ang kamatayan at ang pagkakasakit ay mga paraan para laging maipaalala sa ating mga tao na tayo ay mga mortal na nilalang. kapag mayroong namamatay na malapit sa atin, meron itong mensahe na nais iparating sa mga taong naiwanan. kapag nagkakasakit naman tayo, ito ay gumigising sa atin na may hangganan din ang ating lupang katawan at maaari itong mamatay any moment.
kadalasan, hindi ito naiisip ng mga taong walang nararamdamang sakit sa katawan. lalo ng mga kabataan na nasa rurok ng kanilang kakisigan,
invincible ang pakiramdam nila sa kanilang sarili. na hindi sila tatanda. na walang anuman ang makakapagpabagsak sa kanila. na habambuhay silang magiging bata. na hindi sila madadapuan ng kahit na anong sakit. na… nana… nananana… hey jude.
ako, kahit nasa katigasan ng aking pagkalalaki pa lang, naranasan ko na kung paano
magsystems down ang aking katawan. tatlong beses na akong hinihimatay. noong elementary, dalawang beses ako tumumba nung nagkaroon ako ng mataas na lagnat. buti na lang, dalawang beses din akong naispatan ng mommy na susuray-suray bago ako bumagsak kaya nya ako nasasalo. parang artista na naghintay muna ng tagasalo bago bumagsak. pero walang halong arte yung sakin.
akala ko hindi na yon mauulit. akala ko dahil matigas na ang
titi katawan ko, kaya ko ng saluhin ang sakit kung tamaan man ako. gusto ko pa ngang i-dare ang sarili ko na kalabanin ang antok kapag uminom ako ng sleeping pills. kaso naalala ko, kahit walang gamot eh likas sakin ang pagiging antukin. kaya hindi ko na tinuloy.
noong july 2006, nagising na lang akong may lbm. hindi pa ako nakapagbreakfast nung pumasok ako sa opisina. nilalagnat at giniginaw na rin ako nung nasa opisina. naninilaw na ang paningin ko at nung magpapaalam na akong maghalfday… (blag)… nagising na lang ako na nakatungo ang mga kaopisina ko sakin. nakahiga na pala ako sa sahig. para daw akong trosong sinibak ng magkakahoy nung tumumba(ibang sibak ang iniisip mo, gago). naalala ko, hindi ako tinulungan agad ng kaibigan ko kasi akala nya umaarte lang ako. joker daw kasi ako. huwag daw akong ganon, umayos daw ako, hindi daw magandang biro yon.
sa mga nangyaring yon, ramdam na ramdam ko na may limitation ang mura at ma-alindog kong katawan. tuloy, nakapagpauso tuloy ng tawag sakin ang maganda kong asawa: santo roberto juanito tumbatito (hmmm... bachoinkchoink ko talaga so kyut kyut, papisil nga sa pisngi. tara, ligo tayo? hehehe).

at ang pinakalatest ngayon, meron akong iniindang
gout na nagpapakirot sa bandang likuran ng aking left heel. nagmula ito last year noong nasa sakhalin russia ako, dahil sa dami ng tinira kong
sunflower seeds. ang sakit! kaya ramdam ko na agad kung ako ang pakiramdam ng mga matatanda. the gouty 25 year old. kaya kapag nagbabasketball, sumasakit sakit pa rin ang paa ko lalo after the game. hindi ako makalakad ng diretso. para akong bigat na bigat sa sarili kong bayag.
moral lesson of the story: huwag ibubuka ang bibig kapag pinapanood ang sariling ebak na bumagsak sa kubeta.
* * *

akala ko nagdadalaga na ang kumpare kong talentado na si
ron turon kaya nya ako pinadalhan ng invitation para sa kanyang 18th birthday, hindi pala. binigyan nya pala ko ng award o kung ano man ito sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. hindi ko alam kung kikita ba ako dito o baka may perang nakaipit sa loob. hehehe. biro lang. maraming salamat sayo pareng ron turon. =D
* * *

pati na rin sa kaibigan nating si
madbong galing pa ng new zealand, nagpadala pa ng package via
lbc, hari ng padala. mukhang mabigat, siguro mahal ito kung ipapakilo ko sa mga bakal-voiz. mabulaklak at kumikinang pa, para lang akong nakatambay sa loob ng
reyes haircutters. hehehe salamat pareng madbong. =D