Thursday, March 26, 2009

if the rain comes they run and hide their heads

nakakatamad ang panahon dito sa qatar ngayon. nung isang gabi pa kasi maulan at buong araw makulimlim. sabi nila, abnormal na daw talaga ang klima. hindi naman daw kasi tumatagal ang ulan dito sa qatar. ang sarap tuloy ng tulog ko kagabi habang naririnig ang mga patak ng ulan sa bubong.

memorable sakin ang ulan lalo noong batang uhugin pa lang ako. pag nagbabadya kasi ang malakas ng ulan o bagyo, isa lang ang sigurado. babaha sa lugar namin. mababa kasi ang lugar namin dati. para kaming nasa embudo. kung babaha sa kalye namin, sa amin ang pinakamalalim. minsan ngang naasar ang mommy sa akin dahil nung makita kong pataas na ang tubig sa kalsada, tuwang tuwa pa kong binabalita sa kanya.

bakit ako masaya? tuwing huhupa kasi ang baha, merong mga naliligaw na maliit na mga gurame sa mga kanal. tuwang tuwa kaming maligo sa tubig baha habang nakikipaghabulan sa mga isda at ang mahuli namin eh kinukulong sa maliit na garapon.

nung highschool naman ako, kapag uuwi na ko at inabutan kong baha ang lugar namin, no choice ako kundi lusungin ang baha na hanggang baywang para lang makauwi. palapit ng palapit, palalim ng palalim. kaya kapag inabutan na ng malamig na baha ang brief ko, kinikilig ako. nakakakiliti kasi. haylabit.

sarap lang magreminisce tuwing umuulan. natutukso na naman tuloy akong magsick-leave.

12 comments:

p0kw4ng said...

di ko naman alam kung matutuwa ako o matatakot dati pag umuulan sa amin...ang baba kasi ng bubong namin kaya dinig na dinig mo yung patak sa bubong..yung parang feeling ko eh gugunaw na....ang masarap nga lang don ang sarap maligo sa malakas na ulan!

gillboard said...

totoo, sarap kapag may baha.. kami din nung bata ako, nanghuhuli kami ng gurami tsaka hito.. tapos pag may guraming buntis... tutuwa kami kasi yung nanay, kinakain yung anak niyang gurami... hehehe

Anonymous said...

ayoko aman ng ulan dati..kasi naman pag umuulan sa amin wala ngang baha labas pero sa loob ng bahay meron..butas kasi bubong namin dati..

♥ K.i.i.k.a.Y ♥ said...

uu korek pag bubuhos na nag ulan ay talagang my baha....

love na love ko yan nung bata pa ako....


kahit ang kulay ay di clear kasi baha nga...

yan ligo parin...at saka ang yung 2big ng ulan so refreshing...

Anonymous said...

ang naaalala ko nung bata ako na nakatira pa kami sa bacoor, tuwing umuulan e naliligo kami ng mga kalaro ko tapos maggagala kami hanggang makarating kami sa dagat. masarap maligo sa dagat habang umuulan. para kang nasa sex scene ng mga bold stars sa dalampasigan. hahaha

tapos pag humupa na yung baha sa amin, marami kaming makikitang mga laruan sa palaisdaan kaya masaya kami nun. haha

*tagal mo pa rin bago makauwi* bwahahaha!

-jeck

RJ said...

@pokwang: nung malaki na ko eh hindi na rin ako natutuwa sa baha. kasi katulong na ko sa pagbubuhat ng mga gamit at pagkukuskos ng sahig pagkatapos ng baha. hanggang baywang ang tubig sa sala FYI. hehehe.

@gillboard: masarap kasi yung tubig baha noon ay medyo malinaw linaw pa. yung baha yata ngayon eh para nang burak dahil may kasama na laging putik.

@azul: busyng busy pala ang mga kaldero at timba sa inyo kapag tag-ulan ano? hehehe.

@kiikay: masuwerte pa rin ang mga bata noon at naranasan pang makaligo at makapaglaro sa baha. hehehe.

@insan jeck: sa amin naman kasi ay sapa ang umaapaw kaya bumabaha. subukan mong maligo doon tignan ko lang kung hindi ka makarating ng manila bay. hehehe. lakas kasi ng agos.

konti na lang kaya ang 26 days. hehehe. yahoong yahoo!

Panaderos said...

Cool na cool iyang kantang iyan. Napanood mo na ba iyan sa Youtube? Ang galing ng porma ng mga kumpare natin doon! :D

Enjoy din ako noon pag malakas ang ulan at bahay sa lugar namin. Bigla kasing nagkaka-wet t-shirt contest sa amin. Hehehe :D

BlogusVox said...

Mabuti nga dyan naulan pa, dito ambon lang. Ang nakakainis lilinisin mo ang sasakyan mo, kinaumagahan mukhang sinalaula dahil sa sandstorm pakatapos konting ambon. Nagmukhang pinabayaan tuloy ang sasakyan mo ng kung ilang buwan dahil sa putik.

RJ said...

@panaderos: ay enjoy din ako kapag umuulan at nasa may bandang st.paul manila ako, may wet uniform contest naman. hahaha!

di ko pa napanood yung video na yun. panoorin ko nga. hehehe.

@blogusvox: nakakaawa nga rin ang mga kotse dito. ferrari o kaya carrera eh nakaparada lang sa kalye nang napakadudusing. hehehe.

UtakMunggo said...

parekoy, nag-hailstorm rin ba jan? sa dubai kasi, oo. ahm, wala akong alam sa geography kaya pasensyahan mo na ang ignoranteng tanong na iyan.

mahilig rin ako sa baha dati kaya ang dami kong galis. i have the scars to prove it. ahahahaha

pero di ko pa natikman yang nakakakilig na abot-salawal na baha.

RJ said...

marekoy, balita ko nga kagabi naghailstorm daw sa dubai. pero kakaiba ang lakas at talim ng mga kulog at kidlat dito kagabi. kagabi ang pinakamalakas na ulan na inabutan ko dito.

kung galis lang din ang paguusapan eh di rin ako patatalo sayo. hahaha!

prinsesa000 said...

hahaha natuloy ba ang sick leave?

alam na alam ko ang feeling na may baha.. alam mo naman dito sa Obando katulad rin ng valenzuela na normal na ang hanggang baywang na baha pag umuulan o may bagyo...

masarap ring manghuli ng gurame.. di ba un ung may mahahabang kung ano man un sa ulo.. hehehe
di ko kasi maisip ung term e!

i love rain too..
lalo na ung tunog ng ulan habang natutulog...