nakatanggap kasi ako ng job offer to work sa algeria. natapos na ang panel interview over the phone at tawaran portion, naisend na sa akin ang draft ng contract at naikwento na sa akin ang mga dapat kong i-expect tungkol sa buhay buhay doon.
medical na lang pagdating sa pilipinas ang kulang. impak, nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko sa trabaho at nagpa-pansit para sa kaunting salu-salo. binitbit ko nang lahat ng gamit ko palabas ng qatar. pagkatapos kong magcheckin sa airport at habang naghihintay na lang ng boarding time, nagcheck ako ng email at ito ang bumungad:

biglang nabulilyaso ang lakad ko. may bago kasing regulation ang labor ministry ng algeria, just 4 days ago na hindi na sila nag-iissue ng work permits sa mga expats 28 years old below. wala na kong magagawa don, talagang 1982 lang ako ipinanganak. at hindi rin naman ako nagmamadaling tumanda kaya no regrets.
mabuti na lang, hindi pa ako nagresign sa current job ko at meron pa akong babalikang trabaho. dapat laging may contingency plan, kung hindi eh naging forever ang duration ng vacation leave ko. mahirap pa naman at global recession ngayon.
kaya babalik pa ako ng qatar, para maningil ng ipinang-pansit. tngngyn.