Friday, November 14, 2008

in the land of TGIS batch '69

isa sa mga namimiss ko sa pilipinas noong nagsimula akong magtrabaho sa makati 4 years ago ay ang samahan namin noon ng mga kaopisina ko. puro kasi kaming mga new graduates at wala pang mga experiences sa pagtatrabaho. first time naming lahat kumbaga. para lang kaming bagong pasok sa school at sabay sabay nagaaral ng kung anu ano patungkol sa trabaho. nabuo agad ang barkadahan among us. noong mga panahon rin na yon kami nabuo ang tandem namin ng maganda kong bachoinkchoink. hehehe.

noon parepareho pa kaming mga walang kapera-pera. kapag sweldo ay inuman na agad ang gimik. uuwi ng madaling araw na susuray suray. hindi malaman kung paano nakauwi. sakto lang ang sinuweldo ng dalawang linggo para sa isang gabing kasiyahan. swerte na kapag may natirang pambili ng t-shirt.

parang ang dami nang nangyari mula nung umalis ako sa kumpanya na yun noong december 2006. nagsi-alisan na rin ang mga kaibigan ko don noon. nagkahiwa-hiwalay na kami. kung saan saang lupalop na napadpad.

yun ang namimiss ko dito sa qatar. ang feeling ng may kabarkada na mga kaedad ko lang sa trabaho. halos karamihan kasi ng mga kasama ko dito ay mga katatay-tatayan na. mga TGIS batch '69. isa ako sa mga maituturing na bata pa dito. kahit mas malaki ang kinikita ko dito, parang meron pa ring kulang. parang gusto ko rin bumalik noong mga wala pa kaming moolah pero sama sama kami. money isnt really that can make you happy.

meron din naman mga napadpad dito sa qatar, magkakaiba nga lang kami ng kumpanya. at kagabi nga ay nagkita kami para makapagkumustahan. sarap ng tawanan at reminiscing the times not so long ago. namiss ko rin itong mga mokong na to. hehehe.

ako, si jerryboi, si val at ang kanyang misis na si joy. litaw na litaw kung sino ang pinagpala (clue: blog ko to.)

moral lesson: kung lalaki kayo at nasa qatar at gigimik kayo sa mga bars sa hotels, huwag kayong magsho-short. hindi rin kayo papapasukin. tanginangyan!

11 comments:

The Gasoline Dude said...

Si Val ang pinaka maswerte kasi kasama niya 'yung misis niyang si Joy d'yan. Ikaw iniwan mo si Bachoink sa Pinas. Bad ka. *LOLz*

CAROL said...
This comment has been removed by the author.
CAROL said...

Sinabi mo pa gasoline dude! Si Val mas malaki sweldo non kasama pa niyang jowa niya. Si RJ iniwan ako dito. )=

CAROL said...

Minsan iisipin natin sabi nila pag madami kang pera madami kang kaibigan. Sa puntong ito hindi naman ganun kadami ang pera pero layo layo na ang magkakaibigan. Ewan na lang kung maibabalik pa yung mga panahon na pamasahe lang at panglunch ang laman ng mga bulsa pero kumpleto at masayang nagtatawanan.

RonTuron said...

e bakit kasi hindi mo papuntahin si bachoinkchoink jan para magkasama n kayo... haha..

parekoy.. ako din nung anjan pa sa mideast ako ang pinaka bata.. 22 lang ako nun.. tapos sila nasa 30's na.. hahahaha.. bunsung-bunso ako nun! nakanamp! hahahaha

ponCHONG said...

buti ka pa nga nakakagimik jan. ako ni kainuman wala. wala kasing kabatch dito kung meron man hindi sila nagtatrabaho. mahirap din laging kasama mga senior citizen nagmumukhang lolo na din ako.

UtakMunggo said...

agree ako jaan parekoy. dati nung nagde-deyt palang kami ni sarge eh sa karinderya kami kumakain. hanggang sa huling sandali namin sa pinas doon pa rin kami kumakain.. ngayong andito kami sa eng eng land, nami-miss pa rin namin ang karinderyang yon, at ang memories na nakatatak sa lugar na yon. haaaaayyyyyy....

onatdonuts said...

maswerte nga si VAl na walang malay...hehehe

wag ka nang malungkot litaw na litaw naman at talaga namang pansin na pansin namin kung sino ang tunay na pinagpala. hehe

ingats ka diyan parekoy sa qatar. :-)

taps said...

uwi ka na lang dito, inuman na lang.

lahat ng nasa abroad uwi na kayo magpapainom si rj!

rolly said...

mukhang nakapasok ka naman kahit naka shorts ka diba? Sarap ng mga ganyang reunion no? Napakasaya lalo pa't matatalik mong kaibigan na hindi mo nakita ng matagal.

Anonymous said...

bawal din ba naka shorts jan sa mga bar?

di ba sa pinas ganun din? yung ratsky kasi dati pinarentahan pa sa barkada ko yung parang jogging pants kasi naka shorts sya nun...

-lyzius