Friday, November 28, 2008

PBLQ 21st Season 2009 atbp.

kamakailan lang ay nagdaos ang company namin ng tryout para maghanap ng 16 players na bubuo sa roster ng team na sasali sa Philippine Basketball League Qatar (PBLQ) 21st Season First Conference 2009. sa january 16 ang opening at gaganapin ang mga laro sa doha every friday.



at pagkatapos ng tatlong session ng tryout, buong pagpapakumbaba ko pong inaanunsyo na nakasali ako sa team na lalaban sa doha sa january. sasabihin ko mamaya ang sikreto kung paano ako napasama sa team. first time ko itong makakasali sa inter-company tournament. noong nagtatrabaho ako sa makati, inter-department lang liga kaya excited ako sa pagsali dito sa PBLQ.

nahahati sa tatlong category ang liga: category A: kung saan ang bawat teams ay mga rated players ang kasali. category B: kung saan ang bawat team ay may at least 2 rated players na kasali. at ang category C na kung saan kami kasali, ay ang mga team na walang mga rated players. kaya ang category C ay lalabas na inter-company lang sa mga nandito sa qatar.

kung ang criteria lang ng pagiging rated player ay ang pagkahilig sa panonood ng mga rated x na pelikula eh tiyak na magkakaroon kami ng rated player. secret na lang kung sino yung mahilig na yun.

* * *

on-going pa rin ang elimination round ng ginagawang in-camp basketball tournament. kumbaga, para lang itong inter-department ng aming company, at baka pagtapos nito ay sisimulan naman ang inter-camp tournament.

nananatili pa rin kaming unbeaten with a record of 6-0. nakalaban na namin last week ang mga dalawa sa pinaka-astigin na team ng bracket namin, umiskor ata ako ng 24 at 15 points sa dalawang larong yon. magagaling din kasi ang mga kakampi ko kaya't balanced attack lagi ang opensa namin. this week ang last game namin sa elimination, na susundan ng semifinals against sa number 2 team ng kabilang bracket kung kami ang magiging number 1 sa bracket namin.


heto ang picture ng team namin. ang mga matitipuno at nagkikisigang mga manlalaro ng oilers. kung meron kayong kursunada eh sabihin nyo lang sakin ang numero sa jersey at ako na ang bahala. isipin nyo na lang na para lang kayong namimili sa loob ng aquarium.

* * *

tanong: ano ang sikreto ko kung paano ako napasama sa 16 player roster ng team sa PBLQ?

sagot: 18 lang ang nagtryout.

12 comments:

The Gasoline Dude™ said...

Insan, mukhang ikaw ang pinaka-gwapo diyan ah. *LOLz*


(Psssttt! Regalo ko sa Pasko ha. Hehehe.)

Anonymous said...

ah may regalo ba ang pupuri sa yo? pinakagwapo yung number 33!

papaskooooo! nyahahahhaha!

UtakMunggo said...

nakakawindang yung natuklasan kong sikreto sa huling bahagi ng post, parekoy. talaga naman... hehe

p0kw4ng said...

hahaha parang kafederasyon ng mga anak ko yung nasa gitna sa unahan..talaga namang may paghawak pa sa hita ng katabi eh...

kaya mo yan...magaling ang pinagpapraktisan mo davah??

Anonymous said...

Syempre, yung kay tejada ang jersey na kukunin ko.

Anonymous said...

hang galing galing naman ng kuya ko!!! bonus! bonus! bonus! :D

RJ said...

@insan gasul: sensya na, hindi kasama sa ibinubugaw ang bugaw. hahaha! =D

@cha: as i've said, hindi kasali ang bugaw. hahaha. =D sniff sniff... amoy pasko na nga. pero amoy buhangin ng disyerto pa rin ang naaamoy ko. hehehe.

@bechay: siyempre joke lang yun, 22 kami lahat na nagtryout. =P

@pokwang: natawa ako sa comment mo. hindi ko napansin na meron palang nanghihipo samin. hahaha. galing mo! =D

@taps: mahal ang presyo nyan sa internet pards. hahaha! =D

@trisha: buti nga kayo may bonus eh. hehehe kami dito pasok pa rin kahit pasko. =D

paperdoll said...

at least out of 18 isa ka sa napili. . at hindi ka isa sa nareject. . lol

kasali pala aco dapat jan. . mahilig sa rated X. . lol

Anonymous said...

ay ganun ba, sige brip na lang.

RJ said...

@paperdoll: mahilig ka rin pala eh, apir! pasok ka na sa team namin. hehehe. =D

@taps: tsk. mas mahal yun. lalo yung used. hahaha! =D

Anonymous said...

ser! malupit ka, iba talaga ang damer, magaling pag dating sa paglalaro ng apoy at ng bola...bwahahaha!

gusto ko din maglaro uli ng basketball, kaya lang nanaba na ako ng husto e, hehehe, wala na, pang-21 na lang ako o kaya shooting na pustahan!

RJ said...

@echo: kung may patryout lang din ng apoy eh di sana dun na lang ako sumali. hehehe. hindi pa naman huli ang lahat, kahit nga mga naka-wheel chair eh nakakapaglaro pa. we love this game. hehehe. =D