Wednesday, July 14, 2010

lucky me

noong elementary ako, lagi kong gawain bago pumasok at pagkalabas ng school ang tumaya sa pabunot sa mga nasa bangketa; mga sisiw na mukhang galing sa poultry ni dennis rodman dahil iba iba ang kulay, itik, brand new gameboy (na nakalagay sa supot ng yelo, mukhang pinaglumaan na sa dugyot), mini-portable electric fan, pambura etc etc.

iba ibang pakulo; merong bubunot ka ng papel at babasain mo sa tubig para makita mo yung nakasulat na chalk kung check or ekis (oo minsan nandaya na ako. meron na akong naka-ready na papel sa kamay pagdukot), merong bubunot ka sa isang banig ng tiket at makikita kung panalo ka o hindi, merong pinball style na takang taka ka kung bakit sa trial eh lagi ka nananalo, pero sa actual, laging naiipit ang bola sa mga pako. etc etc.

wala akong natatandaang nanalo ako sa mga raket ng mga manong at manang nung bata pa ko. ang dami ko na rin sigurong naipatalo. at least, nakatulong ako sa hanap buhay nila. nakatulong ako sa pagpapalaki ng mga anak nila. tangina.

kung mababasa nga ng mommy ko ang blog ko na to, malalaman nyang hindi sa masusustansyang pagkain ang binibili ko sa school. dito sa mga ito napupunta.

pero kagabi, nanalo ako sa wakas. wala pang taya, walang puhunan. maganda lang siguro ang hula sakin ng horoscope kagabi.

14 comments:

Anonymous said...

ako rin di ako nanalo sa raffles.. pero last year, swerte ako. nanalo ako sa raffle ng isang malaking event.

deodorant! lintek. pero ng adidas naman. o di ba shasyal!

PERAM ITATS!

Anonymous said...

waa! nawala yung comment ko. ulit..

di rin ako madalas manalo sa mga paswertihang palaro.
pero last year, swerte ako. nanalo ako sa raffle after 20 years ata.

deodorant! pero adidas naman. o di ba sasyal!

PERAM ITATS!

Queen Miss Chief said...

Dati rati naaalala ko na naghihintay kami sa mall ng hanggang alas 9 ng gabi para lang magsubaybay sa paraffle ng ref.. bawat linggo pagkatapos mag grcoery.. pero kahit kailan di talaga nakuha ni mama yung ref na yun.. nyahahaha

Galing! It was worth the wait naman pala... hahahaha! Kelan kaya ako mananalo sa paraffle na ganyan ang price??? cooooool!

jeck said...

huwaw! congrats insan! ayos, kala ko instant mami lang ang napanalunan mo e.

bishibishi said...

waaahh akin nalang yan!!!! :D

gasti said...

lupet! mukhang late bloomer lang yung pagkabwenas mo pards.

malas din ako sa hulaan dati na may premyong kinulayang sisiw eh kaya kadalasan binibili ko na lang agad para wala ng pahirapan.

antuken said...

swerte. ;)

Anonymous said...

ang swerte mo naman!

RJ said...

damdam, natawa ko sa premyong deodorant mo. hehe.

RJ said...

queen miss chief, aah 9pm pala yung mga raffle sa mall? di ko alam yun. kaya nga natatamad akong magfillup ng mga raffle stub sa mga groceries kasi akala ko hokus pokus lang, sayang sa oras magfillup. hehehe.

RJ said...

insan jeck, i-blog ko pa rin kahit instant mami. ang thought naman eh minsan sa buhay sinuwerte sa raffle. hehe.

RJ said...

bishi, bili na kasi. hehe.

RJ said...

gasti, sisiw? i-prito mo na lang pangmeryenda rin yun. hehe.

RJ said...

chona at kuri, nasuwertehan nga. hehehe.