tuwing eleksiyon, laging naririnig sa mga kandidato ang pagsugpo sa korapsyon. naniniwala kayo? ako hindi.
let's take an instance sa kalsada. nagkaroon ka ng violation, hinuli ka ng pulis. kinuha ang lisensya mo at bibigyan ka ng ticket. tatakutin ka pa na kailangan mo pang kunin sa LTO office ang lisensya at umattend ng seminar. pero dahil busy ka at may trabaho, aalukin mo ng singkwenta ang mmda. magpapakipot pa ang hinayupak. aalukin mo naman ng isang daan. kukunin naman ng kumag na kunwari ay napilitan lang at ibabalik na sayo ang lisensya mo. sabay sabi ng "thank you ser, ingat".
lusot ka na sa aberya, may pangmeryenda pa ang hudas. and that's corruption right there.
ano ang point ko? nasa sistema at kultura na ito. cancer ng lipunan ika nga. hindi maaalis kahit sino pang presidente ang maupo. sa tingin ko, maliban na lang kung mai-modernize lahat ng sistema at patakaran sa gobyerno na walang makakalusot kahit gusto mong lumusot. well, mga 2 or 3 generations pa siguro magkakaroon ng pera ang pilipinas.
o kaya sabi nga ni batjay maliban na lang kung magkaroon ng delubyo. kumbaga sa laro, reset. ulitan.
Tuesday, April 13, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
ctrol alt del....
tama ka boss RJ
sana nga magbago na ng sistema sa pinas.
kung malabong mangyari aba e AYAWAN NA!
Post a Comment