Thursday, July 1, 2010

5th

halfway na ng year 2010. sa totoo lang, napakabilis ng taon na to. kumbaga, parang premature ejaculation lang sa bilis. konting aksiyon, tapos. ganon lang siguro kapag very routinary ang ginagawa mo. work and after work.

ang gusto ko lang naman tumbukin, limang buwan na agad ang aking prinsipe. nakakatuwa sa tuwing nakikita ko ang mga latest pictures at videos na ipinapadala sakin. parang malayo man, malapit din. lalo akong naaatat makipaglaro at makipaghuntahan sa kanya. dumadami na kasi ang talent, bukod sa panonood ng kay angelica bilang rubi.


happy 5th month birthday sa'yo anak. one thing is certain, hindi ka aabot ng 6 months nang hindi tayo nakakapag-beerhouse nakakapag-bonding. i'll be home soon.

10 comments:

beero said...

ang kyut naman ng anak mo bosing. hehe. 5 months na pala sya. makikigreet na rin ako. happy 5th month birthday sa prinsipe mo.

at dahil di pa sya pwede magbeerhouse, kami na muna isama mo pag-uwi mo dito. hehe

prinsesamusang said...

wow! congratulations ardyey! ang pogi ng anak mo ah! happy 5th month sa kaniya, sabi ng nanay ko nung bata ako ganiyan din eh every month celebration. sana nga magkita na kayo agad, good luck!

Maldito said...

congrats dadi ardyey....yehey! toast for the goodlife!

Axel said...

ahahaha.. ang cute ng suot nya ah..

badoodles said...

pano ba bumati ng panglimang buwang bertdey? happy monthsari! sayong prinsipe.

pareho tayo tiis tiis muna sa ym para mapanood ang mga milestones ng anak.

a.r.d.y.e.y. said...

beero, pwede siya sa beerhouse siguro. di naman nya matatandaan yun. hehehe. biro lang.

a.r.d.y.e.y. said...

prinsesamusang, pogi talaga. hehehe. kaso kulay lang yata ang namana sakin. hehehe.

a.r.d.y.e.y. said...

salamat pareng maldito.

a.r.d.y.e.y. said...

axel, bigay ng mga lolo't lola nya iyan. mukha ngang nagtatrabaho lang sa talyer eh. hehehe. cute.

a.r.d.y.e.y. said...

pareng badoodles, kelan ang uwi mo pre? i'm sure malaki na at lalong nakakatuwa na ang baby mo. hehehe. sa paguwi mo baka magkaron na ng kasunod. hehehe.