Monday, November 10, 2008

basketball tournament 101

one month ago nang magsimula ang in-camp basketball tournament ng company namin dito sa qatar. nasa pilipinas ako noon kaya hindi ako nakasama, pero kasali na ako sa isang team dahil nakabuo na kami ng team bago pa man ako mapauwi. kumbaga nagkaamuyan na rin kami ng betlog laro kahit papano.

walong teams sa bawat bracket at naka-dalawang laro na ang team naming itatago na lang natin sa pangalang OILERs. dahil sa natural at likas na matitikas ang mga kagrupo ko ay 2-0 ang record na dinatnan ko.

sa unang linggo ko dito sa qatar, dalawang laro agad ang naka-schedule sa amin. pareho naming nilampaso ang kalaban. 4-0 na kami. i scored 15 points and 23 points respectively. sayang nga at walang mga naggagandahang mga courtside anchors gaya ng sa pba na nagiinterview sa mga players tuwing end game. pangarap ko pa namang mainterview.

courtside anchor: wow rj! anong ginawa ng team nyo kaya maganda ang pinakita nyong performance sa game na to?

ako: aaah oo! pwedeng bumati?


* * *

ito ang aking uniform. 3 ang favorite number ko pero pinili ko ang number 33. bakit? unang una, in honor of my wife's initials which is CC. at pangalawa, dahil magkakaroon sana kami ng twin, naisip kong bakit hindi ko na lang doblehin ang favorite number kong 3. swerte daw ang 3, mas maswerte kung doble.



and so the number 33 legend was born.

* * *

malamig na dito sa qatar, lalo sa umaga at gabi. kaya naiisip ko rin na talagang pinagpala ang pilipinas pagdating sa klima. tama ang timpla. dito kasi, sobrang init at sobrang lamig. urong na naman ang burat ko dito.

ang hirap tulog maglaro ng basketball sa gabi. dahil lalong lumalamig kapag nahipan ka ng hangin ng pawis. konti pa, magiging ganito na rin ang utong ko.

13 comments:

The Gasoline Dude™ said...

Nyahahaha! Akala ko ba masakit ang paa mo there? *LOLz* Nakakapag-basketbol ka pa sa lagay mong 'yan? Kakahiya kapag bigla kang himatayin sa gitna ng basketball court (tapos slow motion ang pagbagsak mo sa sahig, parang sa pelikula lang.) = D

paperdoll said...

oo nga! sabi mo masakit paa mo! matanda ka na ngang naguumasrte, ,lol

hanap ka pa interview ah! natawa naman aco sa isasagot mo. . bkit di ka mag audition sa wowowow? tapos magbate ka ng magbate. . lol

oilers ah. . aus!
swerte ba ang 3? alam cong swerte 0 at 8. . maliban sa lucky 9 at 7. .

Ano ba yang green sa utong ng nasa pic? manibela?

Panaderos said...

33. Ka-number mo pala si Larry Betlog, este Larry Bird. :D

Good luck sa tournament! Lampasuhin niyo ang kalaban. :)

Anonymous said...

grant hill.

Anonymous said...

hwoahahahahaha ampanget non! wag ganon! nyaahahahah!

Anonymous said...

ehloe RJ. Tagal kong nawala.. di na ako updated.
Una sa lahat, I'm sorry for the twins. When I read what happened last night, I was so depressed. But that is life. God has better plan for you and your family just keep the faith in HIm. ^^
Tama sila, akala ko ba, masakit ang paa mo... tapos naglalaro... hmmm... husayan mo pa ah. :D
Ayos sa number ah.. never thought three is a lucky number.., maybe for you. :P

Anonymous said...

pssst!

sa susunod na ilampaso nyo ang kalaban magdala kayo ng bunot (cocomut husk) para kumpleto...me floor wax na (oilers)..ahihihihi...

ang korni ng comment ko...

ang tikas din nung utong...parang etits lang!

-lyzius

RJ said...

insan GD: yan ang tinatawag na 'for the love of the game'. hehehe in tagalog, adik. =D

paperdoll: pasumpong sumpong ang sakit ng paa ko, ngayon dahil nagdidiet ako hindi sya sumasakit. after the game na lang. habang naglalaro, hindi sumasakit.

frisbee yata yung green na yun. hehehe. =D

panaderos: salamat pards, perstaym ko tong gagamit ng number 33. hehehe. =D

taps: oo nga grant hill, pareho ko rin, nananakit ang paa. hehehe.

bloom: alin nung utong? nyahahaha! konting lamig pa magaganun na rin ako. hehehe. =D

blackhart: thank you shayleigh. oo nga wala na sila, pero tuloy lang ang buhay. napagisip isip ko din bakit ko nasabing swerte ang 3. mukhang wala ngang basis yon sinabi ko ah. ahahaha!

lyzius: hindi na kailangan ng bunot, johnsons ata yan (tumatagaal). ang corny din ng reply ko eh. ahahaha!

Anonymous said...

*pwedeng bumati? ahahhahaha!!!

pag balik mo, ako na babantay sa iyo sa court.. langya tong si LV di ka binabantayan ng maayos pfft.. (at sana wag nya tong mabasa, dahil sasabunutan ako nun gurl!) galingan mo ha, yung mala dwayne wade.. (pareho pa tayo ng bb idol nowadays) apir! hanggang sa muling game! at galingan mo jan..

UtakMunggo said...

tsk.. lagpak ang sagot sa interbyu. double tsk..

ayos ang number mo parekoy. kaiba sa mga numerong laging bida tulad ng 8, 88, 08, at kung anu-ano pang combination na may 8 sa dulo. hehe

jowskow ang mga kwentong utong naglipana. haha.. lagyan ng vaseline para hindi magchap. (sanay na sanay ano. haha)

rolly said...

Buti naman at nakapag babasketball ka pa dyan. Pampaalis suya. Jami din me tournament at sa isang dahilang hindi ko maintindihan e sumali ako. Ayun, halos matalo kami pag nasa loob na ko ng court. Hindi naman pwedeng mag banko sa rules namin. Kailangang lahat ng players makapaglaro for at least a quarter. Kaya ayun, ako yung weakest link. In fairness, katulad nyo wala pa kaming talo ha.

Dakilang Islander said...

galingan mo pagdribble ha!hihii
dito ongoing din ang basektball tournament ng mga pinoy...

RJ said...

damdam: mas matinik naman si chie, ala-ronnie magsanoc eh. hehehe =D

bechay: kapag nagkatotoong may magiinterview pagkatapos ng game, babatiin din kita. aheheh.

hala, pati pala ang utong nilalagyan ng vaseline? ahaha di ko alam yun! =D

tito rolly: ganyan din ang rules namin noon sa notre, eh nagsisimula palang akong matuto noon. pero mas okey ang ganoong rules, everybody can have the opportunity. =D

islander: dribble lang? sa pagshoot ako magaling eh. hehehe. =D