Friday, May 9, 2008

this is the greatest news i ever heard

april pa lang nang mag-file kami ng marriage liscense, at narelease ito after 10 working days. pagkatapos ay nagpa-schedule na kami ng kasal kay mayor win gatchalian ng valenzuela, at nangyari nga nung huwebes, May 8. pero bago ang mga ito, meron munang mas naunang mga pangyayari na sobra sobra naming ikinatuwa.

noong May 1, labor day, dahil sa di maipaliwanag na laging pagkakahilo ng aking tabachoinkchoink, sinubukan namin na magpregnancy test. bumili ako ng kit sa mercury drug (php145 doon, pero sa mga suking tindahan ay php38 lang pala). and voila! ang aking tabachoinkchoink ay nagdadalang tao na pala, its positive, ang sabi ng kit! nung una, shock si misis. ako naman, sobrang tuwa. hindi maialis ang ngiti sa aking mga labi.

oo xerex, i have an announcement to make. i will be a father soon! tot to roroooot!

May 7, miyerkules, nagpunta kami sa chinese general hospital para kumonsulta sa kanyang ob-gyne. pagkatapos magbigay ng kanyang urine sample si misis, pinahiga sya ng doktora juliet para sa pap smear. nagkakapa kapa si doktora, ang comment lang nya ay siguro daw, nasa 11 weeks na ang baby dahil enlarged na raw ang kanyang uterus. itkenatbi! dahil galing ako ng singapore at 6 weeks pa lang ako na nasa pilipinas. at 100% sure ako na hindi ako nasalisihan. so para daw malaman ang exact age ng sinapupunan, magpa-ultrasound daw kami sa third foor.

pagkatapos magbayad ng php1,130 para sa ultrasound, salang agad si tabachoinkchoink.

after 10minutes, ito ang resulta ng kanyang ultrasound:

eto ang itsura ng result ng ultrasound, itinabi kasi ni doktora ang kopya kaya iginuhit ko na lang.

oo xerex, i still have an announcement, i will be a father soon... of a fraternal TWIN!!

hindi ko alam kung anong klaseng saya ang bumalot sa amin that time. it is the greatest news i heard in my entire life! nakakapanindig pubic balahibo. ganito siguro ang nararamdaman ng bawat magulang na mageexpect ng baby. everyday theres a miracle talaga. isang himala kung paano nabubuo ang isang baby sa loob ng tiyan ng ina in 9 months.

pagkakuha ng results, balik kami kay doktora juliet para ibalita ang napakagandang balita. tuwang tuwa siya pati ang kanyang assistant na si liza. tuwang tuwa sya dahil hindi nya akalain na magbubuntis si tabachoinkchoink ko, at kambal pa!

noong 2002 kasi, ay inoperahan sa ovary si misis, polycystic achuchuchu daw kasi ang kanyang ovary, meaning, maraming cyst at mahihirapan syang magconceive. its such a miracle and its definitely God's gift to us.

6 weeks and 2 days ang isang fertilized egg, at 6 week old naman daw ang isa, meaning, pagkadating ko galing singapore ay nakabuo na agad kami pagkatapos ang umaatikabong aksyon. kaya ang sabi ni doktora juliet, extra care ang kailangan. pwede pa daw kasing mawala ang isa dahil high-risk talaga ang multiple pregnancy. or pwede din mawala pareho kung mahina ang kapit ng babies. at napagalaman ko rin, na karamihan sa mga multiple pregnancies ay premature births. kaya dapat doble ingat.

sa ngayon, pahinga muna si tabachoinkchoink ko. as in wala munang trabaho. bahay lang, bedrest. ako na lang muna ang kakayod sa abroad at sasaktuhin ko, pagbalik ko sa november or december, na nasa piling ako ni tabachoinkchoink sa paglabas ng aming mga anghel galing langit.

kung malakas kayo kay God, please include the babies in your prayers na sana, maging okey ang kanilang magiging development hanggang sa kanilang paglabas, pati syempre ang aking tabachoinkchoink, na sana manatiling malusog sa pagdadala ng aming nestle twins.

36 comments:

The Gasoline Dude™ said...

Hahaha! Ang galing kong manghula! Kambal nga! Woot woot! = D

Ewan ko ba Insan pero nang sinabi mo sken ang magandang balitang ito, sobra akong nasiyahan. Minsan naisip ko din na gusto ko na din magkaroon ng sariling anak. Mas maganda kse na hindi nagkakalayo ang agwat sa edad ng anak sa magulang. Pero sa ngayon, hindi ko pa kaya ang malaking responsibilidad. Saka na lang siguro.

Sa pagpunta mo sa ibang bansa, alam kong magiging malaking inspirasyon s'yo ang sunud-sunod na biyaya na dumadating sa buhay mo. 'Wag kang makakalimot na magpasalamat lagi sa Kanya. Hindi kayo pababayaan ng Diyos.

Ingat ka sa Qatar, Insan. Alam kong magkikita pa tayong muli. Salamat sa pakape kanina.

neens said...

wow! i can feel your excitement!! I'm so happy for you!!! I'm a mommy of beautiful twin girls too!! fraternal din...

congratulations!!! what a wonderful blessing.

batjay said...

congratulations sa inyo pare ko. that's really good news.

masaya ako para sa iyo.
jay

Panaderos said...

Congrats, Pards! Tunay na masaya at magandang balita nga ito! I'm very happy for you.

Paki-sabi na rin kay Misis na congratulations! Ingat at good luck sa inyong dalawa!

Anonymous said...

congrats sa inyong dalawa! ang galing, 2 agad ang baby nyo.

princess_dyanie said...

wow twins! congratz! ingatz kay wifey mo! :)

adeodatus said...

"meaning, pagkadating ko galing singapore ay nakabuo na agad kami pagkatapos ang umaatikabong aksyon." - eto yung highlight sa post mo eh! wahahaha!

congrats insan! masaya kami para sa inyo. salamat ulit sa pakape! si insan alex na lang ang di pa nanlilibre. wahehehe
-jeck

Lyzius said...

congrats at congrats kasi dalawa di ba? talaga bang magkaiba ang edad nung dalawang kambal?

naku ganyang ganyan ang ovary ko dude...yung panganay ko nga akala ng doktor cyst pa rin sa dami nyang kakambal na cyst..sa awa ni lord naka dalawang babies pa ako...

CBR dapat si esmi mo... complete bed rest..at bawal ang toot-toot at baka masundot...

Dakilang Islander said...

congrats bro may kambal ka na!

ayzprincess said...

congrats congrats!!! gusto ko din ng fraternal twins!!!

ang galing galing!! im happy for you and your wife and of course we will pray for you!! apir!!

ipanema said...

oi, congratulations! good news yan. alagaan si misis ha para ok ang pagbubuntis nya. tama yan, pahinga muna siya sa work.

congrats again! :)

ay, tamang tama greeting ko...Happy Mother's Day sa misis mo. :)

RJ said...

insang GD,

tama ka, mas maganda talaga kung hindi gaanong malaki ang age gap ng tatay at ng anak. pero dont worry, wag ka magmadali. lahat ng yan ay mangyayari in His time.

inspirasyon talaga ang magkaroon ng paglalaanan ng pagod at hirap sa ibang bansa. lalo siguro kapag lumabas na sila.

salamat at ingat din sa pagpunta mo ng singapore. =D

RJ said...

hi neens!

nakita ko nga rin sa profile mo na you have a fraternal twin daughters also. siguro makakahingi ako sayo ng mga tips sa pagaalaga sa buntis ng kambal. hehehe. maraming salamat! =D

RJ said...

boss jay,

maraming salamat pare. sobrang tuwa at excited lang ako kaya binulabog kitang dumaan dito. hehehe. salamat salamat! ingat. hehehe.

RJ said...

panaderos,

tunay na tunay pards. hehehe can't wait for november to come. =D maraming salamat!

RJ said...

mari,

maraming salamat. hinahanda ko na nga sarili ko sa pagpapatahan ng dalawang chikiting kapag nagsisiiyakan. parang mahirap. kawawa naman si misis kapag nasa abroad ako ulit.

RJ said...

princess dyanie,

yes, the next nestle twins. hehehe di ko pa nga lang alam ang gender. =D maraming salamat!

RJ said...

insan jeck,

may video din nga pala ako ng 'umaatikabong aksyon' baka gusto mo? hahahah!

naku abangan nyo na yang si insan GD, malapit lapit na yan! hahaha! =D

RJ said...

lyzius,

maraming salamat! yup, talagang magkaiba sila ng edad at ng size. ganun daw talaga.

madami ka rin palang cyst, buti hindi na naging sagabal sa development ng babies yun.

bawal na ang masarap??? akala ko kahit ika-9th month na eh pwede pa rin? o different ang case kapag kambal?

RJ said...

islander,

maraming salamat bro! sana makalabas sila ng maayos at healthy. =D

RJ said...

ayz,

maraming salamat sa prayers, kailangan talaga iyan.

gusto mo rin ng twin? ibulong ko sayo ang teknik. hak hak hak!

RJ said...

ipanema,

happy mothers day to you also. oo nga, complete bed rest nga daw muna. makikipag-tsikahan nga ako sa mga mommy para sa mga tips. hehehe.
maraming salamat!

Anonymous said...

WOHOOOOO! May maliliit nang RJ na tatakbo takbo sa bakuran ng bahay niyo! Congrats congrats!

dalawa agad o!

Anonymous said...

CONGRATS PARE!bull's eye!hehe.

Goodluck sa inyong dalawa.AYOS!

Anonymous said...

Kambal??
HOOOOWMAYGAWSH. hehe. :D
you're so lucky. wow!!

I'll pray for your babies and wifey. :) Malakas naman ako kay Lord eh. Hehe. :D Goodluck sa inyo.

emotera said...

wow kambal!!!blessing talaga yan...
congatz...:)
cute cute pa naman ng mga twins

sama ko yan sa prayers ko...


mas magiging inspired ka na nyan magposts sa blog at magwork abroad...ehehehe:)

Anonymous said...

huwaw! shooting two birds in one stone! hanep! isa kang malupit na shooter.

or i must say..

shooting two eggs in one bird!

ohmygas!


congrats!!! :Df

Anonymous said...

congrats parekoy! konting panahon lang fatherhood ka na din....pero sa case mo parang buy one-take one hehe.ipagdarasal ko na maging maayos ang pagbubuntis ng esmi mo.

RJ said...

hener,

aktwali, yung pangatlo ay still in the making, baka makahabol! hahaha!

RJ said...

kuri,

salamat pare, same to you. =D

RJ said...

trishie,

salamat sa prayers. kailangan talaga yun. kung talagang malakas ka, baka pwedeng ihabol na kamo ang pangatlo. hahaha biro lang baka totohanin. =D

RJ said...

emoterang nurse,

salamat din sa prayers, wag mo limot ha. hehehe. sipagin sa work? hay naku sinabi mo pa, ganadong ganado ang kuya mo ngayon. hehehe. thanks!

RJ said...

kingdaddyrich,

baka may kakilala kang babae na gustong magkaron ng kambal, sabihin mo lang. hahaha. biro lang, babae naman ata ang nagdadala kung magaanak ng kambal o hindi. salamat pare. =D

RJ said...

madbong,

salamat parekoy. buy-one-take-one, parang sapatos. ahehehe.

rolly said...

What can I say? Congratulations! Sunud sunod ang blessings na dumadating sa buhay mo and I am very happy for you.

RJ said...

tito rolly,

oo nga po, sunod sunod na kaya medyo nalulunod na rin ako. natatakot din ako baka dumating naman yung mga malas. huwag naman sana. salamat pare.