderos,

maraming salamat pards, masarap pala ang may suot suot na ring. ehehe salamat salamat. =D

RJ said...

coldman,

hindi pa ko magpapatali, gagawa pa ko ng bebis. hehhehe. salamat pards! =D

RJ said...

trishabiik,

tignan mo na lang ang mga mukha namin, parang archie alemana at mickey ferriols. wahahaha! wazzup wazzup!

RJ said...

lawstude,

salamat pards, tama ka, punum-puno at siksik, liglig at umaapaw. emen? emen! =D

RJ said...

islander,

salamat pare, sabihin ko next time ang reason bat kami nagpakasal bago ako umalis. hehehe. =D

RJ said...

dakilang tambay,

burger lang ba ang wish mo? sus! sasamahan ko pa sana ng Mc-chicken at spaghetti. hehehe salamat! =D

RJ said...

kuri,

salamat pare, ayos na ayos nga. =D

RJ said...

rolly,

tama ka jan tito rolly, ngayong meron na kong suot ng singsing, lalo ako naiinspire magtrabaho dahil meron na akong paglalaanan. salamat salamat! =D

RJ said...

badoodles,

kung maganda lang sana ang opportunity sa pilipinas, hindi na kailangang malayo sa mga mahal sa buhay. pero ganun talaga ang buhay buhay.

ayos ah, tuyot ba ang right eye mo at sa left lang ang tumutulo ang luha? hahaha. =D

salamat pards!

RJ said...

ayz,

maraming salamat. kanya kanyang kaloob yan, mapasingle or married. nagkataon lang na i met my most compatible partner in life. =D

RJ said...

LV,

sige, at oorder na rin ako ng crispy pata at sisis. sluuuurp! hehehe

salamat pare! =D

RJ said...

insan GD,

relax ka lang, meron ka pa ring hindi pa nalalaman na balitang kay ganda ganda talaga. =D

maraming salamat!

RJ said...

emoterang nurse,

tagal mo din kasi atang nawala at nakabakasyon ka. hehehe.

maraming salamat. =D

RJ said...

hi neens!

thank you very much!! thanks for dropping by. =D

RJ said...

the dong,

ikaw ba yung kumanta ng 'salamat' at yung 'iisang bangka'? hahaha. salamat pare. sana lagi kang visit. =D

I don't know about you but I'm Trishabiik. said...

mickey at archie? honga no! mas maganda pa si tabachoinkchoink kesa kay mickey eh.. ikaw hindi ka si archie alemanyak.. ikaw yung archie na boypren ni madam auring! hakhakhak

RJ said...

trishabiik,

madam auring's archie ampf! hindi ako kulot! hehehe.

trishie said...

Ayy. late ko nang nabasa.
Hmpf. Hehee. Huwaw naman. :D

CONGRATS!!!
Kulit naman ng last sentence. HAHA.