Thursday, October 30, 2008

i believe i can fly...


and now i will.

again.

* * *

habang binabasa nyo ito ay marahil nasa himpapawid na ako at nasa 9 oras na byahe papuntang qatar. magkahalo ang nararamdaman ko ngayon, malungkot at masaya.

malungkot: dahil alam naman nating lahat kung bakit, anim na buwan na naman kaming magkakahiwalay ni bachoinkchoink.

masaya: dahil walang tfc sa qatar, anim na buwan ko ding hindi makikita si willie revillame at ang kanyang araw araw na concert sa wowowee (huwag ka nang magpapaboogie).

walang pakialamanan ng trip.

Saturday, October 25, 2008

idol

dahil malapit na naman ang opening ng nba season.

disclaimer: ang ilang nilalaman ng post na to ay kabulastugan lamang at hindi dapat seryosohin. anumang pagkakapareho ng mga ito sa tunay na buhay ay pawang nagkataon lamang. bawal ang sensitive.

aba ginoong dwyane wade
napupuno ka ng highlights
kaming taga-hanga mo'y sumasaiyo
ubod kang pinagpala noong 2006
at tiyak na pagpapalain sa susunod pang years

oh dwyane wade, ang 2006 finals mvp
pakinggan mo kaming humahanga
mapanood ka sana namin ng live balang araw
kami'y nababakla natutuwa kapag ika'y naglalaro.


agoy!

* * *

habang naglalakad kami ni bachoinkchoink sa isang mall, nakakita ako ng dvd ng idol kong si dwyane wade. istorya ito ng buhay niya, kung paano siya lumaki sa drug infested neighborhood sa chicago, kung paano siya muntik nang hindi makapasok sa college school dahil bagsak sa entrance exam, kung paano siya nakilala sa basketball nung college hanggang sa mapadpad sa nba at magchampion nung 2006.

wala lang naikwento ko lang.



naalala ko, first time ko pala itong magkaroon ng original na dvd. parang nagiging panata ko na tuloy na sa tuwing bakasyon ko eh meron akong nabibiling memorabilia. ito naman ang mga nabili ko last year, na nagpapailing na lang sa asawa ko.





kaysa naman gumastos ako sa pambababae di ba?

Wednesday, October 22, 2008

slow down the clock

isa sa pinaka ayaw kong lugar sa pilipinas ay ang second floor ng ninoy aquino international airport. lagi kasing malungkot ang mood tuwing mapupunta kami dito. dito nagaganap ang mga huling babye, iyakan at habilin ng mga aalis para sa mga maiiwan. sumisimbulo ng ilang buwan o taon na naman ang dapat bunuin para makabalik sa comfort zone at makasama ang mga mahal sa buhay. at next week ay pupunta na naman ako sa impaktong lugar na yan.



pero nagpapasalamat na rin ako at binigyan ako ng amo ko ng 2 weeks extension dagdag sa ipinaalam kong 1 month emergency plus rotational leave. sabi nga ng daddy ko, sa tinagal nya sa abroad hindi pa niya natry magbakasyon ng ganon kahaba. sa wari ko naman eh base to base casis lang naman talaga dahil alam naman ng lahat kung ano ang nangyari sa amin. kahit gaano kahaba naman ang bakasyon, talagang mahirap kapag parating na ang bye bye time.

on the positive note, hinahanap hanap na rin ng katawan ko ang trabaho. meron kasi akong parang napagiiwanan na pakiramdam kapag matagal akong nakabakasyon. kailangan ko ng bumalik sa agos ng buhay at kailangan na rin madagdagan ang ipon kung meron para siyempre sa future at sa mga bayarin. kapag nasa bakasyon kasi, puro withdrawals ang makikita sa mga passbook sa banko ng mga ofw.

at kapag naaalala ko ang mga bagay na ganyan, nasusura na naman ako sa gobyerno ng pilipinas. talagang kahit saan mo tignan, talagang sa gobyerno ang sisi. kung bakit kailangan pang lumayo at mapunta sa ibang bansa para lang kumita ng kaunti. and so on and so forth so help me god.

tapos mababalitaan mong 7 million pesos ang baon ng isang general sa russia. tanginangyan.

tama na muna ang drama at pagkamuhi. manonood muna kami ng pba sa araneta.

Wednesday, October 15, 2008

once upon a rainy day

nilubos lubos ko na ang katamaran ng katawan ko kahapon. eto ang pangarap kong araw nung nasa qatar ako.

9:00am - nagising na lang ako na malakas ang ulan sa labas, at nakadantay sa akin si bachoinkchoink habang naghihilik pa rin. ang breakfast namin ay tinapang galunggong na may sawsawang suka't bagoong na galing pa ng malabon. sabay higop ng mainit jimm's 5-in-1 coffee.

9:30am to 1:00pm - nag-internet at naglaro ng aking itlog psp with my newly downloaded final fantasy VII: crisis core. kakasimula ko lang kanina, astig ang gameplay, story, graphics at cinematics. ito na yata ang pinakamagandang title sa psp bukod sa gta series. ang lakas mangubos ng oras.


1:00pm - ang lunch ay piniritong breaded porkchop at meron pang ceasar's salad.

1:30pm to 7:00pm - internet at pototoy psp ulit. oo xerex, hindi pa ko naliligo.

7:00pm - meron din pala akong nagawang kapaki-pakinabang kahit papano. tinulungan ko ang daddy sa pagiihaw ng mga dambuhalang pusit na amoy tocino dahil marinated.


sarap kumain ng matatabang mga galamay na sinawsaw sa toyomansi habang malamig ang panahon. nyaawr!



pasensya na talaga sa mga kaibigan kong wala sa pilipinas at naglalaway, makakaganti rin kayo hehehe.

8:00pm to 10:00pm - nag-internet ulit at tinapos ang post na 'to. oo xerex, ngayon pa lang ako maliligo.

* * *

natutuwa ako dahil nakapagsimula nang magsulat si bachoinkchoink ko sa kanyang blog. pwede nyo siyang bisitahin dito.

napapagod na rin siguro siya kakakwento sa mga nagpapakwento sa nangyari. kaya minabuti niyang magkaroon ng official statement sa mga press release.

Monday, October 13, 2008

twist and shout

sa isang tindahan tulad ng watson's, may customer na nakapila at magbabayad na sa cashier...

cashier: (shouting to the stockboy) "magkano trust lubricant?, walang presyo ito!"

stockboy: (shouting back to the cashier) "saan yan? anong aisle?!"

cashier: (shouting back to the stockboy) "ano ka ba?, dyan lang yan sa mga condom!"

stockboy: (shouting back to the cashier) "puro trust condom lang nandito walang lubricant! hindi ko produkto 'to tawagin mo yung trust stockboy!"

cashier: (goes to the PA system) "paging trust stockboy, paging trust stockboy!, paki-replenish lang trust lubricant, may customer dito kanina pa naghihintay!"

customer: "di bale na lang miss..."



note: this is NOT a true to life story of the owner of this blog.

Friday, October 10, 2008

i'll eat you dirty

kapag nasa abroad, kahit anong sarap ng pagkain na ihain sa iyo ay hahanap hanapin mo pa rin ang mga pagkaing kinalakihan mo at ang nagpapaalala sayo ng bansang iyong pinanggalingan. kapag meron ngang dumadating galing pilipinas, isang espesyal na pasalubong para sa mga ofw ang makatikim ng bagoong, galunggong, daing, sardinas at iba pa na hindi mahahanap sa abroad.

bawal ang baboy sa qatar (although may nagbebenta rin underground), nakakapaglaway kapag mayroon nagdadala ng adobong baboy, chicharong baboy o kahit ano basta may baboy. namimiss ko rin ang binababoy kapag nasa qatar. hindi katulad dito sa pinas na sagana sa baboy. madaming baboy. tanginang mga baboy. teka, pagkain nga pala ang topic ko...

in a certain amount of time na nasa overseas, pinagkakaitan ka ng pagkakataon na makakain ng mga gusto mong makain na very available sa bansang pinanggalingan. kaya sa tuwing nakabakasyon, i see to it na makakain ng mga pagkaing matagal ko nang hindi natitikman. ang pinya.

at noong isang araw nga, habang sinamahan ko si bachoinkchoink sa bayan para magpagupit, nadaanan namin ang isang umpok ng mga tindero ng fishballs at malaking kwek kwek. streetfoods. pinipigilan at kinokonsensya pa ko ni bachoinkchoink dahil nga dugyot at madudumi ang mga iyon, sagana rin ito sa pagkakaroon ng hepa-A at gastroentiritis. pero nanalo pa rin ang katakawan ko. ang point ko naman, walang ganun sa qatar kaya once or twice a year lang ako makakakain ng ganun, kayang kaya naman siguro itolerate ng tiyan ko ang mga dumi at bacteria non.

sinong makakatanggi sa sarap ng lumalangoy na fishball sa mantika sa bangketa, sabay sawsaw sa masarap na suka na puno ng sibuyas at may sili, o kaya sa matamis na sauce na pambata?

namiss kita, oh fishball ni kuya...


at sinong hindi tatakamin sa sarap ng coating na orange na ibinalot sa itlog ng itik at ibabad ito sa mangkok na may suka rin?

namiss din kita, oh itlog ni manong...


isang patunay iyan na hindi mo kailangan ng maraming pera para lang lumigaya, para sa kin, isa ito sa mga simple pleasures in life.

PS: at kapag nakatiyempo pa ako ng hilaw na mangga at singkamas na nakasakay sa tricycle na de-padyak with masarap na bagoong na binudburan ng asin... yari ka sa kin.

Friday, October 3, 2008

children of valentines

last trimester ng taon ang pinakapaborito kong season. madaming reasons para maging favorite ito. christmas, new year, bigayan ng bonus, at ang malamig na simoy ng panahon. ito ang tamang panahon para dumiga at magtapat ng nararamdaman kung gusto mong sagutin ka ng nililigawan mo. mapalalake man o babae, gusto ng kahit sino ng kayakap kapag nagiinit nilalamig. pero ibang topic yan.

pagtapak kasi ng ber months, panahon na ng kabirthdayan ng aming pamilya. september si trishabiik, october si mommy at bunso, ako ang sa november at si daddy ang december. ewan ko kung sinasadya iyan pero hindi ko pa natanong sila mommy at daddy.

at ngayon nga ang 51st birthday ng pinakamamahal kong mommy. hinatid ko sila sa naia 3 at nagpunta silang apat sa bohol para magbakasyon saglit. hindi kami kasama ni bachoinkchoink dahil nasa qatar pa ako supposed to be at 7 months na ang kambal supposed to be. kaya kami ang taong bahay ngayon dito sa valenzuela, parang practice na rin bilang magasawa na may sariling bahay. ang hirap pala magisip ng uulamin sa maghapon, naubos na nga ang mga naisip ko: sardinas, cornedbeef, luncheon meat, hokkaido mackerel, hotdog at itlog na pula with kamatis.

happy birthday mommy! labyu!

* * *

napapansin ko, buwan ng oktubre ang pinakamaraming merong may birthday. kung ikukumpara sa ibang mga buwan, laging angat ang bilang ng mga nagdidiwang sa buwan na to. napapaisip tuloy ako kung kailan ginawa ng kanilang mga magulang ang mga octoberians...

september... august... july... june... may... april... march... february!

talaga palang may epekto ang mga nararamdaman nating lindol tuwing buwan ng mga puso (daw). lalo sa edsa-balintawak at malate, kung saan naulat na mga sentro ng lindol.

Thursday, October 2, 2008

caregiver

kung hindi nangyari ang mga ayaw nating mangyari, sa bulacan sana muna titira ang aking magandang asawa at aming mga anak. iyon ang plano. sa katunayan, under construction ngayon ang extension ng bahay para sa aking magiina. mahirap pa kasing bumukod agad kami kung lalagi pa naman ako sa abroad at iiwan ko si bachoinkchoink sa pagpapalaki sa dalawa. kaya napagdesisyunan namin na doon muna kami sa kanila para may kasama siya sa pagpapalaki sa dalawa habang sanggol pa sa tulong ng kanyang pamilya.

pero we were caught unguarded. walang nag-akala na mauuwi sa ganon ang story.

kaya mula nung dumating ako dito sa pilipinas almost three weeks ago, doon sa bahay nila bachoinkchoink sa bulacan muna kami nakatira. doon, ako ang kaniyang alalay/nurse/caregiver/driver/runner/katsismisan. doon ko binubuhos ang aking tender loving care para gumaling agad ang kanyang sugat, physically and emotionally.

ngayon ako bumabawi sa kanya dahil nung naglilihi siya, wala siyang mapaginitan at mapahirapan sa paghahanap ng mga gusto nyang kainin gaya ng mga napapanood sa pelikula.

twice a day kung linisin ko ang sugat nya sa puson. ako ang naglilinis at nagpipiga ng sugat para kumatas ang nana, nagpapahid ng ointment at nagpapalit ng gauze pad. ako ang nagbabangon sa kaniya tuwing maiihi siya sa madaling araw, at naglilinis ng arinola sa umaga. etsetera etsetera.

lahat nang iyan ay masaya kong ginagawa, bawat task ay isang masarap na kiss ang aking gantimpala. para akong dolphin sa isang dolphin show na nag-aabang ng reward na isda pagkatapos ng isang trick.

Sunday, September 21, 2008

Ba de ya - say do you remember

kapag sasapit ang ika-bente uno ng setyembre, isang kanta lang ang lagi kong naaalala. ang september ng earth, wind and fire.


kapag naaalala ko naman si maurice white ng earth, wind and fire, naaalala ko si ben tisoy.

at kapag naaalala si ben tisoy, gusto kong maniwala sa darwin's theory of evolution

and speaking of ben tisoy...

nasaan na kaya siya?

* * *

happy 22nd birthday din sa maganda kong kapatid na si trishabiik.

Wednesday, September 17, 2008

recap

september 10 nang dalhin sa ospital si bachoinkchoink dahil sa contraction ng kanyang tiyan. nang mawala ng bahagya ang pananakit dahil sa mga gamot at turok, under constant monitoring na siya at kambal sa delivery room maya't maya. hindi pa muna inultrasound at minonitor lang ang heartbeats ng dalawa, at normal naman. ang unang plano ng mga doktor ay magstay na si bachoinkchoink sa ospital hanggang sumapit ang ika-7th month ng kanyang pregnancy para makapagcomplete bedrest talaga siya sa ospital, siya ay nasa 6th month sakto pa lang.

september 12, 3:00pm, nang isagawa ang scheduled ultrasound sa kanyang tiyan at doon na nga nagconclude ang doktora na very very slim or almost impossible ang survival ng dalawa kong anghel. nagkaroon na kasi sila ng tinatawag na twin to twin transfusion syndrome. sa madaling sabi ay sharing sila ng veins at nutrients na tinatanggap, merong donor at recipient sa kanila. kaya ang resulta, payat na payat at halos walang dugo ang isa, samantalang malaki at puro tubig naman sa katawan at ulo ang isa. nagiging visible lang daw ang ganitong problema bago dumating ang 26th week.

halos wala na daw magagawa para sa survival ng dalawa kahit pahinugin pa sila sa tiyan ni bachoinkchoink ng another month. so we decided na tanggalin na sila sa tiyan and hope na masurvive sila, kaysa sa loob pa sila mamatay at madamay pa ang maganda kong asawa.

hindi ko pa alam ang totoong sitwasyon noon. ang sabi lang sa akin ay ini-schedule na daw ng c-section si bachoinkchoink at umuwi na daw ako. friday noon kaya walang tao sa opisina kaya hindi ako makapagpa-book ng flight agad agad. nakausap ko pa ang asawa ko bago siya manganak, and she seems to be excited and ecstatic sa pagkakabalita nya sa kin, to assure me that everything is alright. although nalaman na nya sa ultrasound na ang survival rate ng mga bata ay 1% lang. doon ako sobrang touched kay bachoinkchoink, kahit sa ganoong sitwasyon ay ayaw nya akong mag-alala habang ako ay nasa malayo.

ceasarian section... groggy na si bachoinkchoink ko ng marinig nya ang unang umiyak na sanggol. 3 seconds. yun lang ang itinagal ng 'recipient' twin na puno ng tubig ang katawan. 2.5 liters of water was removed from her body. pinaalalahanan din sya ng doktor na wala na nga siya.

2nd baby comes out, at halos isang dangkal lang siya at payat na payat. tinutulungan ng parang bag para lang makahinga. 10 minutes lang siyang umiyak at pagkatapos non ay wala na. pagkatapos ay another 3 liters of water has to be removed from her womb.
hindi na nakita ni bachoinkchoink ang aming babies, pero narinig niya ang sandali nilang pagiyak.

at doon pa lang ibinalita sakin ng daddy ko ang nangyari nang tumawag siya sa akin sa qatar. alam ko namang anything can happen kaya i already braced myself to hear the worst. nang marinig ko ang boses ng daddy kong "hello jay... wag kang mabibigla...". that's it. alam ko na agad ang ibabalita nya. ang concern ko na lang ay kung kumusta ang asawa ko pagkatapos ng operasyon. tinanong din ako kung ibuburol pa ba o ipapalibing na agad. sa totoo lang, parang ayaw ko makita ang sitwasyon nila. sabi nga rin ng daddy ko, hindi rin makakatulong sa aming mag-asawa.

september 13, 2:00pm, nang ilibing ang dalawa naming anak sa iisang lalagyan.

september 14, 5:00pm, doon pa lang kami nagkita ni bachoinkchoink sa ospital derecho galing ng airport. everybody was cool and joking around, to keep the atmosphere happy. oo malungkot, pero mas nananaig sa amin ang pagiging thankful dahil walang masamang nangyari sa bachoinkchoink ko.

kapag pinatagal pa ang twins sa loob, baka mas masama pa ang mangyari sa asawa ko. kung magsurvive man ang isang baby, maaaring abnormal at puno ang complications. kinuha na agad sila ni Lord para hindi na nila maranasan ang mga iyon, at iniligtas din ang asawa kong maganda sa sakit ng dulot ng pagbubuntis nya.

* * *

ang mga anghel naming umakyat na sa langit ay identical twin girls pala. hindi rin pala 100% reliable ang ultrasound results.

* * *

gusto kong magpasalamat sa aking mga kaibigan, kakilala at mga napadaan na nagpahatid ng kanilang panalangin, sentimyento at comments para sa aming pamilya sa pagkakawala ng pinakahihintay naming mga anghel. salamat sa mga nakihintay, naki-update, nakisabik, nakiramay at nakidalamhati.

alam kong lahat tayo ay naging excited habang palapit ng palapit ang kanilang pagdating pero minsan may kaloob ang langit na dapat nating tanggapin sa ayaw natin at sa gusto.

especially sa mga kaibigan kong nag-effort pa ng pagpost sa kanilang mga blogs, hindi ko rin maisalarawan kung paano ako relieved nacomfort at may virtual akong mga kaibigan na concerned. parang 'tccic' ba.

1. insan gasoline dude
2. lyzius
3. mareng betchay aka utakmunggo
4. mariano
5. ms. maru
6. ron turon
7. pareng badoodles
8. chico
9. trishabiik

maraming salamat sa inyong lahat. kung meron man akong hindi alam, kalabitin nyo na lang ako. gustu kong malaman nyo na naappreciate ko kayo.

let's cheer up and move on. standby lang kayo at magse-second honeymoon muna kami. =D

Friday, September 12, 2008

all of a sudden

wala na sila. kailangan na sila sa langit.

uwi na ako ng pilipinas bukas.

Thursday, September 11, 2008

drama-rama with professor X

sa istorya ng buhay, hindi pwedeng laging smooth ang mga bagay bagay. laging merong problema, laging merong drama para mas exciting ang plot. gustuhin man nating maging smooth ang pagbubuntis ni bachoinkchoink at paglabas nila kambal, merong drama in between to spice things up.

muntik na kong mapa-emergency leave kanina. nagpa-confine kasi sa CGH si bachoinkchoink dahil nananakit ang tiyan, likod, tagiliran, lahat, dahil hindi maka-wiwi ng maayos (isang kutsara kada sampung minuto) kaya hindi siya makatulog ng normal for the past few days dahilan ng pagtigas at pagkasakit ng tiyan. dahil siguro malaki na ang mga dobol trobol sa loob, naiipit na ang pantog niya at hindi makapag-function ng maayos.

ready na talaga akong magpaalam sa amo ko na uuwi ako, kaso pagkatawag ko kay bachoinkchoink kaninang umaga ay nasa ospital na siya at okay na rin ang sitwasyon. she feels fine at ang pakiwari ni doktora ay baka magpremature siya, kung sakali ay next month which is 7th month. matigas na raw kasi ang tiyan. kasi naman, 5 flat lang si bachoinkchoink ko tapos kambal pa ang baon, astig.

hindi ko na itinuloy ang balak kong paguwi, for the meantime. pinigil na rin kasi ako ni bachoinchoink, ok na raw naman at wala naman akong magagawa rin. in two to three days, lalabas na rin siya ng ospital. mas gugustuhin pa namin na ang stay ko sa pinas ay ang pag-aani sa aming dalawang chikutings. kung next month ako mage-emergency leave, mas ayos. november pa kasi ang appoved vacation leave ko.

* * *

ang hirap din ng maging ofw, para kang si professor x. libangan ay ang mag daydream ng kung ano-anong mga nangyayari sa pilipinas. wala ako doon physically, pero nandun ang utak at isip ko.

wala ako doon para magasikaso sa asawa kong buntis, hindi ako makatulong, hindi ko siya maalagaan specially for times like these, (you need a juicy). lagi lang naka-antabay kung anong mga mangyayari. naguutos sa mga makakagawa at makakatulong in my absence. buti na lang very supportive ang aming pamilya at lagi silang naka-alalay.

si professor x ay para ding matinong ofw tulad ko (ehem!), walang sex life.