september 10 nang dalhin sa ospital si bachoinkchoink dahil sa contraction ng kanyang tiyan. nang mawala ng bahagya ang pananakit dahil sa mga gamot at turok, under constant monitoring na siya at kambal sa delivery room maya't maya. hindi pa muna inultrasound at minonitor lang ang heartbeats ng dalawa, at normal naman. ang unang plano ng mga doktor ay magstay na si bachoinkchoink sa ospital hanggang sumapit ang ika-7th month ng kanyang pregnancy para makapagcomplete bedrest talaga siya sa ospital, siya ay nasa 6th month sakto pa lang.
september 12, 3:00pm, nang isagawa ang scheduled ultrasound sa kanyang tiyan at doon na nga nagconclude ang doktora na very very slim or almost impossible ang survival ng dalawa kong anghel. nagkaroon na kasi sila ng tinatawag na
twin to twin transfusion syndrome. sa madaling sabi ay sharing sila ng veins at nutrients na tinatanggap, merong donor at recipient sa kanila. kaya ang resulta, payat na payat at halos walang dugo ang isa, samantalang malaki at puro tubig naman sa katawan at ulo ang isa. nagiging visible lang daw ang ganitong problema bago dumating ang 26th week.
halos wala na daw magagawa para sa survival ng dalawa kahit pahinugin pa sila sa tiyan ni bachoinkchoink ng another month. so we decided na tanggalin na sila sa tiyan and hope na masurvive sila, kaysa sa loob pa sila mamatay at madamay pa ang maganda kong asawa.
hindi ko pa alam ang totoong sitwasyon noon. ang sabi lang sa akin ay ini-schedule na daw ng c-section si bachoinkchoink at umuwi na daw ako. friday noon kaya walang tao sa opisina kaya hindi ako makapagpa-book ng flight agad agad. nakausap ko pa ang asawa ko bago siya manganak, and she seems to be excited and ecstatic sa pagkakabalita nya sa kin, to assure me that everything is alright. although nalaman na nya sa ultrasound na ang survival rate ng mga bata ay 1% lang. doon ako sobrang touched kay bachoinkchoink, kahit sa ganoong sitwasyon ay ayaw nya akong mag-alala habang ako ay nasa malayo.
ceasarian section... groggy na si bachoinkchoink ko ng marinig nya ang unang umiyak na sanggol. 3 seconds. yun lang ang itinagal ng 'recipient' twin na puno ng tubig ang katawan. 2.5 liters of water was removed from her body. pinaalalahanan din sya ng doktor na wala na nga siya.
2nd baby comes out, at halos isang dangkal lang siya at payat na payat. tinutulungan ng parang bag para lang makahinga. 10 minutes lang siyang umiyak at pagkatapos non ay wala na. pagkatapos ay another 3 liters of water has to be removed from her womb.
hindi na nakita ni bachoinkchoink ang aming babies, pero narinig niya ang sandali nilang pagiyak.
at doon pa lang ibinalita sakin ng daddy ko ang nangyari nang tumawag siya sa akin sa qatar. alam ko namang anything can happen kaya i already braced myself to hear the worst. nang marinig ko ang boses ng daddy kong
"hello jay... wag kang mabibigla...". that's it. alam ko na agad ang ibabalita nya. ang concern ko na lang ay kung kumusta ang asawa ko pagkatapos ng operasyon. tinanong din ako kung ibuburol pa ba o ipapalibing na agad. sa totoo lang, parang ayaw ko makita ang sitwasyon nila. sabi nga rin ng daddy ko, hindi rin makakatulong sa aming mag-asawa.
september 13, 2:00pm, nang ilibing ang dalawa naming anak sa iisang lalagyan.
september 14, 5:00pm, doon pa lang kami nagkita ni bachoinkchoink sa ospital derecho galing ng airport. everybody was cool and joking around, to keep the atmosphere happy. oo malungkot, pero mas nananaig sa amin ang pagiging thankful dahil walang masamang nangyari sa bachoinkchoink ko.
kapag pinatagal pa ang twins sa loob, baka mas masama pa ang mangyari sa asawa ko. kung magsurvive man ang isang baby, maaaring abnormal at puno ang complications. kinuha na agad sila ni Lord para hindi na nila maranasan ang mga iyon, at iniligtas din ang asawa kong maganda sa sakit ng dulot ng pagbubuntis nya.
* * *
ang mga anghel naming umakyat na sa langit ay
identical twin girls pala. hindi rin pala 100% reliable ang ultrasound results.
* * *
gusto kong magpasalamat sa aking mga kaibigan, kakilala at mga napadaan na nagpahatid ng kanilang panalangin, sentimyento at comments para sa aming pamilya sa pagkakawala ng pinakahihintay naming mga anghel. salamat sa mga nakihintay, naki-update, nakisabik, nakiramay at nakidalamhati.
alam kong lahat tayo ay naging excited habang palapit ng palapit ang kanilang pagdating pero minsan may kaloob ang langit na dapat nating tanggapin sa ayaw natin at sa gusto.
especially sa mga kaibigan kong nag-effort pa ng pagpost sa kanilang mga blogs, hindi ko rin maisalarawan kung paano ako relieved nacomfort at may virtual akong mga kaibigan na concerned. parang 'tccic' ba.
1.
insan gasoline dude2.
lyzius3.
mareng betchay aka utakmunggo4.
mariano5.
ms. maru6.
ron turon7.
pareng badoodles8.
chico9.
trishabiikmaraming salamat sa inyong lahat. kung meron man akong hindi alam, kalabitin nyo na lang ako. gustu kong malaman nyo na naappreciate ko kayo.
let's cheer up and move on. standby lang kayo at magse-second honeymoon muna kami. =D