Wednesday, October 13, 2010

caught on bad

"time to wake up! time now is... four forty-five AM..."

"shit, nag-snooze na naman pala ang alarm ko."

nagising ang lalaki sa tunog ng kanyang alarm clock. nagmamadali siyang tumayo at pupungas pungas na pumunta ng banyo.

tumingin sa salamin. tinitigan ang sarili. ngumiti.

nagsipilyo. naligo. nagba....nlaw, nagbanlaw. nagpunas. nagbihis. lumabas ng banyo.

"gusto ko magtimpla ng chocolate drink. kaso male-late na ko. hayun! buti na lang nandito pa yung bote ng gatas na ininuman ko kagabi. dito ko na lang isasalin ang chocolate at dito ko na lang iinumin", ang wika ng lalaki sa kanyang sarili.

patay pa ang ilaw sa silid dahil natutulog pa ang kanyang roommate.

binuksan ang bote. isinalin ang chocolate powder. naglagay ng maligamgam na tubig. shake. shake. shake.

lumabas ng bahay. naglakad papunta sa sakayan ng bus. binuksan ang bote. tinungga. lunok. lunok. may nakapa ang kanyang dila na magaspang.

"siguro'y buo-buo pa ang chocolate, hindi pa siguro nahalo na mabuti. hayaan mo na siya", ang sabi ulit ng lalaki sa kanyang sarili. hindi pinansin ang nakapa ng dila na magaspang. tuloy sa paglagok.

"puta, bakit parang may stick?!"

kinabahan. kinagat ng lalaki ang 'stick' sa kanyang iniinom na chocolate at hinila palabas ng bote. idinura sa lupa.

at doon tumambad ang naghuhumindig na dalawang pirasong cotton buds na kanya palang ginamit kinagabihan at itinapon sa loob ng bote ng gatas na walang laman.

lumingon-lingon. walang nakakita. masuka-suka si lalaki.

end of story.


moral lesson: dispose your trash properly.

trivia: the lalaki is me.

Sunday, October 10, 2010

and now the end is near

pagkatapos ng halos tatlong taon ko dito sa qatar, halos patapos na rin ang planta na ginagawa. impak, bilang na ang mga araw ko dito sa qatar.

kaya nga 'no-permanent-address' ako. dahil palipat-lipat ang aking workplace. ganon naman talaga sa construction industry. kung nasaan ang project, nandoon din ang pera. masaya rin dahil you travel a lot. yun nga lang, kadalasan ay hindi tourist destination ang punta. pawis at buhangin. sa kasagsagan nga ng summer, para kang siomai na nasa steamer. ganon.

gaya ng karamihan, contractual. after ng project, tapos ang contract. meaning, hanap ka na naman ng malilipatan. putol ang sweldo at diyan papasok ang financial insecurities dahil hindi mo alam kung kailan ka ulit magkakaroon ng susunod mong trabaho.

eto ang mga munti kong tips kapag panahon na ng uwian o tag-tuyot:

1. plan ahead, fly them cv's - kung alam mong malapit nang matapos ang kontrata mo, mag-umpisa ka nang magpalipad ng cv mo. give time para sa mga employer na mareview ang papel mo. hindi mo naman maeexpect na tawagan ka nila 10 minutes pagkatapos mong magsubmit. libre lang naman ang email.

2. keep off loans - gaya ng #1, kung alam mong malapit na ang end date mo, huwag ka munang kumuha ng housing loan or car loan na hindi mo sigurado kung kaya mo pang bayaran pagkatapos ng kontrata mo.

3. try to save at least 6 months of your salary - just to be safe kung mahirapan kang makahanap ng susunod mong trabaho.

4. at kung sakaling makahanap ka na ng bagong trabaho sa ibang kumpanya, don't burn the bridges sa dati mong pinagtrabahuhan. sa panahon ng gipitan, maaari mo pa ring malapitan ang mga dati mong amo at kasamahan.



"Pearl GTL is a gas to liquids (GTL) project based in Ras Laffan, Qatar. It will convert natural gas into liquid petroleum products. When constructed, it will be the largest GTL plant in the world." - wiki

Thursday, October 7, 2010

if you liked it then you shoulda put a rubber on it

nagtatalo ngayon ang gobyerno at simbahang katoliko patungkol sa isinusulong ng una na reproductive health bill.

ang sa gobyerno, malaya ang mamamayan na makapili ng gusto nilang pamamaraan ng pagbi-birth control, either natural or artificial method. Katunayan, bibili ang gobyerno ng condoms, contraceptive pills, at injectibles para sa susunod na taon na nagkakahalaga ng php 400 million. at ipapamigay daw ito ng libre sa mga health centers.

ang kay padre damaso naman, immoral daw ito. abortion na daw maituturing iyon. ha? ano daw? ito talagang mga ito, ang gagaling magpatawa. ginagawa pa nilang basehan ang bibliya na humayo daw at magpakarami. kung ang bilang ng tao ay kasingdami lang ng mga nakasakay sa arko ni noah, maniniwala pa ko sa mga ito. pero kung aabot na sa 100 milyon ang tao sa kakarampot na lupa ng pilipinas kong mahal at gusto mo pang magpakarami, tangina naman. give me a break.

may balita pa raw na ititiwalag daw nila sa simbahan si president noynoy dahil suportado nito ang RH bill. ayos din naman ano? ang mga masakerista, mga rapist, mga big-time corrupt etc etc eh wala akong nabalitaang itinitiwalag. excommunicate mo your face.

naisip ko tuloy na kaya matigas ang mga pari patungkol sa condom, hindi naman sila ang makikinabang dito. hindi naman sila nagko-condom. may nagko-condom ba ng nagtitikol lang?

on the other hand (hindi sa pagtitikol), naisip ko lang din naman. paano naman kaya ang padidispose ng sangkaterbang condom na ito? malamang, karaniwan nang magiging tanawin ang makakita ng lumulutang na condom sa mga kanal, estero at ilog. pag dumating ang baha at bagyo, wag ka na magtaka kung may condom na lulutang lutang papasok ng bahay mo. mauuso rin siguro ang wash and wear condom para makatipid. makikita mo na lang na nakasampay sa mga bahay-bahay at pinapatuyo ang bagong hugas na mga condom. how lovely.


sa injectibles at contraceptive pills naman, kada taon ba ay gagastos ng ganon kalaki ang gobyerno para lang ma-accommodate ang family planning ng mahihirap? dahil ang paggamit ng pills ay tuloy tuloy. Kung pumalya ka pa nga ng inom ang babae, mas malaki ang chance na mabuntis ang babae.

hay naku naman talaga si juan dela cruz. iiyot na nga lang ang sakit pa sa ulo.

Sunday, October 3, 2010

the representative

kapag tumapak na ang mga 'ber months', masaya kadalasan ang atmosphere sa amin dahil sunod sunod na ang birthdays naming pamilya.

september si ate, october si mommy at bunso, november ako at si daddy ay december.

at ngayon nga ang birthday ni mommy. pero wala ako sa pilipinas kaya pinadala ko na lang ang aking representative para makasama nila.




ang aking best gift ever sa kanila, na bagong diwang din ng kaniyang ika-8th month. love you all.

Monday, September 20, 2010

ang hapdi. bow.

ang almusal ko'y lucky me chili,

meryenda ko'y mani na may sili,

nang maupo ako saking trono,

tangina. pwet ko ang hapdi.

a 20 year old photo



happy birthday, shang.

miss you.

Sunday, August 1, 2010

eat all you kan-in

sabi ng wikipedia, 9% lang ng mga rice lands dito sa bayan ng sta. maria, bulacan ang irrigated at 91% ang rain fed or yung umaasa lang sa tubig ulan para makapagtanim ng palay. kasama sa rain fed rice lands ang nabili namin last year.

kaya naman dahil sa tag-ulan na, nagpatanim na rin kami ng binhi ng palay. narinig ko naman kay kuya kim, 100 days bago maging ganap ng palay ang naitanim na mga binhi.



konti lang ang palay na aanihin dito dahil maliit lang din naman ang lupa. kaya malamang na for personal consumption lang silbi nito at hindi for business.

iniisip ko nga, kikita pa siguro ako kung marijuana na lang ang itanim ko.

nga pala, happy 6th month birthday sa'yo anak.

Tuesday, July 20, 2010

i therefore conclude

sobrang init sa qatar ngayon, sobrang humid. nakakatamad.

ngayon nasa pilipinas kong mahal na ko ulit, maulan naman at malamig. nakakatamad din.

so anong conclusion?

magkaiba lang talaga ang climate ng qatar at pilipinas. oo ganon nga.

Wednesday, July 14, 2010

lucky me

noong elementary ako, lagi kong gawain bago pumasok at pagkalabas ng school ang tumaya sa pabunot sa mga nasa bangketa; mga sisiw na mukhang galing sa poultry ni dennis rodman dahil iba iba ang kulay, itik, brand new gameboy (na nakalagay sa supot ng yelo, mukhang pinaglumaan na sa dugyot), mini-portable electric fan, pambura etc etc.

iba ibang pakulo; merong bubunot ka ng papel at babasain mo sa tubig para makita mo yung nakasulat na chalk kung check or ekis (oo minsan nandaya na ako. meron na akong naka-ready na papel sa kamay pagdukot), merong bubunot ka sa isang banig ng tiket at makikita kung panalo ka o hindi, merong pinball style na takang taka ka kung bakit sa trial eh lagi ka nananalo, pero sa actual, laging naiipit ang bola sa mga pako. etc etc.

wala akong natatandaang nanalo ako sa mga raket ng mga manong at manang nung bata pa ko. ang dami ko na rin sigurong naipatalo. at least, nakatulong ako sa hanap buhay nila. nakatulong ako sa pagpapalaki ng mga anak nila. tangina.

kung mababasa nga ng mommy ko ang blog ko na to, malalaman nyang hindi sa masusustansyang pagkain ang binibili ko sa school. dito sa mga ito napupunta.

pero kagabi, nanalo ako sa wakas. wala pang taya, walang puhunan. maganda lang siguro ang hula sakin ng horoscope kagabi.

Saturday, July 10, 2010

bienvenido a miami

dwyane wade and the miami heat welcomes lebron james and chris bosh to form the latest big three in the nba.

i salute these three for making all the necessary sacrifices for making this possible. not just for sacrificing for sharing the spotlight and maybe significant drop of their individual stats come this season, but also taking less money to accomodate the others in order to have a great possibility of being a champion, not only this season, but for many seasons to come. it could be the start of a new dynasty. and that's what this team is all about.

but even though they have taken less, there is only few money left on the table for pat riley to work his magic. maybe, they will just hire role/vet players who are at the minimum. or veteran players that are also willing to take less just for the sake of a chance to win a championship.

kulang sila ng point guard at big center. suggest ko sana, pabalikin na lang nila si tim hardaway at kunin si patrick ewing, makapag-champion man lang. kahit sila pa magbayad sa miami makapaglaro lang ulit.

can't wait for the next season to arrive. go miami!

Thursday, July 1, 2010

5th

halfway na ng year 2010. sa totoo lang, napakabilis ng taon na to. kumbaga, parang premature ejaculation lang sa bilis. konting aksiyon, tapos. ganon lang siguro kapag very routinary ang ginagawa mo. work and after work.

ang gusto ko lang naman tumbukin, limang buwan na agad ang aking prinsipe. nakakatuwa sa tuwing nakikita ko ang mga latest pictures at videos na ipinapadala sakin. parang malayo man, malapit din. lalo akong naaatat makipaglaro at makipaghuntahan sa kanya. dumadami na kasi ang talent, bukod sa panonood ng kay angelica bilang rubi.


happy 5th month birthday sa'yo anak. one thing is certain, hindi ka aabot ng 6 months nang hindi tayo nakakapag-beerhouse nakakapag-bonding. i'll be home soon.

Wednesday, June 2, 2010

when an american meets a pakistani

dito sa trabaho ko, puti ang amo namin. kaming pinoy ang mga bisor, at mga pakistani naman ang mga tauhan namin. ito naman eh napapagusapan lang.

boss: hey ardyey, who's the contractor in-charge in here?

ardyey: ifaqat, sir. his name is ifaqat.

boss: what?! where the hell this fuck at?!

ardyey: (nagpipigil ng tawa) hey ifaqat, come here!

ifaqat: yes boss?

boss: who's your engineer in here?

ifaqat: engineer ashfaq, boss.

boss: what?! now you're telling me his ass is fucked?! you gotta be kiddin' me!

ardyey: bwahaha.