nagcelebrate ng 3rd month birthday ang aking unico noong isang araw. ang bilis ng araw, para lang siyang hinihipan ng hangin kada araw.
2 week old pa lang siya noong umalis na ako para magtrabaho na ulit dito sa qatar. kaya nga excited na ko ulit para sa aming magiging unang pagkikita. hindi pa kasi siya nakakakita nung mga panahon na yon. pagbalik ko, makikita na nya ang ama nyang tall, dark and happy.
itong si yohan ay 2 years in the making. kay tagal hinintay. pero its all worth it. kakaibang saya ang dulot hindi lang sa aming mag-asawa kundi pati na rin sa buong pamilya. kahit nasa abroad ako at ang misis ko lang ang naiiwan sa aming anak, i can see the glow in her eyes sa kanyang pag-aalaga kay buncho.
punung-puno ng pagmamahal. siksik, liglig at umaapaw.
at ngayong tatlong buwan na siya, meron na siyang paboritong hobby tuwing magcha-chat kami sa gabi. ang panoorin sa tv si angelica panganiban bilang si rubi.
Tuesday, May 4, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
18 comments:
ayey....ang cute cute.have a safe trip pagbalik dito. dahlan mo ko ng buhangin...itatambak ko sa boardmate ko. salamat.
he he he
ang bilis ng araw... parang kakabati ko lang ng congratulations senyo.. 3 months old na pala si yohan...
Buti na lang kamukha ni Bachoinkchoink. Jowk! :)
manang mana sau pare si yohan. ilang alis-balik mo pa malamang may manugang kana. :p
cute ng baby mo :D
congrats pre. anlaki na ng baby boy mo. parang kelan lang, ngayon karibal mo na sa atensyon kay misis, tapos kay angelica pa.
Ang cute niya. Tyak pag uwi mo, meron na ulit isa pa. Ganda kaya lahi...
Guwaping ang anak mo, Pards! Matindi ang ngiti. Baka balang araw eh maging matindi rin iyan sa mga chikas tulad ng.... Hehehe
Kumusta ka na, Pards? Sorry at long time, no visit ako dito sa site mo. But I'm very glad to know that the past few months have been very happy and rewarding times for you and your wife. Ingat kayo lagi and Congratulations!
parang ikaw at siya ay iisa
maldito, kung naibebenta nga lang sa pinas yung buhangin dito mayaman na sana ko. hehehe.
gillboard, sobrang bilis nga, tamo, mag-4 na siya bago ako nakapagreply sa inyo. hehehe.
insan gasul, para na nga talaga silang pinagbiyak. hehehe.
kuri, sobrang fast forward naman yun. hehehe. kumusta si red?
salamat ferbert. =D
badoodles, lagi ngang ganon na lang ang nasasabi ko. parang kailan lang. excited na ko sa paguwi ko. hehehe.
francesca, salamat po. at opo, nililigawan ko na nga ulit si misis. hehehe.
panaderos, masarap ngang ngumiti ang anak ko. hindi matipid kaya nakakatuwa. nakaka-excite makipagbonding tuloy. hehehe.
ayos lang naman. uwi na ulit in july. hindi na rin ako naging busy sa blogging kasi. ingat ka rin, pards.
pablong pabling, oo. flesh of my flesh, blood of my blood.
Post a Comment