Thursday, May 22, 2008

Labis na naiinip, nayayamot sa bawat saglit

kagabi, tinamaan ako ng kaagad ng matinding homesick. nagtatae kasi ako. naka-walong balik ata ako sa kubeta para umebak ng walang katapusang tubig. para akong babae na umuupo sa kubeta para umihi. para akong umuutot ng pagkahaba haba pero tubig ang lumalabas. parang lahat ng lamang tubig ng tiyan ko ay bumuhos. lagi ko ngang tinitignan, baka mamaya dugo na pala ang umaagos. tapos parang wala pa akong panlasa. hinang hina ako at feeling ko eh gumaan ako ng 30 lbs. at dahil nga puro tubig ang inebak ko, natakot akong matulog. kapag dehydrated ka kasi, doon ang tendency ng bangungot. parang gusto kong umuwi ng pilipinas kagabi, parang gusto ko nasa tabi na lang ako ni tabachoinkchoink kahit wala na akong trabaho at pera. pero alam kong hindi pupwede.

nung nasa pinas ako, sinasabi ko sa sarili ko, maiksi lang ang 6 na buwan at makakauwi rin ako kaagad. pero nung nandito na ako sa qatar, lalo sa ganitong pagkakataong nagkakasakit, nasasabi ko na lang sa sarili ko, 'tanginang 173 days na yan'. miss na miss ko nang tabachoinkchoink ko.


gustu ko nang umuwi beybeh
di na ako sanay ng wala ka
mahirap ang mag-isa
at sa gabi'y hinahanap hanap kita aaaaah

* * *

umalis na ko sa al-ameen at nakalipat na ako sa totoong accomodation namin sa ras laffan industrial city. 15 minutes bus ride lang ito papunta sa construction site. saka ko na lang ipost dito ang pictures, dahil hindi ko alam baka bawal at may makakita, yari ako. hehehe. to put it into words, rectangular ang room na mayroong bathroom sa loob. provided naman ang cable tv (walang tfc, kapuso lang ang meron). walang kitchen dahil bawal magluto, fire hazard daw. kwarto at cr lang talaga. at syempre aircon (dahil mamamatay ka sigurado kapag wala). buti pa nga dito, wantusawa ang aircon. sa bahay namin sa valenzuela, 30 minutes lang dapat. Hehehe.

sa pagkain naman, merong mess hall na para sa mga pinoy ang kampo. kaya di gaano problema ang pagkain dahil pinoy ang cook. available din ang leafy salads and fruits, juices at ice cream. kumpleto din ang facilities tulad ng internet café, gym, basketball, volleyball at tennis courts, billiard hall, soccer field at swimming pool. lahat ng mga ito ay provided para maibsan kahit papano ang lungkot ng mga expat at meron silang pagkakaabalahan. ganito naman karamihan ang mga living village sa site, kung wala ang mga ito, naku, nakakabuang.

22 comments:

Panaderos said...

Mahirap din talaga na mawalay sa mga mahal sa buhay pero para rin naman sa pamilya mo ang ginagawa mo. Buti na lang at may mapaglilibangan ka diyan para mabawasan nang kaunti ang lungkot mo.

Buti rin na may internet dahil you can still communicate with her on a regular basis. Just imagine noong panahon ng tatay mo, puro sulat na dadaan sa isang post office sa atin. Suwerte pa kung makarating ang sulat sa bahay niyo in time. At kung minamalas pa eh, dudugasin o bubuksan pa ng mga demonyong empleyado sa post office. Hay naku.

Pasensiya na Pards at medyo nalihis sa topic pero you know what I mean. Ingat at magdasal ka lang lagi. Everything will be just fine. Get well soon. :)

RJ said...

kaya nga ako nahohomesick kasi nasa adjustment period pa ko. wala pa akong kakilala at kasama kaya nakakainip. pero in time dadami din ang kaibigan ko syempre. hehehe.

buti na nga lang at may internet, pero ang problema ay yung time difference sa pinas. 5 hrs advance kasi ang pilipinas kaya pagkauwi ko sa camp ng hapon, maghahating gabi na rin sa atin. saka wala pa nga palang internet si misis sa bulacan. yun pa nga rin pala ang problema don. ahehehe.

yan ang laging kinukwento ng daddy ko mula sa ofw experience nya. magpapadala ng sulat galing saudi, then after 2 weeks pa matatanggap ng mommy. tapos susulat ang mommy, after 2 weeks matatanggap ng daddy. 1 month bale bago magtanggap ang reply ampf! hahaha! kaya nga iniisip ko na lang din swerte at meron nang email.

thanks! =D

neens said...

napaka descriptive naman ang post mo hehehe

173 days will come and go before you know it. Stop counting kasi!

Saan sa Bulacan si Mrs?

My mom's side is from Garay..(tama ba yon?)

ayzprincess said...

naku! mamatay ka talaga kung walang aircon.. kawawa ka naman kung ganun :p

pero tama ka, maigsi lang ang six months, mukhang mahaba dahil miss mo ang mga taong mahal mo..

ganyan talaga ang site ng mga experts?? e di expert ka din?? heheheh apir!!

wow gusto ko ng ice cream at pool! heheh :D

Anonymous said...

hindi ko alam pero nakaka-relate ako sa homesick. nung na-assign ako sa Cebu dati at napalayo sa labidabs ko. akala ko rin kaya ko pero may mga gabing umiiyak na lang ako sa lungkot. dito lang yun ah, paano pa kaya pag sa ibang bansa. siguro, di ko pa kakayanin.
mabilis lang yan. isang araw, babasahin mo na lang din tong post na to katabi ni tabachoinkchoink mo.

madami rin bang masasarap na pagkain dyan?

Anonymous said...

30 minutes ka dyan eh magdamag nga bukas aircon mo! ako nakakatakas pwede 3 hours. hehehe i-huhug ko na lang si tabachoinchoink por yu.

Dakilang Islander said...

wahhh 6 months ks lsng pala dyan...saglit lang yun wag mo lang isipin masyado....

ToxicEyeliner said...

aww... buti na nga lang maaayos mga facilities at may mga makakausap kang kapwa pinoy kundi talagang nakakaloka...

kmusta naman diarrhea mo? ... nirereplace mo ba naman ung natatanggal mong tubig sa katawan? d maggng masaya si tabachoinkchoink mo kung gayan ka... =(

ayon... sana maging ok ka tol... para maging masaya rin kami =)

GODDESS said...

insan (feeling!), ramdam ko yang lungkot mo... ako nga, mga "kaibigan" ko lang sa pinas ang namimiss ko eh nagkakanda-buang ako, eh di mas lalo ka na at ang lab op yor layp ang naiwan mo dun.

konting tiis. para din naman sa kanila yang ginagawa mo, eh. good luck and congrats sa twins!!!

chroneicon said...

alam ko ang feeling pare. dati nasira din tiyan ko, may mga hitchhikers na pechay sa namamasang pagtatae ko. hapdi! demet! shit!

pasalubong pagbalik! :D

Anonymous said...

makakaya mo din yan .. sa paglipas ng panahon.. sa ngayon ganun talaga pero tamo.. mga one month keri mo na yan,,

RJ said...

mommy neens,

i want to stop counting but i cant help it. hehehe. taga sta. maria sila bachoinkchoink, magkaopposite lang ng daan pero pareho din ng daan. gets mo? hahahaha! lagi kami naliligo dati dun sa norzagaray, sarap maligo sa ilog doon eh. =D

RJ said...

ayz,

langya ka. binalikan ko pa talaga yung post ko kala ko expert talaga ang nailagay ko. hehehe. pero expert din talaga ako, saka ko na sabihin sayo kung saan. nyehehehe <=== ngiting dick israel

RJ said...

insan jeck,(parang injan jo hahaha)

ilang beses na nga rin kaming nagkakahiwalay ng landas ni bachoinkchoink ko pero kahit sanay na kami, may oras na nakakaiyak talaga kapag homesick. sana nga bumilis ang ikot ng mundo ngayon. hehe

madami din masarap kasi madami din pinoy stores at canteen. medyo mahal nga lang pero yun ang isang paraan para maibsan ang kalungkutan. ang kumain. hehehe

RJ said...

trisha,

eh nakakatulog ako eh, kaya hindi ko napapatay ang AC. excused na yun. hehehe

RJ said...

islander,

siguro kapag tagal tagal eh bibilis na rin ito. sa ngayon kasi adjustment period pa lang kaya medyo praning pa. hehe.

RJ said...

toxiceyeliner,

salamat ng madami, blogging really keep me sane during these times (pengeng panyo, nosebleed).

medyo ok na ako. tinigilan ko ang paginum ng tubig sa gabi na yun kasi pansin ko, kapag inum ko ng tubig, after 30 seconds eh parang may bubulwak na ulit sa pwet ko. conscious din ako madehydrate kasi minsan na akong nahimatay dati. mwehehe.

RJ said...

insan goddess,

ganun naman talaga ang buhay, punumpuno sa pagtitiis. iba iba nga lang tayo. pero kung ako eh lab op may layp ang tinitiis kong mamiss, tingin ko eh pareho lang tayo kasi may quotation mark yung 'kaibigan' mo eh. hahaha! =D

lab op yor layp = "kaibigan"

RJ said...

chrone,

petchay amft! hahaha! hirap talaga kapag diarrhea, kung hindi lang mamamanhid ang mga hita ko eh dun na ko matutulog sa kubeta para wala ng tayuan. todohan na. hahaha!

RJ said...

jennifer,

tama ka, kaya ko ito. ngayon lang ito. at lahat naman dumadaan sa ganito. salamat sa pagbisita ha. =D

Lyzius said...

ganyan din ang camp accomodation ng project namin dito...kaso nga lang pwede lang yan sa mga lalake... bawal ang babae sa kampo kahit taga jv rin...wala namang kampo para sa babae...at usual na nag aavail ng camp accomodation mga direct hire sa pinas...di kasi nila keri ang skwater feeling sa labas ng kampo additional pa ang uber taas na rental dito...

konti na lang yung 173 days...

RJ said...

lyzius,

kawawa nga kung nagrerent pa kayo, dahil malaki na nga ang rate ng mga housing ngayon, pati sa singapore pataas din ang trend. kaya humanda ka na. hehehe. sa camp namin halo din ang mga babae, kaya kanya kanya na siguro sila ng syota dito.