napaka-ideal sana ng sitwasyon kung magkasama kaming nagtatrabaho dito sa abroad ng maganda kong asawa. walang homesick, walang inip, mas malaki ang ipon. parang last year lang, magkasama kaming nagtrabaho sa maliit na isla ng russia, ang sakhalin island.
nauna sakin si
bachoinkchoink ng tatlong buwan pumunta sa sakhalin bago ako sumunod sa kanya on the new year's eve of 2007. nakaka-senti din dahil sino ba namang hindi, sarap mag-ihaw at makipag-inuman habang nanonood ng mga
nagpapaputok sa labas at sa dvd. naalala ko pa noon, 12 midnight pa talaga ang flight ko kaya't habang naghihintay ako ng pagpasok sa gate, kitang kita ang mga paputok kahit sa malayo, para lang sa
poster ng meteor garden na nakatingin sila sa langit habang nakaupo. pagkaangat ang eroplano ay kitang kita ko ang mga paputok na umaangat sa himpapawid galing sa mga bahay-bahay. pero hindi ko nakikita siyempre ang mga
nagpapaputok dahil sobrang layo na nung eroplano siyempre.
pero mas nanaig pa rin sakin ang excitement dahil gusto ko na rin makita at makasama ulit si bachoinkchoink, na first time magpasko at bagong taon sa labas ng pilipinas. excited din dahil first time kong makakaranas ng isnow at doon mayaman ang bansang russia. umaabot ang temperature ng -25 celcius sa umaga kapag winter. pag bagong ligo at naglakad nga kami ni bachoinkchoink sa labas eh biglang namumuti at naninigas ang buhok nya. mukha lang talagang masarap ang snow, pero kapag ihip ng hangin, parang makapunit
hymen balat ang lamig. ang hirap din huminga.
sa totoo lang, walang kabuhay-buhay ang buhay sa isla. oil and gas plant kasi ang ginagawa namin, kaya talagang sa remote na lugar ang dapat na location. dati rin ginawang tapunan ng mga kriminal at mga sanggano ng mainland russia ang sakhalin island kaya ang mga buildings at structures sa city ay parang pinagdaanan ng giyera.

hindi rin tourist friendly ang lugar. halos walang mga english translation magmula sa kalye hanggang sa karamihan sa mga menu ng mga restaurants. halos hindi rin marurunong mag-english karamihan ng mga local. naaalala ko pa nga nung kakain sana kami ni bachoinkchoink, hindi namin maintindihan ang nasa menu dahil russian characters ang nakasulat. tinatanong din namin ang waitress pero 'no english' din sila. nagturo na lang kami kung ano ang mapag-tripan namin. para kaming mga musmos na hindi marunong bumasa at walang kaalam-alam sa mundo.

kaya nga buti na lang at pinagkaloob na magkasama kaming dalawa sa lugar na yon. kung siya lang o ako lang mag-isa ang nandoon, nakaka-buang siguro. masarap kapag kasama mo ang asawa mo sa ibang bansa. parang hindi mo ramdam na nagtatrabaho ka pala. kahit araw-araw ay trabaho-bahay lang ang routine walang pagka-bato at pagka-bagot. para lang kaming naglalaro ng bahay-bahayan at namamasyal-masyal at pagkatapos ay pareho kayong makakatanggap ng payslip na mas malaki di-hamak kumpara sa pilipinas. parang YEMEN - Yugyugan Every Morning Every Night. december last year nung sabay kaming umalis doon.
at ngayong disyembre, wala kaming magawa kundi ang magtiis-tiis muna. hindi naman kami nasa ganitong setup habang buhay. alam naming darating ulit ang pagkakataon na magkakasama ulit kaming magtrabaho sa isang lugar at sa pwedeng makapagsimula ng pamilya. kaya dito sa qatar kapag tumatama ang homesick,
nasa aking mga kamay lang ang kasagutan.
malayo na naman kami sa isa't isa, wala akong magagawa but to think at a positive sides of things kaysa magmukmok. kahit papano, meron pa ring masasabing advantages. tuwing umuuwi kasi ako, nararamdaman ko ulit ang tamis unang halik namin ni bachoinkchoink nung
nireyp sinagot nya ako noong 2005. sabi nga ni
drew barrymore sa
50 first dates, "nothing beats the first kiss". tuwing umuuwi ako, parang first time ulit naming nagho-honeymoon.
* * *kakanta na lang muna ako dito sa ngayon...
"ang disyembre ko ay malungkot
pagka't miss kita
anumang pilit kong magsaya
miss kita, kung krismas..."