Saturday, April 4, 2009

i get high with a little help from my friends

akala namin, best in uniform at best muse lang ang mapapanalunan namin dito sa sinalihan naming basketball tournament sa doha. meron pa pala.

biruin mo nga naman, mula nung talo namin noong opening, we are on a two game winning streak. 2-1 na ang standing namin. and we did it on a spectacular fashion dahil parehong tambakan ang kalaban. although wala ako noong third game dahil meron akong pasok. call of duty.


three point shooting ang assignment ko sa team. ako ang outside threat kapag nagkakarambulan na sila sa loob. magaling daw kasi ako mag-shoot. you know, shoot. nakakatuwa nga dahil tuwing makaka-shoot ng three points, meron pang sound effects na tutugtog na "jumbo hotdog kaya mo ba to? kaya mo ba to?", at sasagot naman ang kasama naming bading ng "kaya ko yan! kaya ko yan!".

pero wala pa rin ako sa galing sa shooting ni chroneicon. talo kasi kami ni lv sa kanya noong nagpustahan kami last year.

Tuesday, March 31, 2009

obladi, oblada

naisip ko lang bigla, parang mas mahirap ang pagiging OFW habang patagal nang patagal ang panahon. habang tumatagal, lalong mahirap magpakalayo-layo. abril na kasi bukas, a third of the year will about to pass na parang wala man lang happening sa buhay. kung siguro 25 years from now at iisipin ko ang mga nangyari sa akin 25 years ago, trabaho at paghihintay ng sweldo lang siguro ang maaalala ko. lalo siguro kung bigyan na kami ng baby ni bachoinkchoink. nakupo, kayanin ko pa kayang mag-abroad mag-isa?

hindi katulad nung first time kong umalis ng bansa at mag-japayuki. binata. may halong excitement dahil first time kong maging independent at mamuhay mag-isa. may feeling of adventure dahil makakapunta ka sa ibang lugar na hindi gaanong napupuntahan ng iba. at siyempre ang pagkita ng mas mataas ng kaunti sa kinikita sa pilipinas.

bigla ko lang din naisip, kaya bang higupin ng pressurized na toilet bowl ng eroplano ang malagkit at sandamakmak na ebak? naalala ko lang kasi na minsang pinigil ko ang pag-ebak ko dahil sa takot na hindi ito mahigop. dyahi naman sa susunod na gagamit.

nagtatanong lang naman. malapit lapit na rin kasi ang aking 9-hour non-stop flight to manila.

Thursday, March 26, 2009

if the rain comes they run and hide their heads

nakakatamad ang panahon dito sa qatar ngayon. nung isang gabi pa kasi maulan at buong araw makulimlim. sabi nila, abnormal na daw talaga ang klima. hindi naman daw kasi tumatagal ang ulan dito sa qatar. ang sarap tuloy ng tulog ko kagabi habang naririnig ang mga patak ng ulan sa bubong.

memorable sakin ang ulan lalo noong batang uhugin pa lang ako. pag nagbabadya kasi ang malakas ng ulan o bagyo, isa lang ang sigurado. babaha sa lugar namin. mababa kasi ang lugar namin dati. para kaming nasa embudo. kung babaha sa kalye namin, sa amin ang pinakamalalim. minsan ngang naasar ang mommy sa akin dahil nung makita kong pataas na ang tubig sa kalsada, tuwang tuwa pa kong binabalita sa kanya.

bakit ako masaya? tuwing huhupa kasi ang baha, merong mga naliligaw na maliit na mga gurame sa mga kanal. tuwang tuwa kaming maligo sa tubig baha habang nakikipaghabulan sa mga isda at ang mahuli namin eh kinukulong sa maliit na garapon.

nung highschool naman ako, kapag uuwi na ko at inabutan kong baha ang lugar namin, no choice ako kundi lusungin ang baha na hanggang baywang para lang makauwi. palapit ng palapit, palalim ng palalim. kaya kapag inabutan na ng malamig na baha ang brief ko, kinikilig ako. nakakakiliti kasi. haylabit.

sarap lang magreminisce tuwing umuulan. natutukso na naman tuloy akong magsick-leave.

Monday, March 23, 2009

a.r.d.y.e.y.t.o.l.o.g.y. 1st anniversary special

.
.this summer of 2009
.
.a.r.d.y.e.y.t.o.l.o.g.y. cinema productions
.
.gives you the most anticipated event of the year
.
.coming soon in all theaters near you
.




photo credits: www.richardbuan.com

Thursday, March 19, 2009

show them to me

isang country song ang LSS ko ngayon. ito ay ang show them to me ni rodney carrington. paborito ko ang kantang ito. masarap kasi kantahin kasabay ng gitara. pareho lang siguro kami ng trip ni pareng rodney.
* * *

Oh it seems to me this whole world's gone crazy
There's too much hate and killin goin on
But when I see the bare chest of a woman
My worrys and my problems are all gone
No one thinks of fightin, when they see a topless girl
Baby if you would show yours too, we could save the world

Show them to me, show them to me
Unclasp your bra and set those puppies free
They'd look a whole lot better without that sweater baby I'm sure you'll agree
If you got, two fun bags,
Show them to me

I don't care if they don't match or ones bigger than the other
You could show me one, and I'll imagine the other
Even if you're really old, theres nothing wrong
Don't be sad your boobs ain't bad, they're just a little long

Show them to me, show them to me
Lift up your shirt and let the whole world see
Just disrobe, show your globes and a happy man I'll be
If you got, dos chichi's,
Show them to me

I've met a lot of them, but never one I've hated
Even if you've had thirteen kids and you think they look deflated
Theres no such thing as a bad breast, I believe this much is true
If you're a big fat man I'm a titty fan and I'd love to see yours toooo

Show them to me, show them to me
Just like the girls gone wild on T.V.
Just lean back and show your rack and I'll be in ecstasy
If you got two casabas
Show them to me

All the world will live in harmony
It'll do you good, it'll give me wood, we'll make history
If you love your country, I'm gonna say it one more time,
I said if you love your country yea
Then stand your ass up and show them big old titties to me

Thursday, March 12, 2009

let me go home

because i am so fucking homesick.

133 days and counting. this has been the longest time that me and my beautiful bachoinkchoink are apart. i am so excited to go home already, but that's still a month and a half from now. i am missing you very much. everyday i dream of being at the airport's arrival section and to see you waving and your beaming face smiling at me.

this is the effect of homesickness to me. i talk english.

Wednesday, March 4, 2009

daily dose of hydrogen sulfide

karaniwan nang tanawin dito sa qatar, in particular of ras laffan, ang mga flare stacks ng mga refineries. kaibahan lang nito sa mga ordinaryong chimney sa mga pabrika ay imbis na usok lang, may apoy din ito sa dulo. sinusunog kasi dito ang mga unwanted at flammable gases na nakukuha sa natural gas sa ilalim ng lupa pagkatapos dumaan sa refining process. isa sa mga common gases na sinusunog sa mga flare stacks ang gas na tulad ng hydrogen sulfide.

feeling ko nga kapag matagal pa akong nagtrabaho dito sa ras laffan eh maaga akong magkakasakit at mamamatay. kapag mahangin kasi, tulad ngayon dahil nagpapalit na ng panahon dito, imbis na pumunta sa langit ang singaw ng mga flares eh hinahangin ito pabalik sa lupa. at laging nalalanghap sarap ng mga nagtatrabaho sa mga construction facilities tulad dito.

pero alam nyo bang ang utot natin ay may taglay din na hydrogen sulfide or H2S? kaya kahit wala ka dito sa mga refineries eh kagaya mo rin akong nanganganib ang buhay. lalo kung paborito mong gawain ang pagkulong ng utot na kalalabas pa lang at mainit-init pa sa palad mo at biglang itatapat sa ilong mo at sisinghutin na parang rugby. kung hindi mo naman sinisinghot, ipupukol mo naman sa mukha ng katabi mo. makonsensya ka naman bay.

umamin na kayo. sa tanang buhay nyo eh nagawa nyo na rin itong pinagsasasabi ko dito.

Friday, February 27, 2009

keep on dreaming

nagpunta ang team namin sa doha kaninang umaga para sa opening ng PBLQ dito. sumali ang company namin sa corporate division kung saan 7 teams/companies ang maglalaban sa eliminations every friday.

kami agad ang unang game. kalaban namin ang ctjv wildcats. takbo rito, takbo roon. nagbunga rin naman ang mahigit dalawang buwan naming pagpa-practice. dahil pagkatapos ng 40 minutes of action, tinambakan kami ng 18 points. kitamo, kung hindi kami nagpapractice eh baka singkuwenta pa ang itinambak nila sa amin. now that's positive thinking.

sa totoo lang, mahina talaga ang team namin. kung papogian lang sana ang labanan eh meron siguro kaming panalo. kaso kulang kami sa malaki. meron lang kami ay naglalakihang tiyan. pati titi maliit din. kaya nga nakaka-ilang ang ipinangalan sa team namin na dream team. kapag nalaman ko nga kung sino ang may pakana ng pangalan na ganon, cho-chokeslamin ko. dreamers pwede pa.

we are just happy to be there. kumbaga, experience lang talaga ang habol namin. tama na nga, dami ko pang paliwanag.

Monday, February 23, 2009

lamesang mala-bulbol

ang pagiging organized ng isang tao ay kadalasang sumasalamin sa mga pwede nyang marating sa buhay. kadalasan, ang mga taong organized ay maayos ang takbo ng career, natutupad ang mga pinapangarap at umaasenso sa buhay.

at dahil kapanahunan nga pala ng edsa sa pilipinas ngayon, mukhang kailangan ko ng pagbabago. ano sa tingin mo?



wala kasi si bachoinkchoink ko dito eh. kaya walang nagpapaalala saking mag ayos-ayos naman ng gamit. kunsabagay, kung nandito siya malamang mas makalat pa dito ang mesa ko. [insert tawa-ni-romy-diaz here]

Sunday, February 15, 2009

ang kuratcho

kung merong mga tao na mas gusto ang walang ginagawa sa trabaho, meron din namang gustong gusto ang busy at madaming ginagawa tulad ko. sa kagaya ko kasing hobby na ang magbilang ng araw para sa susunod na bakasyon, at maghintay ng payslip buwan buwan, very helpful ang pagiging occupied sa trabaho para bumilis ang pagsikat at paglubog ng araw.

tulad ngayon, ang bilis ng oras. biruin mong 66 days na lang pala eh uuwi na ko ulit.

daig ko pa nga si kuratcha. dahil ako, ihi lang ang pahinga.


"duwag talaga ako, kaya h'wag nyo na akong paharapin..." - ardyey

Monday, February 9, 2009

no family, no entry

ang ras laffan ay nasa north ng qatar, kung saan makikita ang pangatlo sa pinakamalaking gas reserves sa buong mundo. kaya dito rin makikita ang mga kabi-kabilang refineries na parang magkakapit-bahay lang na mga malls. isa't kalahating oras ang biyahe sa bus kung pupunta ka ng doha.

sa buong 9 months na pagtira ko dito sa qatar, wala pa kong ibang napupuntahan kundi ang city center sa doha. at pumupunta lang ako doon kapag naubusan na ko ng grocery supplies tulad ng toothpaste, lotion, chocolates, lotion, at ilang konting kagamitan (lotion etc etc). bumababa rin ako ng city center kung trip kong kumain sa resto or fast food chain at kumain ng lotion burgers.

pero hindi ako makapunta ng city center tuwing day-off ko ng friday dahil may batas dito sa qatar na ang friday ay family day. meaning, ang mga may kababaihan o mga lalaking kasama ang partner o pamilya lang ang pupwedeng makapasok sa mga malls. kung lalaki ka at mag-isa ka lang na papasok ng mall, palad ng mga guwardiya ang sasalubong sayo. ganon din kung puro kayo mga lalaki at mukhang magbabarkada. kaya ang ginagawa na lang ng ibang lalaki eh kakausap ng mga nagiisang kababayang babae at magkukuwaring mag-syota o mag-asawa para lang makapasok sa mall at maghihiwalay na lang pagkapasok.

sa unang tingin ay parang "family first" ang isinusulong ng gobyerno dito. pero may nabasa ako na kaya daw merong ganitong batas ay para sa mga locals na babae na namamanyak sa tingin ng mga lalaking sabik. ang tinutukoy ay yung mga laborers na mga pakistano, indiano at oo na nga, kahit mga ibang pinoy na rin.

hindi ako sangayon sa batas na to. itinapat pa talaga ng friday ang family day kung kailan day-off ng karamihan sa mga nasa construction industry. talaga yatang sinadya ito para hindi na sila makapasok sa mga malls. pero hindi apektado ng batas na to ang mga puti. kaya hindi makakaila ang discrimination.

eh pano naman ang mga tulad kong kyut, na walang pamilya dito, na hindi naman manyak pero medyo medyo lang? pano ko bibili ng lotion?

Sunday, February 1, 2009

count to ten five

sa totoo lang, tamad talaga akong magsasagot ng mga tag. pero nakakatouch din dahil naalala kang i-tag ng mga ilang kaibigan. madaming nag-tag sakin nitong mga nakaraang buwan at napansin kong matagal na pala itong overdue, tulad ng tag sakin nila damdam at lyzius. muli na naman akong nakalampag ng tag ni pareng badoodles kaya bago pa umabot ang utang ko sa sampu, sisimulan ko na.

sampung bagay tungkol sa sarili ko. siyam na totoo, isang hindi. tutal eh medyo pinilipit na rin ni badoodles ang rules ng konti, eh babaguhin ko na rin ng kaunti ang rules. imbis na sampu, lima na lang. apat na totoo at isang half truth. kuripotism at its finest.

1. ang pinakamatagal na stretch kong walang ligo ligo ay 3 weeks. ito kasi yung time na binulutong ako nung third year high school at hindi ako pinainom ng kahit anong gamot at hindi rin ako dinala sa doktor kaya tumagal. sa sobrang asar ko eh tinuklap ko na yung mga natitira at naglalakihang peklat ng bulutong ko sa mukha. and there is the history of the moon.

2. ang tawag sakin ng mga tito ko noong bata pa ako ay baktol. proud na proud pa ko noon kasi may naka-vandal na malaking baktol sa isang pader sa lugar nila sa navotas noon.

3. nung fourth year high school naman, namboboso kami sa katabi naming all-girls school (dating OLGA) kapag nagbibihis sila tuwing p.e. nila. nakikita kasi ang silhouette nila sa glass windows. pero minsan lang naman nangyayari yun. tuwing recess ng friday, 2:50pm to 3:10pm lang.

4. may talent ako sa pag-utot. you name it. mahaba, maiksi, madami, putul-putol, mellow, hard, boom-da-base, silent killer, etc etc. noong college nga ay nagamit ko ang pag-utot ko sa pangogopya. sa kasagsagan kasi ng exam, bigla akong nagpakawala ng single/boom-da-base type ng utot. nagka-riot na parang may naghagis ng tear gas, o laughing gas. pati professor di nakatakas sa pagtawa. nagkaron tuloy ng pagkakataon para makasilip sa test paper ng katabi.

5. malaki ang paa ko. size 11.5 ang rubber shoes ko. i therefore conclude, malaki ang titi ko.


alin ang half truth? penis or not penis, pass your papers.