Tuesday, November 16, 2010

13 reasons

13 reasons kung bakit mas gusto ko manood ng boxing kapag foreign commentators ang telecast particularly HBO. galing ito sa TFC pay per view telecast ng pacquiao-margarito fight:

1. tolentino: "at eto po, an estimated crowd of 70,000 people dito po sa cowboy stadium, arlington, texas. yes, texas, dahil dalawang panabong po na slugger ang ihahatid sa inyo."

2.tolentino: "sa daming titulo ni manny pacquiao iisipin mo, beauty queen. hindi po, boxing king."

3. tolentino: "yung mga suntok ni manny hindi mo alam kung saan nanggagaling eh! luzon, visayas, mindanao!" (wowowee!)

4. tolentino: "the tijuana tornado is about to exit the philippine area of responsibility!" (meganon?!)

5. tolentino: "and look at the way he pivot away from any resbak punches ni margarito!"

6. tolentino: "ang lupet ano po? hindi ng round girl ha, kundi ng ipinapakita ni manny pacquiao!"

7. tolentino: "eto ang sinasabi ko na peso-dollar ang palitan! ano ba ngayon? 42 is to 1? 43 is to 1?" (referring to the volume of punches of pacquiao to margarito)

8. tolentino: "at pati cameraman nahihilo na rin sa dami ng suntok ni manny pacquiao!"

9. nathaniels: "congressmansaludoakosayo!!!"

10. tolentino: "ang reperi! wala pa rin! dedma pa rin!"
nathaniels: "anobayan?!" (tonong bading)
tolentino: "eh double dead na! botcha na si margarito eh!" (botcha amft)

11. tolentino: "ano bang gusto ng reperi?! mabulag si margarito?!"

12. tolentino: "mga kababayan, eto po. walang personalan! buntalan lang!"

13. tolentino: "triple B! battered! bruised! bugbug!" (bwakanginang korni)

Saturday, November 13, 2010

naisip ko lang

eh ano kaya kung unti-unting ipinusta ng pilipinas ang utang nitong mga dolyar sa tuwing may laban si pacquiao sa amerika, siguro bayad na tayo sa mga utang natin sa ibang bansa.

ano nga kaya?

Monday, November 8, 2010

childhood longganisa

may kaibigan na galing bakasyon at nagdala ng longganisang lucban dito sa qatar galing pinas. ang sarap tuloy ng kain namin.

at tuwing nakakakita ako ng longganisa, naaalala ko ang aking kabataan.


naaalala ko kasi ang mga panahong supot pa ko.

galing dito ang supot longganisa picture.

Thursday, November 4, 2010

Friday, October 29, 2010

kuya buncho

"kuya buncho" ang naitatawag namin kay yohan. kuya, dahil magiging kuya pa siya. plano pa namin siyang sundan sa mga susunod pang taon. at buncho, dahil may mga nauna pa naman talaga siyang mga kapatid.



pero sa aming magkakapatid, ako ang kuya at and kapatid kong si billy ang aming bunso.

naaalala ko pa nga, lagi kong iniisip noon ang pros and cons ng pagiging panganay at bunso. pero ibang topic na yon.

ang bilis talaga ng panahon. 23 na siya ngayon. happy birthday 'tol. i miss you all.

Wednesday, October 13, 2010

caught on bad

"time to wake up! time now is... four forty-five AM..."

"shit, nag-snooze na naman pala ang alarm ko."

nagising ang lalaki sa tunog ng kanyang alarm clock. nagmamadali siyang tumayo at pupungas pungas na pumunta ng banyo.

tumingin sa salamin. tinitigan ang sarili. ngumiti.

nagsipilyo. naligo. nagba....nlaw, nagbanlaw. nagpunas. nagbihis. lumabas ng banyo.

"gusto ko magtimpla ng chocolate drink. kaso male-late na ko. hayun! buti na lang nandito pa yung bote ng gatas na ininuman ko kagabi. dito ko na lang isasalin ang chocolate at dito ko na lang iinumin", ang wika ng lalaki sa kanyang sarili.

patay pa ang ilaw sa silid dahil natutulog pa ang kanyang roommate.

binuksan ang bote. isinalin ang chocolate powder. naglagay ng maligamgam na tubig. shake. shake. shake.

lumabas ng bahay. naglakad papunta sa sakayan ng bus. binuksan ang bote. tinungga. lunok. lunok. may nakapa ang kanyang dila na magaspang.

"siguro'y buo-buo pa ang chocolate, hindi pa siguro nahalo na mabuti. hayaan mo na siya", ang sabi ulit ng lalaki sa kanyang sarili. hindi pinansin ang nakapa ng dila na magaspang. tuloy sa paglagok.

"puta, bakit parang may stick?!"

kinabahan. kinagat ng lalaki ang 'stick' sa kanyang iniinom na chocolate at hinila palabas ng bote. idinura sa lupa.

at doon tumambad ang naghuhumindig na dalawang pirasong cotton buds na kanya palang ginamit kinagabihan at itinapon sa loob ng bote ng gatas na walang laman.

lumingon-lingon. walang nakakita. masuka-suka si lalaki.

end of story.


moral lesson: dispose your trash properly.

trivia: the lalaki is me.

Sunday, October 10, 2010

and now the end is near

pagkatapos ng halos tatlong taon ko dito sa qatar, halos patapos na rin ang planta na ginagawa. impak, bilang na ang mga araw ko dito sa qatar.

kaya nga 'no-permanent-address' ako. dahil palipat-lipat ang aking workplace. ganon naman talaga sa construction industry. kung nasaan ang project, nandoon din ang pera. masaya rin dahil you travel a lot. yun nga lang, kadalasan ay hindi tourist destination ang punta. pawis at buhangin. sa kasagsagan nga ng summer, para kang siomai na nasa steamer. ganon.

gaya ng karamihan, contractual. after ng project, tapos ang contract. meaning, hanap ka na naman ng malilipatan. putol ang sweldo at diyan papasok ang financial insecurities dahil hindi mo alam kung kailan ka ulit magkakaroon ng susunod mong trabaho.

eto ang mga munti kong tips kapag panahon na ng uwian o tag-tuyot:

1. plan ahead, fly them cv's - kung alam mong malapit nang matapos ang kontrata mo, mag-umpisa ka nang magpalipad ng cv mo. give time para sa mga employer na mareview ang papel mo. hindi mo naman maeexpect na tawagan ka nila 10 minutes pagkatapos mong magsubmit. libre lang naman ang email.

2. keep off loans - gaya ng #1, kung alam mong malapit na ang end date mo, huwag ka munang kumuha ng housing loan or car loan na hindi mo sigurado kung kaya mo pang bayaran pagkatapos ng kontrata mo.

3. try to save at least 6 months of your salary - just to be safe kung mahirapan kang makahanap ng susunod mong trabaho.

4. at kung sakaling makahanap ka na ng bagong trabaho sa ibang kumpanya, don't burn the bridges sa dati mong pinagtrabahuhan. sa panahon ng gipitan, maaari mo pa ring malapitan ang mga dati mong amo at kasamahan.



"Pearl GTL is a gas to liquids (GTL) project based in Ras Laffan, Qatar. It will convert natural gas into liquid petroleum products. When constructed, it will be the largest GTL plant in the world." - wiki

Thursday, October 7, 2010

if you liked it then you shoulda put a rubber on it

nagtatalo ngayon ang gobyerno at simbahang katoliko patungkol sa isinusulong ng una na reproductive health bill.

ang sa gobyerno, malaya ang mamamayan na makapili ng gusto nilang pamamaraan ng pagbi-birth control, either natural or artificial method. Katunayan, bibili ang gobyerno ng condoms, contraceptive pills, at injectibles para sa susunod na taon na nagkakahalaga ng php 400 million. at ipapamigay daw ito ng libre sa mga health centers.

ang kay padre damaso naman, immoral daw ito. abortion na daw maituturing iyon. ha? ano daw? ito talagang mga ito, ang gagaling magpatawa. ginagawa pa nilang basehan ang bibliya na humayo daw at magpakarami. kung ang bilang ng tao ay kasingdami lang ng mga nakasakay sa arko ni noah, maniniwala pa ko sa mga ito. pero kung aabot na sa 100 milyon ang tao sa kakarampot na lupa ng pilipinas kong mahal at gusto mo pang magpakarami, tangina naman. give me a break.

may balita pa raw na ititiwalag daw nila sa simbahan si president noynoy dahil suportado nito ang RH bill. ayos din naman ano? ang mga masakerista, mga rapist, mga big-time corrupt etc etc eh wala akong nabalitaang itinitiwalag. excommunicate mo your face.

naisip ko tuloy na kaya matigas ang mga pari patungkol sa condom, hindi naman sila ang makikinabang dito. hindi naman sila nagko-condom. may nagko-condom ba ng nagtitikol lang?

on the other hand (hindi sa pagtitikol), naisip ko lang din naman. paano naman kaya ang padidispose ng sangkaterbang condom na ito? malamang, karaniwan nang magiging tanawin ang makakita ng lumulutang na condom sa mga kanal, estero at ilog. pag dumating ang baha at bagyo, wag ka na magtaka kung may condom na lulutang lutang papasok ng bahay mo. mauuso rin siguro ang wash and wear condom para makatipid. makikita mo na lang na nakasampay sa mga bahay-bahay at pinapatuyo ang bagong hugas na mga condom. how lovely.


sa injectibles at contraceptive pills naman, kada taon ba ay gagastos ng ganon kalaki ang gobyerno para lang ma-accommodate ang family planning ng mahihirap? dahil ang paggamit ng pills ay tuloy tuloy. Kung pumalya ka pa nga ng inom ang babae, mas malaki ang chance na mabuntis ang babae.

hay naku naman talaga si juan dela cruz. iiyot na nga lang ang sakit pa sa ulo.

Sunday, October 3, 2010

the representative

kapag tumapak na ang mga 'ber months', masaya kadalasan ang atmosphere sa amin dahil sunod sunod na ang birthdays naming pamilya.

september si ate, october si mommy at bunso, november ako at si daddy ay december.

at ngayon nga ang birthday ni mommy. pero wala ako sa pilipinas kaya pinadala ko na lang ang aking representative para makasama nila.




ang aking best gift ever sa kanila, na bagong diwang din ng kaniyang ika-8th month. love you all.

Monday, September 20, 2010

ang hapdi. bow.

ang almusal ko'y lucky me chili,

meryenda ko'y mani na may sili,

nang maupo ako saking trono,

tangina. pwet ko ang hapdi.

a 20 year old photo



happy birthday, shang.

miss you.

Sunday, August 1, 2010

eat all you kan-in

sabi ng wikipedia, 9% lang ng mga rice lands dito sa bayan ng sta. maria, bulacan ang irrigated at 91% ang rain fed or yung umaasa lang sa tubig ulan para makapagtanim ng palay. kasama sa rain fed rice lands ang nabili namin last year.

kaya naman dahil sa tag-ulan na, nagpatanim na rin kami ng binhi ng palay. narinig ko naman kay kuya kim, 100 days bago maging ganap ng palay ang naitanim na mga binhi.



konti lang ang palay na aanihin dito dahil maliit lang din naman ang lupa. kaya malamang na for personal consumption lang silbi nito at hindi for business.

iniisip ko nga, kikita pa siguro ako kung marijuana na lang ang itanim ko.

nga pala, happy 6th month birthday sa'yo anak.

Tuesday, July 20, 2010

i therefore conclude

sobrang init sa qatar ngayon, sobrang humid. nakakatamad.

ngayon nasa pilipinas kong mahal na ko ulit, maulan naman at malamig. nakakatamad din.

so anong conclusion?

magkaiba lang talaga ang climate ng qatar at pilipinas. oo ganon nga.

Wednesday, July 14, 2010

lucky me

noong elementary ako, lagi kong gawain bago pumasok at pagkalabas ng school ang tumaya sa pabunot sa mga nasa bangketa; mga sisiw na mukhang galing sa poultry ni dennis rodman dahil iba iba ang kulay, itik, brand new gameboy (na nakalagay sa supot ng yelo, mukhang pinaglumaan na sa dugyot), mini-portable electric fan, pambura etc etc.

iba ibang pakulo; merong bubunot ka ng papel at babasain mo sa tubig para makita mo yung nakasulat na chalk kung check or ekis (oo minsan nandaya na ako. meron na akong naka-ready na papel sa kamay pagdukot), merong bubunot ka sa isang banig ng tiket at makikita kung panalo ka o hindi, merong pinball style na takang taka ka kung bakit sa trial eh lagi ka nananalo, pero sa actual, laging naiipit ang bola sa mga pako. etc etc.

wala akong natatandaang nanalo ako sa mga raket ng mga manong at manang nung bata pa ko. ang dami ko na rin sigurong naipatalo. at least, nakatulong ako sa hanap buhay nila. nakatulong ako sa pagpapalaki ng mga anak nila. tangina.

kung mababasa nga ng mommy ko ang blog ko na to, malalaman nyang hindi sa masusustansyang pagkain ang binibili ko sa school. dito sa mga ito napupunta.

pero kagabi, nanalo ako sa wakas. wala pang taya, walang puhunan. maganda lang siguro ang hula sakin ng horoscope kagabi.

Saturday, July 10, 2010

bienvenido a miami

dwyane wade and the miami heat welcomes lebron james and chris bosh to form the latest big three in the nba.

i salute these three for making all the necessary sacrifices for making this possible. not just for sacrificing for sharing the spotlight and maybe significant drop of their individual stats come this season, but also taking less money to accomodate the others in order to have a great possibility of being a champion, not only this season, but for many seasons to come. it could be the start of a new dynasty. and that's what this team is all about.

but even though they have taken less, there is only few money left on the table for pat riley to work his magic. maybe, they will just hire role/vet players who are at the minimum. or veteran players that are also willing to take less just for the sake of a chance to win a championship.

kulang sila ng point guard at big center. suggest ko sana, pabalikin na lang nila si tim hardaway at kunin si patrick ewing, makapag-champion man lang. kahit sila pa magbayad sa miami makapaglaro lang ulit.

can't wait for the next season to arrive. go miami!

Thursday, July 1, 2010

5th

halfway na ng year 2010. sa totoo lang, napakabilis ng taon na to. kumbaga, parang premature ejaculation lang sa bilis. konting aksiyon, tapos. ganon lang siguro kapag very routinary ang ginagawa mo. work and after work.

ang gusto ko lang naman tumbukin, limang buwan na agad ang aking prinsipe. nakakatuwa sa tuwing nakikita ko ang mga latest pictures at videos na ipinapadala sakin. parang malayo man, malapit din. lalo akong naaatat makipaglaro at makipaghuntahan sa kanya. dumadami na kasi ang talent, bukod sa panonood ng kay angelica bilang rubi.


happy 5th month birthday sa'yo anak. one thing is certain, hindi ka aabot ng 6 months nang hindi tayo nakakapag-beerhouse nakakapag-bonding. i'll be home soon.

Wednesday, June 2, 2010

when an american meets a pakistani

dito sa trabaho ko, puti ang amo namin. kaming pinoy ang mga bisor, at mga pakistani naman ang mga tauhan namin. ito naman eh napapagusapan lang.

boss: hey ardyey, who's the contractor in-charge in here?

ardyey: ifaqat, sir. his name is ifaqat.

boss: what?! where the hell this fuck at?!

ardyey: (nagpipigil ng tawa) hey ifaqat, come here!

ifaqat: yes boss?

boss: who's your engineer in here?

ifaqat: engineer ashfaq, boss.

boss: what?! now you're telling me his ass is fucked?! you gotta be kiddin' me!

ardyey: bwahaha.

Tuesday, May 25, 2010

humor blogger of the month

kung merong diyos ng blogging, si badoodles ng www.kwentongbarbero.com ang paniniwalaan kong propetang sugo. ang idol ko sa blogging sa pagpapatawa kasama si batjay.


kaya naman tuwang-tuwa ako nang makita kong napili pala ako sa humor blogger of the month sa blog nya. parang merong nagpa-alala sakin na may blog pa pala ako. hehehe.


salamat sa'yo, parekoy. mabuhay ka. yo da man. nang dahil sayo, nagkaroon ako ng bagong post.

Tuesday, May 4, 2010

ang ibang lalaki sa buhay ni bachoinkchoink

nagcelebrate ng 3rd month birthday ang aking unico noong isang araw. ang bilis ng araw, para lang siyang hinihipan ng hangin kada araw.

2 week old pa lang siya noong umalis na ako para magtrabaho na ulit dito sa qatar. kaya nga excited na ko ulit para sa aming magiging unang pagkikita. hindi pa kasi siya nakakakita nung mga panahon na yon. pagbalik ko, makikita na nya ang ama nyang tall, dark and happy.


itong si yohan ay 2 years in the making. kay tagal hinintay. pero its all worth it. kakaibang saya ang dulot hindi lang sa aming mag-asawa kundi pati na rin sa buong pamilya. kahit nasa abroad ako at ang misis ko lang ang naiiwan sa aming anak, i can see the glow in her eyes sa kanyang pag-aalaga kay buncho.

punung-puno ng pagmamahal. siksik, liglig at umaapaw.

at ngayong tatlong buwan na siya, meron na siyang paboritong hobby tuwing magcha-chat kami sa gabi. ang panoorin sa tv si angelica panganiban bilang si rubi.

Friday, April 23, 2010

you made a promise, shit you.

may nagpost ng mtv ng pasumpa-sumpa by milyo naryo sa facebook. na-lss tuloy ako tangna.


pasumpa-sumpa
by milyo naryo


pasumpa-sumpa ka pa, tang na ka
na mahal na mahal mo ako, tang na mo
pinaibig mo ako ng todo, at walang pagbabago
makalbo man ang ulo mo.

sa tamis mong mambola, tang na ka
nauto naman ako, tang na mo
at kaya ang resulta, mga briefs ko ay naprenda
butas pa ang aking bulsa.

no'ng nakita mo ako ang sabi mo ako'y macho
kamuka ko ay si rambo at nagtanan tayo
'di ko sukat akalain, papalitan mo ako darling
ako ay dumadalangin, sana'y matorotot ka rin.

sa tamis mong mambola, tang na ka
nauto naman ako, tang na mo
at kaya ang resulta, mga briefs ko ay naprenda
butas pa ang aking bulsa.

no'ng nakita mo ako ang sabi mo ako'y macho
kamuka ko ay si rambo at nagtanan tayo
'di ko sukat akalain, papalitan mo ako darling
ako ay dumadalangin, sana'y matorotot ka rin.

pasumpa-sumpa ka pa... tang na ka!

Wednesday, April 14, 2010

Tuesday, April 13, 2010

that's just the way it is, things'll never be the same

tuwing eleksiyon, laging naririnig sa mga kandidato ang pagsugpo sa korapsyon. naniniwala kayo? ako hindi.

let's take an instance sa kalsada. nagkaroon ka ng violation, hinuli ka ng pulis. kinuha ang lisensya mo at bibigyan ka ng ticket. tatakutin ka pa na kailangan mo pang kunin sa LTO office ang lisensya at umattend ng seminar. pero dahil busy ka at may trabaho, aalukin mo ng singkwenta ang mmda. magpapakipot pa ang hinayupak. aalukin mo naman ng isang daan. kukunin naman ng kumag na kunwari ay napilitan lang at ibabalik na sayo ang lisensya mo. sabay sabi ng "thank you ser, ingat".

lusot ka na sa aberya, may pangmeryenda pa ang hudas. and that's corruption right there.

ano ang point ko? nasa sistema at kultura na ito. cancer ng lipunan ika nga. hindi maaalis kahit sino pang presidente ang maupo. sa tingin ko, maliban na lang kung mai-modernize lahat ng sistema at patakaran sa gobyerno na walang makakalusot kahit gusto mong lumusot. well, mga 2 or 3 generations pa siguro magkakaroon ng pera ang pilipinas.

o kaya sabi nga ni batjay maliban na lang kung magkaroon ng delubyo. kumbaga sa laro, reset. ulitan.

Sunday, April 4, 2010

working on a dream

malapit na rin pala ako mag-2 years dito sa work ko sa qatar. medyo nakakainip na rin. halos dumadampi lang ako ng kaunti sa pinas tuwing uuwi ako at kailangan na namang magbuno ng six months para magtrabaho.

it's all about a dream. dreaming for my family. investing while saving some. kahit malayo, nagtitiis. para yata sa mga tatay, mas mahirap na makitang kapos at gutom ang pamilya kaysa ang lumayo muna pansamantala para humakot ng ganansya.

Tuesday, March 30, 2010

wanted: perfect president

come to think of it, if we'll try to put together the characters of our batch of presidential aspirants, it could have been a wonderful president.

i wish that our president has:

villar's money.

aquino's heart.

teodoro's brain.

villanueva's spirituality.

madrigal's beauty handsomeness.

estrada's appeal.

and...


gordon's dick.



perfect.

Sunday, March 14, 2010

bang bang bang!

ang daming hindi daw natuwa sa laban ni pacquiao kay clottey.

i disagree.

it is still a very good fight even if it's only pacman's doing the show.

it showed us how pacman can carry the fight even if he is the only one punching all night.

it showed us the tenacity and stamina of pacman for the whole 12 rounds! non-stop. tingin ko kaya pa nyang lumaban kay mayweather kung umakyat lang si floyd ng ring pagkatapos ng laban.

hirap lang kapag spoiled ang mga tao sa knockouts. eh anong magagawa ni manny, ayaw makipagsabayan ni clottey?!

anyway, a big congratulations champ!

ay! may blog nga pala ako.

Monday, February 22, 2010

UPDATED: miss you like crazy's romantic getaway in malaysia

latest movie ng starcinema na miss you like crazy starring popoy and pashajohn lloyd cruz at bea alonzo. baduy na kung baduy, pero gusto ko kasi panoorin ito yun nga lang hindi na ko umabot dahil bumalik na ko dito sa qatar. pumatok kasi sakin yung one more chance nila noon. second to the last movie na nakapagpaiyak sakin. latest nga yung katas ng saudi. hehehe.


bilang pagpromote ng MYLC, nagkaroon sila ng pacontest.

naaalala nyo pa ba yung love story namin? nagsubmit si bachoinkchoink nung isang araw. hehehe.

at kanina nga, may natanggap na email si bachoinkchoink:


nakasama ang entry namin sa tatlong finalists. di ko alam baka tatlo lang din ang nagsubmit ng entry. hehehe. kaya aattend bukas (february 23) ng premiere night si misis dahil doon ia-announce ang winner ng trip for 2 to malaysia.

abangan na lang natin kung ano ang result. hehehe.

for the meantime, nanalo na ang mga finalist ng MYLC posters at love stone signed by john lloyd at bea. pfffft

thank you sa star cinema.

* * *


tumawag sa akin si bachoinkchoink kanina para iinform na hindi nanalo ang entry namin. kaya nanood na lang sila ng premier night ng MYLC. pero di bale, meron namang love stone at signed MYLC poster ni john lloyd at bea.

okay na samin yun.....

Thursday, February 18, 2010

puerco de amor

kapag bumabalik ako ng qatar, lagi ako nagbabaon ng spicy binagoongang baboy na luto ni mommy. pinapa-lata ko ito sa malabon para hindi mahuli sa xray ng airport. kaya naman tuwang tuwa ang mga kasamahan kong kasabay kong kumain. talaga namang mapapamura ka sa sarap. at mapapasigaw ng "extra rice pa, teh".


wala kasi ditong baboy. miss na nila ang binababoy baboy.

Tuesday, February 9, 2010

Yohan Iñigo's first week

after waiting for more than two consecutive years to have a baby, finally, a 7.5lbs 50cm bouncing baby boy came.

here are the first week photos of our baby yohan.

Day 1: miracle of birth

Day 2: still at nursery

Day 3: yohan is home

Day 4

Day 5

Day 6: i'm already 52cm

Day 7: feeding time

Day 8


yes, there's really a God.

Friday, January 22, 2010

approximately 9 days BY

isa sa pinakamasarap at pinakarewarding na pakiramdam para sa mga ofw kapag papalapit na ng papalapit ang araw ng paguwi after gruelling months of work. medyo matagal na rin akong pabalik-balik ng pilipinas pero masasabi kong bawat paguwi ay merong kakaibang unique excitement. it's just keep getting better, ika nga.

kakaiba ang feeling itong susunod na bakasyon ko. magkahalong excitement at kaba. bakit? bachoinkchoink is on the last leg of her pregnancy. and we ought to meet a brand new person sometime on the first week of february.

what is the date today? approximately 9 days BY(before Yohan).



we are all excited for you, my little man.

Tuesday, January 12, 2010

today is the day

january 12, 2005: when bachoinkchoink held my hand for the first time inside the MRT.

labyu buntis. see you in two weeks.

Monday, January 11, 2010

Friday, January 8, 2010

new face of KFC

ang bagong mukha ng KFC, ang kupal floyd chicken.



galing sa KFC Pacland Branch.

Sunday, January 3, 2010

first two days

sabi nila, kung ano raw ang ginawa mo sa simula ng taon ay siyang mangyayari sayo sa kabuuan ng taon. puwes, hindi ko gusto ang mga nangyayari. dahil ang simulang dalawang araw ng 2010 ko ay:

day 1 - pumasok sa work nang bangag at puyat dahil naglasing kinagabihan

day 2 - pumasok sa work nang hindi nakaligo dahil late nagising

kaya ngayon pa lang habang maaga pa, itinigil ko na ang paniniwala sa kasabihang nabanggit sa itaas. so much for the 'start the new year right' attitude.

Friday, January 1, 2010

ang tocino


sige magpaputok ka pa,

sindihan ang super lolo,

boom.

sarap ng tocino.