Thursday, July 23, 2009

Monday, July 20, 2009

gg

buti dito sa qatar, hindi masyadong nakaka-dagdag sa pagka-homesick pagdating sa pagkain. pagkaing pinoy pa rin kasi ang ihinahain sa amin. dahil sa majority ng empleyado dito sa kumpanya ay pinoy kaya meron talagang allotted na mess hall para sa mga pinoy (meron din sa mga puti at itik).

impak, ang sarap ng almusal ko kanina. crispy daing na galunggong with sinangag. binababad ko muna sa suka bago ko isubo, pati ulo hindi ko na pinatawad sa lutong. kung hindi nga lang ako natatakot na sumabit sa lalamunan ko baka kinain ko na rin pati buntot. tumingin din ako sa salamin pagkatapos dahil baka mukha na pala akong bangkay sa putla ng labi ko dahil sa suka. deym! naglalaway na naman ako.



buong araw nga kanina, kada buka ng bibig ko ay yung daing na galunggong na yun ang laman pa rin ng isip ko. bakit? hindi kasi tumalab ang toothpaste sa tapang ng amoy ng galunggong. buong araw tuloy akong conscious sa pagsasalita at tikom ang bibig.


ang larawan ay hiniram dito.

Friday, July 17, 2009

when you were young and your heart was an open book

2nd year high school sa notre kami naging magkakaklase, nagkakilala at nabuo ang barkadahan. 12 years removed from our favorite section, nagkikita-kita pa rin kami ng mga barkada ko from time to time. lalo ngayon tuwing umuuwi ako ng pilipinas, hindi pwedeng hindi kami makapag-inuman o kahit makapag-kape man lang. magkwentuhan nang walang katapusang paulit-ulit tungkol sa mga kalokohan noong highschool at sa mga kinalolokohan ngayon.



malaki na rin ang pinagbago ng itsura ko. hindi ko na iisa-isahin kung ano ang mga yon. pero isa lang ang sure, mas mahaba naman ng half-inch ang titi ko ngayon kaysa noon.

12 years! anak ng conio. ang bilis!

Monday, July 13, 2009

decoding pepe

Exhibit A: ang sabi ng legendary proverb ni pepe,"ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda."

Exhibit B: sabi naman dito, ang conio ay: "used to describe spoiled rich kids who often mix their english and tagalog"

Exhibit C: meron akong katrabahong mexicano kaya natututo din ako paminsan ng salitang espanol sa kanya. impak, kanina ko lang nadiscover na ang ibig sabihin pala ng conio sa espanol ay pekpek.

i therefore conclude, ayon kay pepe, ang pekpek ay daig pa ang malansang isda. out of experience siguro kaya nya nasabi. napaka-chickboy kasi at hindi pa uso ang feminine wash noon.

Tuesday, July 7, 2009

the five man

ngayon ay ang aking 5th year working anniversary. naalala ko pa noong july 2004, nakaka-one week pa lang ako sa opisina nang magbigay ng mga sweldo. nahihiya pa nga akong kunin yon dahil puro tambay at orientation pa lang ang ginawa ko tapos bibigyan na agad ako ng dalawang libo at dalawang daan. narealize ko lang na ngayon, kahit hindi ka kumilos ng isang lingo eh hindi ka papayag na hindi ka masuwelduhan.

excited akong umuwi ng bahay para iabot sa mommy ang unang katas ng pinagpa-aral nya sakin. ayaw pa nga nyang kunin dahil baka wala naman akong panggastos. masarap ang feeling ng unang beses ng pagbibigay sa magulang. alam kong ginapang nila ng daddy ang pinagpa-aral nila sa aming magkakapatid. maliit man ang una kong naibigay sa kanila, iba pa rin ang feeling kapag ibinigay mo ito ng buong-buo with puso.

kinabukasan bago umalis ng bahay papasok sa opisina, humalik muna ako sa mommy sabay humingi ng allowance na tatlong libo at dalawang daan.

Friday, July 3, 2009

a moment in a day in a life

in our modern world where everything seems to be in a rush, specially for a corporate slave like me and many others whose every fucking minutes are gold, it is very important to have ample time to relax, free the mind, think and reflect.

everyday, i see to it that i always have quality time for myself, 15 to 30 minutes alone, reflecting about myself and thinking about almost everything that my mind could reach. whether i am at work or in my room, it is when i am alone that i can freely explore worlds that my physical body could not get into.

during these moments, i think about my loved ones i left behind in pursuit of enough fortune to give them a good life in the future. i am seriously thinking what's the feeling to finally have my own family, which i should have experienced already last year. i am also dreaming how are we 3, 5, 10 or even 25 years from now. hoping that i am making all the right decisions to be the best husband to my wife ant the best father to my kids.

i am thinking about my cheerful family back home with whom i spent all my childhood and young adolescent years. my father, mother, sister and brother, all of them i love so dearly. wishing i could turn back the hands of time where me and my siblings have no other things to do but to exhaust ourselves to sleep from playing. where we would talk about anything while waiting for the electricity power to come back to life during the power crisis of the 90's.

it is when i am alone where i think about my batchmates, whether from elementary, highschool, college and even at work. reminiscing every happy moments with them, where they are and how are they doing nowadays.

not only the friends i once knew from school or from work, but i am also thinking about my new found friends here in the blogosphere. i've met some of them and some are also working overseas like me in different parts of the globe. it seems like i have known them for years because of blogging.

all these things comes to my mind when i am peacefully alone, a few minutes each day. after my reflection, i always bow my head and asking myself the same friggin' question over and over again.

why do sometimes my shit floats, and the next day it will sink? and it varies. there are days that even the hard-like-a-titanium-steel-type shit floats and the puffy-like-a-marshmallow-and-bloated-like-a-cloud-style sinks. and sometimes it is the other way around. it's just so weird. is it because of the surface tension of the water on the toilet? or a good reason might be depending on the density of my shit that i have unloaded swiftly or forcefully.

my 30 minutes is up! my legs are cramping already. now get back to work.