summary ko bilang isang ofw:
2005 - nagasaki, japan for 3 months
2006 - nagasaki, japan ulet for 3 months
2007 - sakhalin island, russia for 1 year
2008 - singapore for 2 months
at next month, ang susunod kong destinasyon ay ang qatar sa gitnang silangan. mixed emotions ang nararamdaman ko ngayong malapit na naman akong lumarga. eto ang ilan:
1. unang una, nalulungkot ako dahil iiwan ko na naman ang mga mahal ko sa buhay, ang aking pamilya, ang aking lablayf at mga kaibigan. sa totoo lang, hindi naman trabaho ang mahirap overseas, ang pinakamahirap ay yung pagka-homesick at pagka-miss sa mga naiwan sa pilipinas.
2. may konting saya rin dahil magkakaroon ng mga bago kaibigan. panibagong pakikisama sa mga taong makakasalamuha, mga kapwa ofw at mga iba't-ibang lahi na makakasama sa trabaho. pero ewan din, sa abroad ka rin kasi makakakita ng samut-saring ugali ng mga pinoy. makakakita ka rin ng mga kupaloids at mga gago. pero meron din namang makikitang mga friends to keep.
3. medyo kinakabahan din ako sa pupuntahan ko dahil mabibinyagan ako ng middle east experience, although hindi naman kasing lupit ng saudi ang qatar, kinakabahan pa rin ako sa tindi ng init ng summer doon. sa project site kasi ang assignment ko kaya hindi ako makakaiwas sa sikat ng araw. hanggang september yata ang summer doon. sabi nila, iba daw ang init sa middle east. gaano nga ba kainit ang mainit?
4. excited dahil first time ko rin magkaroon ng employer na puti, sa dating trabaho ko kasi, japanese ang amo ko. sa singapore lang naiba dahil singaporean ang amo. sa japanese kasi, pukpukan kung magpatrabaho, susulitin talaga ang binabayad sayo hangga't maaari. maikukumpara ko na siguro kung ano ang pagkakaiba na ang amo ay american at japanese.
5. masaya naman ako sa compensation na ibibigay sa akin. kailangan ko kasi ng pambayad sa hinuhulugan kong sasakyan na hindi ko naman masasakyan dahil nasa abroad ako. hehehe at kahit papano, makakauwi ako twice a year. 6 months work at 2 weeks off kasi ang rotation kaya thankful na rin ako.
37 comments:
matindi talaga ang init sa middle east tol...sobrang humid at kakaiba sa balat parang malagkit..worst mmonth i guess is july and aug.
good luck!
sabe ng kapatid ko(nasa oman sya ngaun) mainit daw talaga! as in! pero kapag nasa loob ng opis hindi na daw. malas mo nga lang at field ka.. good luck! mababaskil (basang kilikili) ka talaga :D
sya din, after 6 months uuwi. :D di ko lang alam kung gaano katagal..
paguwi mo chocolates ha!? :D
kailangan mong magpakain at magpainom bago ka umalis.. magkita naman sana tayong nina gasul bago ka umalis. hanngang dito na lang sa ngayon, dko na kaya magtuype.. naiiyak na ko... *sniff* (tisyu ples)
May ilang lugar na rin pala ang napagdaanan mo, Pards. Mahirap talaga ang maging malayo sa pamilya pero saludo ako sa iyo dahil sa handa kang magsakripisyo para sa kinabukasan mo at ng magiging pamilya mo.
Good luck Pards and keep up the great work!
wow jetsetter!!!
...pero mabalik tayo sa mas mahalagang usapan: PAINOM KAYO BAGO UMALIS!!!!!!!!!
Me aquarium ba sa Qatar? WOOT WOOT! = P
bloghopping. good luck to you on your new endeavors.
hello...
thanks po sa pag-visit sa site ko...
kaw po ang una kong binigyan ng comment,nahihiya kasi ako makipag-daupangpalad sa iba...
goodluck nalang po sa new destination nyo ngayon... ;)
kung mainit dito sa pinas, mas mainit pa ata dun sa qatar pero kayang kaya mo yan. Think happy thoughts parati and before you know it, you're bound for home again. kelan ba alis mo ulit?
aabot ng 50 degrees celcius ang qatar dude...parang dito rin sa dubai...
gud luck!
dakilang islander,
hinihanda ko na nga sarili ko, para akong pupunta siguro sa pugon country. hehehe. salamat. =D
ayz,
salamat sa info. hindi naman ako babad sa labas, kumbaga eh papasyal pasyal lang minsan. pero maba-baskil nga ako tyak, pero pwede naman mag-pukil (punas kilikili). aheheh. =D
chroneicon,
di pa nga tayo nagkikita, naiiyak ka na, pano pa kapag nagpainom ako? hahaha! =D
panaderos,
mas kahanga-hanga ang nag-aabroad nang meron nang pamilyang binubuhay, bossing. sa mga binata eh madali pa, mas mahirap kapag naiisip mo ang anak o misis mo. kaya nga larga muna ko ng larga habang wala pa ko bebi. salamat pards. =D
lethalverses,
ano ba yung jetsetter? please enlighten me. hahaha! =D
Gdude,
meron siguro, kaso buhangin ang laman. =D
photo cache,
salamat sa pagbisita. balik ka ulit. =D
jheya,
ikaw pala ang kapatid ni jeck, so pinsan rin pala kita. hehehe. visit ka sa site ng mga kaibigan ko dito, wag ka mahiya makipag-kwentuhan. mababait ang mga yan. =D
salamat sa pag-comment. its my honor. =D
tito rolly,
kwento kwento nga, pwede ka na raw magpirito ng itlog sa kalsada, tuyo agad ang damit kapag nilabhan, ang init abot singit. hehehe. pero kaya naman siguro, safety first. update ko naman kayo kapag hinimatay na ko doon. hahaha. =D
ang sabi ko sa agency ko ay not earlier than May 15th.
lyzius,
50?? kalahati na lang boyling powent na? hahaha cool! este.. sizzling! kumusta na lang sa inyo dyan sa dubai.
salamat sa pag-link at pagbisita. =D
salamat sapagbisita bro!lipat lng ako sa tabitabi.hehe.definitely di pa sa abroad.
enhinyero k rin pl.malamang ME k.sa piping k cguro kasi tubero ung occupation mo e.
salamat sa pagdaan pare.gudluck sa trip sa qatar!
x-links tau?anyways, na-add na kita! :D
kuri,
galing mo manghula ah. hahaha. ikaw din ba ay inyinhero kunwari? anong line of work mo?
salamat sa paglink. =D
hehe.oo inhinyero rin ako kunyari...
taga-gawa ng sirang tv at plntsa pare.minsan taga-kabit ng baron super antenna!
thanks s link!
gudluck dude ;)
good luck, rj! galingan mo sa qatar. may friend ako na based doon. ok naman ang lagay nila. 4 days yata ang workdays tapos 2pm uwian na. british colony ang qatar so i guess, safe doon.
malapit ka na pala lumarga, good luck bro
kuri,
taga-gawa ng tv/plantsa at taga-kabit ng baron? di ko pa rin magets. ahehehe pasensya na slow eh. =D
thanks mari! wow masarap na nga yung lagay ng friend mo na 4 days work week. pero sa site ay iba, ang usual ay 6 days per week. sa climate lang naman ang ikinakatakot ko. ahehehe. =D
madbong,
oo pards, palapit na ng palapit. salamat. =D
hello..
nakita ko lang ang site mo thru batjay's blog. OFW ka rin pala. tama ka. madaling maka-adjust sa work, pero ang homesick ang mahirap tiisin. hay layp. ganun talaga. sakripisyo muna. =)
Godbless!
alma,
salamat at naligaw ka dito. nakakatuwa kapag may naliligaw. hehehe. =D
malamang si kuri ay ECE o kaya EE... kapareho ko... huhuhu...pero ang kinalabasan ng trabaho dito, taga tingin lang ng mga dokumento...pero okay na rin yun kesa magbilad ako under the hottah hottah sun...
balita ko umaabot ng 48 degrees C dun...
tanned na siya! yihee joke lng...
lam kong malulungkot ka ... kaya ... dalawin mo nalang kami online a!!! hahaha... para masaya pa rin! yay! =)
good luck! sana maging maayos lahat! =)
EE ka pala, minsan talaga malilihis ka sa mga gusto mong mangyari. pero basta, life goes on. hehehe. =D
toxic,
pumuti na nga ako ng kaunti sa isang taon sa freezer, matutusta naman ako sa pugon ngayon. hehehe. labanan ko kaya ng sandamakmak na glutatayon? hahaha!
galing ni lyzius!
ECE ako dude, Engot Cung Engot!!!
good luck sa next destination mo. kaya mo yan. :)
salamat dyanie! =D
Post a Comment