Sunday, June 29, 2008

all hail the king!



David Diaz: "[The cut] didn't bother me, but I thought he had a knife. It's like he was hitting me with a blade. He was so fast that I thought, Freddie was punching me too."

enough said.

congratulations champ!

for more news: www.mannypacquiao.ph

Friday, June 27, 2008

re: kumbinasyon


lalaban na naman si idol manny sa linggo, kalaban si david diaz para sa WBC lightweight crown. gagawa na naman ng history si manny kapag natalo niya si diaz, wala pa kasing asian na nagkaroon ng apat ng world title sa apat na weight divisions.

sayang hindi ko na naman mapapanood ng live ang laban. lumulundag kasi ang puso ko sa saya kapag naaalala ko yung mga napanood kong mga laban nya na live. nandun kasi ang thrill at excitement na hindi mo pa alam ang kahihinatnan ng laban, kaya kapag nanonood ako ng laban, off ang cellphone ko lagi dahil baka may magtext na asungot na spoiler, na ipagyayabang na nanood sya ng laban sa sinehan kaya alam na nya agad ang result.

Marco Antonio Barrera 1

Juan Manuel Marquez 1

Hector Velasquez

Erik Morales 1 & 2 & 3

those were the days. hindi na ko nakapanood ulit ng live dahil sa lagi akong wala sa pilipinas at sa gabi ko na lang napapanood. alam ko na rin ang resulta kapag mapapanood ko na. wala na gaanong excitement. pero ayos na rin, at least nananalo ang manok natin.

pero sa kabila ng tagumpay at yaman ni mang manny ngayon, very humble pa rin siya at very down to earth, masa pa rin siya, hindi gaya ng inaakala ng iba diyan. sa totoo lang, nabubuwisit ako sa mga nagsasabing mayabang siya. subukan nyong ikumpara si manny sa ibang boksingero na kagaya ng status niya nang makita nyong hinahanap nyo. hirap kasi sa atin, minsan hinahatak natin pababa ang tao kapag nakakaangat na. minsan, ang gusto natin eh tayo lang ang magaling. bat hindi na lang natin iappreciate kung ano ang tagumpay nya sa ring sa ngayon. very rare ang mga achievements ni manny ngayon kaya namnamin nyo na habang hindi pa siya natatalo at nagreretire.

at ang iba ay kinukutya pa ang english ni manny, tignan nyo kaya iyong ibang mga boksingero kung nakakapag-english, ni hindi pa nga yata makaintindi at kailangan pa ng interpreter. bilib nga ako sa mga bisaya at kahit kaninong may ibang dialect bukod sa tagalog, mas marami silang alam na salita. eh kung ito kayang mga nangungutya na ito ang pagsalitain ng straight na english, ilaban mo ng inglisan kay manny na ngayon ngayon lang nakatapos ng highschool at galing sa hirap. magagaling kasi kayong mag-english eh. pakyu! pero aaminin ko rin, nakakatawa naman talaga ang erap jokes eh. hehehe.

ayan, obvious tuloy akong fanatic. hehehe.

goodluck mr. manny pacquiao. sa likod mo lang kami nangungulangot sa laban mo. manalo o matalo, naiukit mo na ang legacy mo sa puso ng nakararami. isa ka na sa mga future hall of famer. manalo o matalo, ikaw pa rin ang idol ko pero sana manalo ka talaga kasi sayang naman ang pusta kong 50 riyals sa amo kong kano.

* * *

kinuwento ko kay choinkchoink ko na meron akong kapustahan para sa linggo. natawa lang ako sa reply nya:

choinkchoink: goodnight daddy kong sugarol.

* * *

hango ito sa jackpot round ng constest na ‘sa pula, sa puti’ sa eat bulaga. parang ‘pass the message’ ang theme. yun nga lang, tanong ang ipapabasa at dapat tama ang sagot sa huli.

host: sa darating na linggo sa nevada, las vegas, sa anong weight division maglalaban sila manny pacquiao at david diaz?

at pagkatapos ng ilang bulung-bulungan...

final answer: very very much!

ang labo! hahaha!

Wednesday, June 25, 2008

like dreamers do

naka-receive ako ng isang article sa email tungkol sa kahalagahan ng workforce ng pinoy sa economy ng isang bansa tulad ng saudi. sinasabi rin dito kung gaano kagaling ang mga pinoy kumpara sa ibang mga lahi kaya pinoy ang mas preferred nilang kunin bilang mga empleyado. engineers, architects, nurses o maging pati mga blue collar jobs, hanggat maaari ay pinoy ang mas gusto nila. at masakit man pakinggan, pati nga mga pokpok na pinay, nagkalat na rin.

nung mabasa ko ito, nagkaroon ako ng identity crisis mixed emotions. di ko alam kung matutuwa ba ko o malulungkot.



natuwa dahil naging proud ako sa pagiging pinoy kahit papano. sa totoo lang, iba kung gumawa ang mga pinoy. bukod sa very flexible, merong diskarte pagdating sa kanya kanyang mga trabaho. ilang taon na rin naman ako sa abroad kaya masasabi ko na meron talagang kaibahan kung ikukumpara tayo sa ibang lahi. idagdag mo pa na madaling makaintindi at makapagsalita ng english ang mga pinoy.

honda-aderand, hindi rin naman yata nakakatuwa na ang pangunahing export na lang ng pilipinas sa mundo ay serbisyo ng tao. sabagay, overpopulated kasi ang pilipinas kaya mayaman tayo sa tao.

hindi ko rin maialis sa isip ko na mura lang ang upa sa mga pinoy kaya tayo ang laging kinukuha ng mga ibang lahi. sa konting halaga, they get their money’s worth ika nga. saan ka pa nga naman, effective at flexible na, mura pa. mababango na, kyut pa!

kailan kaya mangyayari yung tayo naman ang kukuha ng mga foreigners para magtrabaho sa pilipinas? yung tipong kukuha tayo ng mga japanese engineers para maging empleyado ng filipino firm, kukuha tayo ng mga chinese nurses para sa mga ospital sa atin. haaay nangangarap lang ng gising, kalokohan.

Saturday, June 21, 2008

babies in black

our babies are now on the 12th to 13th week, kaya bumalik si carol sa doktor para sa kanyang checkup. ang first trimester daw kasi ng pagbubuntis ang pinakamaselan, kaya pinag-ultrasound sya ulit para makita kung nasa tama ang paglaki na ang mga babies ayon sa kanilang age.

nagresearch din ako sa internet kung ano na ang status ng isang fetus na 12 weeks old, at eto ang resulta:

“Week 10: The fetus can bend, stretch, make fists, open hands, lift its head, squint, swallow and wrinkle its forehead.

Week 11: The fetus is now two inches long. Urination occurs.

Week 12: The fetus now breaths amniotic fluid, sleeps, awakens, exercises, turns its head, curls its toes and opens and closes its mouth.

Week 13: Fine hair has begun to grow on the head, and sexual differentiation has become apparent.”


as it turns out, eto ang nakita sa ultrasound (malabo dahil mms lang ito na isinend sa akin). i would like you to meet sila tee-wan and tee-tu, laging magkasama, sa lahat ng oras sila ay masaya:




aninag nyo ba? ako rin nung una hindi ko magets, kung hindi ko pa pinalagyan ng label. sa awa naman ni God ay healthy daw ang magbarkada at normal na normal ang heartbeats.

magkaharap ang dalawa, nagtsitsismisan na siguro. si tee-wan pa lang ang nalaman ang gender. yes pipol, i will have a baby boy. nakitaan kasi ng maliit na etits na malamang nagmana sakin. si tee-tu naman daw hindi pa malaman ang kasarian. ayaw magpasilip ng private part kasi naka-pahalang daw ang position, ang bata bata pa eh mahiyain na. Ang anak ko naman, nambitin pa. padyak daw ng padyak si teetu, siguro pedicab driver ito paglaki.

ang cute, parang mga kuting lang. hehehe ganito pala ang feeling. bawat bata talaga na pinapanganak ay isang himala. ang galing galing talaga. parang last month lang, kasing laki lang sila ng dalawang sago, ngayon buong buo na ang itsura nila. meron na nga raw silang buhok, buti pa sila.

ang lagi ko lang hiling, sana tuluy-tuloy pa ang healthy development nila sa mga susunod na buwan. sa walang mangyaring any untoward incidents. pati sana si choinkchoink ko ay maging maayos. nag-lose kasi siya ng 7 lbs dahil walang gana sa mga kinakain kahit laging gutom. sana ako na lang magbuntis para mabawasan ang timbang ko.

kaya nananawagan ako kung sino man ang magiging sponsor ng dalawa kong kuting, maaari na po kayo bumili ng mga gamit nila ngayon pa lang. baka kasi mahirapan na kayo sa november o december dahil madaming nagki-christmas shopping. pwede na po sila maglaro ng playstation 3 paglabas, kaya kung sino man ang magreregalo, our kids will be very happy to accept it.

Wednesday, June 18, 2008

sometimes i wish i was born in the 60's

10 years old pa lang yata ako noon ng maging peyborit kong banda of all time ang beatles. naimpluwensyahan ako ng mga pinsan ko, sa kanila ko kasi unang nakilala ang fab four dahil narinig ko na lang na pinapatugtog nila sa cassette. pati ang kapatid kong si trisha nahilig na din sa beatles, mas fanatic pa nga yata kaming mga kabataan kaysa sa magulang at sa mga tito tita namin.

inaabangan ko pa dati ang show sa RJTV 29 na beatles forever, tuwing sabado yata ito ng 5:00pm. at bago pumasok sa school sa umaga, bubuksan ang radyo sa 100.3 ng 5:00am to 6:00am dahil ito ay ang beatles hour.





the music of the beatles caters to all my moods, trips at pati age na rin. noon bata pa ko kasi, mas gusto ko ang music nila nung nagsisimula pa lang sila. tulad ng twist and shout, she loves you, please please me at iba pang mga pambata. pero habang tumatanda, nagiiba rin ang taste sa music. parang ang beatles mismo, nagrevolutionize ng husto ang music nila kumpara sa early days nila nung 60s. yung dating hindi ko gusto noon, yung dating nilalagpas-lagpasan ko lang, syet, napakagaganda pala.

at ito ang paulit ulit na pinapatugtog ko sa music player ko ngayon, ang happiness is a warm gun, sexy sadie at ang pinaka-ultimate ay ang something ni george harrison.

yeah, its definitely beatles forever!

Saturday, June 14, 2008

'history repeats itself': a father's day special

inaalala ko ngayon ang mga maikling panahon na nagkasama kami ng daddy noong bata pa ako. dati din kasi syang ofw mula pagkabinata hanggang pagkagraduate ko ng highschool, 20 years. at minsan sa isang taon lang sya nakakauwi ng pilipinas.

* tuwang tuwa kami kapag dumarating sya dahil lagi kaming pumupunta ng duty free pagkagaling sa airport. sa una nagkakahiyaan pa, pero pag dumampot na ng mga chocolates at laruan, wala nang hiya hiya.

* kapag nagpapamasahe siya sa aming magkakapatid, sinisingil namin sya ng sampung piso. kadalasan kapag tapos na ang masahe, hindi kami babayaran at magtutulug-tulugan na ang daddy. bilang ganti, binubugbog namin sya hanggang magbayad. ang sweet no?

* ayaw namin sya kasama manood ng tv sa gabi, kasi gusto namin nila mommy at mga kapatid ko sa mga maricel drama presents achuchuchuchu, si daddy naman nililipat lagi sa basketball.

* at kapag nanonood sya ng tv sa hapon, ayaw kong magpapakita sa kanya. kasi lagi akong uutusan bumili ng isang kahang yosi araw araw. buti ngayon hindi na siya nagyoyosi.

* kapag tapos na siya maglaro ng basketball sa labas, kumukupit pala siya ng barya sa alkansya kong garapon ng peanut butter pambili ng softdrinks. kaya pala hindi mapuno puno.

* sinamahan nya ko manood ng sine noon kahit labag sa kalooban nya. nanood kasi kami ng ‘captain yagit’ ni redford white, anim lang kami sa loob ng sinehan.

* si daddy ang nag-choreograph ng tinula ko noong elementary na ‘oh captain my captain’, sobrang bagal, talo tuloy ako. tapos narinig ko ang ibang version ng tula na yon sa kaklase ng kapatid kong kinder, mabilis pala dapat ang bigkas, ayun, panalo.

* may pagkakataon na madaling araw ang alis nya pabalik ng saudi, nagpaalam na siya sa amin ng gabi pa lang para makatulog na kami dahil may pasok pa kinabukasan. hindi nya alam umiiyak ako sa kama, sana hindi na siya umalis ulit. masarap ang kumpleto ang pamilya.

hindi nya natapos ang kanyang pagaaral, kaya’t maagang pumunta sa abroad ang daddy, para maging maalwan kami sa buhay at mabigyan kami ng magandang edukasyon. maaga siyang nakipagsapalaran sa abroad para maibigay nya sa amin ang mga hindi nya naranasan nung bata pa siya.

pagkatapos ng highschool hindi na bumalik sa abroad ang daddy. dumaan ang pagco-college ko at 2 years na pagtatrabaho sa pilipinas, ako naman ang ofw ngayon. parang 7 years lang kami nagsama ng matagal sa pilipinas. tapos ngayon, minsan na lang sa isang taon kami magkikita.

pero hindi bale, dahil sa inyong pagsisikap at pagtitiis na maitaguyod kaming magkakapatid, ngayong tapos na kami sa pagaaral at ganap nang mga professionals, relax ka na lang diyan at ienjoy ang pilipinas with the family. its time to return the favor.






ngayong magiging daddy na rin ako, kahit sandali lang tayo nagkasama, naipakita mo sa akin kung paano maging mahusay na ama. at ikaw ang aking role model.

happy father’s day dad. i love you.

Friday, June 13, 2008

bisyo na to!

pag si ardyey nainip...





sa 'chocolate' kumakapit.

Wednesday, June 11, 2008

hello? is it me you're looking for?

ang mahal ng international rate ng tawag at text dito sa qatar papuntang pilipinas. monopoly kasi ng Qtel ang linya ng telepono dito, hind katulad sa pilipinas na merong globe, smart, touch mobile at talk n text. ang isang sms ay pumapatak ng 6.50 pesos, ang mms ay 13 pesos. at ang tawag naman ay 30 pesos per minute.

importante ang communication sa mag-asawa, kaya kahit mahal, tumatawag ako at least once a week kay tabachoinkchoink ko. mga 30 minutes a week. kaya sa isang buwan ay gagastos ako ng humigit kumulang 5,700 pesos, call card pa lang! tangnangbuhayto, sweldo ko na sa kinsenas sa pilipinas yun ah!

pero nagpapasalamat na rin ako at kahit papano ay can afford akong bumili ng call card madalas para makatawag, dahil alam kong marami rin ang hindi maka-afford. umiiral lang ang pagiging reklamador ko, at hindi ko naiisip ang positive side. (pero paking shet naman kasi, limang libo??! call card??! are you kidding me? don’t kid-kid me huh!)

namimiss ko tuloy ang singapore, doon kasi sulit ang tawag. 10 pesos per minute lang kasi kaya para ka lang nasa pilipinas. hindi tulad dito, hindi mo rin gaano maenjoy ang usapan nyo kasi laging nagmamadali at iniisip kung ilang minutes na lang ang natitira.

wala pang internet connection sa bulacan sila tabachoinkchoink ko, at nakablock ang chikkatxt sa office kaya sa text lang thru cellphone ako nakakapagkwento sa kanya kung hindi man ako tumawag. kung mahaba naman ang kwento ko, mms na ang sinesend ko. pareho lang kasi ang rate kahit gaano kahaba ang message, may kasama pang sexy pics. yun yon eh.

sana magkaron na sila ng linya ng telepono para sa internet, mas makakatipid kasi kaysa mag-smartbrow. para naman makapag-chat na kami ng tuluy-tuloy at makatipid sa lecheng call card na yan. at makapag-liveshow na din tuloy, kwentuhan lang naman eh. (take-it-off! take-it-off!)

Saturday, June 7, 2008

a recognition for a 'mumay-to-be'

alam kong hindi biro ang pinagdadaanan mo ngayon, nasa stage ka pa kasi ng hindi matapus-tapos na hilo, kabag at pagsusuka. kwento mo nga sa akin, para kang laging may hangover. ang hirap kaya non, ako nga isang beses lang malasing eh para na kong mamamatay at sumusumpang hinding-hindi na iinom. eh iyan pa kayang araw-araw mong nararamdaman. pero lagi ko ring ipinapaalala sayo na kaya mo yan, na lahat ng naging ina ay naranasan at lahat ng dinadaanan mo ngayon. ikaw pa, mas astig ka pa nga kaysa sakin.

alam kong tinitiis mo rin ngayon ang pagbubuntis na hindi man lang kita maalagaan at mapagsilbihan. hindi ko man lang maibigay sayo ng personal ang mga gusto mong kainin. hindi ko man lang mailigpit ang arinola mo tuwing umaga. kapag sumasakit ang likod mo, hindi ko man lang mahilot. kapag nanggigigil ka, hindi ko man lang maipresenta ang mukha ko para makurot mo at masampal. pasensya ka na, wala ako sa tabi mo ngayon na you really need me most.

alam ko rin na mataas ang iyong mga pangarap sa buhay para sa atin at handa mo akong tulungan sa pagtatrabaho. kaya naman napakalaking sacrifice para sayo ang huminto muna saglit sa iyong career, para hindi ka mastress at matutukan mo kung paano maging healthy ang sarili at ang development ng ating babies. ni hindi pa nga natin alam kung makakapagtrabaho ka pa pagkapanganak mo, dahil tiyak na our babies will need most of the time of their parents. kaya napaka-dakila ng mga nanay talaga, handang i-giveup lahat para sa ikabubuti ng kanyang anak.

marami. marami kang tinitiis. kung tutuusin, wala nga itong tinitiis ko dito, dahil homesick lang. wala ito kumpara sa nararanasan mo ngayon. dahil dito sa qatar, sarili ko lang ang iniintindi ko. Ikaw, meron ka ng binibitbit, meron kang pananagutan na dinadala bukod sa sarili mo.

gusto ko lang ipaalam sa yo kung gaano ko naaappreciate all those sacrifices you are making. na nakarecord sa akin lahat ng yan at hindi ko nakakalimutan. kung gaano ako hanga sa tapang at sa laki ng puso mo, mas malaki pa sayo (5 flat ka lang mahal di ba? hehe ang cute). although magkahiwalay tayo ng napakalayo, gusto kong malaman mo na ikaw ang lagi ang laman ng isip ko. mahal na mahal kita.


ay susmiyo pagkacute naman ng ngiti ni tabachoinkchoink ko. miss na kita.

Wednesday, June 4, 2008

its been a long time, the cake's remain the same (beat on the doldrums)

dahil almost 2 weeks na ko mula nang magsimulang magtrabaho dito sa ras laffan, medyo nasasanay na ko at medyo bumibilis na rin ang oras kahit papano. kapag busy ka kasi sa trabaho, hindi ka na masyadong maiinip sa kakahintay ng muling paguwi sa pilipinas. eto ang aking daily activities mula sabado hanggang huwebes:

4:00am - magigising dahil tumutunog ang alarm clock. Pupunta sa kubeta para umihi. Babalik sa kama at iseset ulit ang alarm.

4:15am - maliligo, at maglalaba ng brief. pagkatapos ay magbibihis.

5:00am - maglalakad ng 1 minute para magbreakfast.

5:15am - sasakay at matutulog sa bus (15 minute ride) hanggang opisina.

5:30am - magbubukas ng pc, check email at ng blog. adik.

6:00am - work sa construction site. kasama na rin ang pagtambay.

11:00am - balik sa opisina, check email at ng blog. adik talaga.

11:30am - sasakay ng bus pabalik sa camp para maglunch.

11:45am - kain ng lunch na parang patay gutom, hayok na hayok.

12:00pm - lakad ng 1 minute pabalik sa room para matulog at magsiesta.

1:00pm - lakad ng 1 minute para sumakay ng bus pabalik ng opisina.

1:30pm - work sa construction site. Kasama na rin ang pagtambay.

4:30pm - balik sa opisina, make and submit daily report, check email at ng blog.

5:30pm - sakay ng bus pauwi.

6:00pm - dinner time

6:30pm - leisure time. nood tv (24 oras, eat bulaga, saksi, nba), billiards, gym.

8:30pm - tulugan time.

araw araw ganito. parang robot. pansin ko nga mula ng nagtrabaho ako pagkatapos ng board exam, parang bumilis ang panahon. unlike noong nagaaral pa lang, parang forever ang paghihintay ng graduation. pero ngayon, feeling ko parang kailan lang mula noong graduation ko nung 2004. isang araw magigising na lang ako, damatans na rin ako, at pagkatapos ay haharapin na ang death. ano ba yan, kung ano anong pumapasok sa isip ko.

Sunday, June 1, 2008

yaki

bakit kaya ang iba, kapag nagbabasa,
libro, yellow page, maging pati ang bibliya,
dahil madulas sa daliri ang pahina,
kinakalabit ang dila, para madakma.

ganito ka ba, kaibigan?
ako kasi hindi.